
Zsazsa Zaturnnah ze moveeh! Coming this December, along with 8 other entries in the Metro Manila Film Festival. And look at the promo picture – wig kung wig!
Sa buhay, may mga pangyayaring hindi natin maipaliwanag. Ang pagsabay ng buhos ng ulan at pagsikat ng araw. Ang pag-aaway ng aso’t pusa. Ang paglaho ng inasahang walang kamatayang pag-ibig.
Gayunpaman, tuluy-tuloy ang buhay. Minsa’y hindi mahalagang malaman pa ang dahilan. Basta nangyayari na lang. Tapos.
Tulad ko. Ilang taon ko nang iniisip kung bakit ako ganito. Kung bakit malambot ang galaw ko. Kung bakit matinis ang boses ko. Kung bakit hindi ako…normal.
Balde-baldeng luha na ang naiiyak ko dahil dito. Ngunit sa dulo, tinanggap ko na. Bakla ako.
Kaya pinagsikapan ko na lang na magsilbi sa bayan sa tanging paraan na nalalaman ko. Ang gumawa ng himala para sa mga nilalang na likas na pangit. Dito ko nagawang kumita ng sarili kong pera, at umani ng paggalang mula sa aking kapwa.
Maraming tanong. Hindi na mahalaga ang kasagutan.
Ako si Ada. Isang bakla. Yun lang!
Possibly Related Posts:
- Drama Queens This Is For You “I can’t live without you, because I will love you...
- Ang manunulat at ang manggagamot Ang sarap siguro ng buhay ng mga manunulat. Sentro na...
- Ang Lihim Nating Lahat Have you seen the movie, “Ang Lihim Ni Antonio”?...
- A tribute, and a story Once in a while I get letters that deeply touch...
- Valentine-flavored Email A Valentine-flavored forwarded email about, what else, LOVE that made...
