Shet. Di na ba talaga uso ang maging totoo sa taong mahal mo?
Nung isang gabi lang, may kasama akong dalawang guwaping. Mga edukado, nakapag-aral sa mga matataas na institusyon, mga galing sa tinatawag na buena familia. Tapos hirit nung isa, “I’m into open relationships.” Kesyo sa umpisa daw ng relasyon ng 2 baklang nagmamahalan, okay lang ang fidelity. Pero kalaunan, kailangan daw i-open. Para daw may variety at di magkasawaan. Para daw may excitement pa rin. Para daw tumagal.
Agree naman yung isang mokong. Sabi niya, as long as one does not get emotionally attached, okay lang makipag-sex sa iba ang isang taong nasa relationship.
Sa totoo lang basag na basag ang idealism ko after that conversation.
Basag na nga, pinulbos pa. Kagabi, nabalitaan ko, yung isang hanahangaan kong kaibigan na may partner (mahigit na 5 years na sila!)… hayun, lumalandi sa isang “tall, dark, and puwede na.” Anoverz! Idol ko pa naman sana yung kaibigan kong yun… tapos isa pala siya sa mga dudurog ng aking idealism tungkol sa gay relationships.
Ano ba ang nginangalngal ko dito? Eh kasi naman, bakit ba ako nagkaganito — nag-iisip na ang tanging pagmamahalang papayagan kong dumapo sa akin eh yung totoo, dalisay, at walang kinikilalang pag-iimbot? Na ang wagas na pag-ibig ay ang nagbibigkis sa dalawang pakpak (hindi tatlo, hindi apat, hindi lima) upang ito’y makalipad? Na ang tunay na pagmamahalan ay bingi sa panaghoy ng laman?
Ah shet. Siguro nga over-the-top ang idealism ko. Sige na, basagin ninyo na. Tsugihin, awardan, at durugin ninyo na ang walang saysay na idealism na ito. At habang sabay-sabay ninyong ginagawa iyan, uupo ang lola ninyo sa peborit tumba-tumba ko, at mag-ga-gantsilyo ng placemat na may hearts-hearts, tumitibok-tibok pa.
This post in Migs’ naked voice:
Download this episode (right click and save)
Possibly Related Posts:
- Janvier Daily Bares His Past Jun Lana, writer/director of Roxxxanne, does a no-holds-barred interview...
- Saan Nagtatago si Happiness? Here’s a post contributed by an MGG reader. Thank you...
- Bakla, kawawa? This article was written by John Lapus. Funny, witty,...
- A tribute, and a story Once in a while I get letters that deeply touch...
- Corporate Closet Reacts to Anoverz My dear friend CC (for Corporate Closet) reacts to the...


