Reader Matt writes about his life in the closet. Let’s hear it from Matt, another MGG, the Military Gay Guy.
hi migs,
good day!
been an avid reader of your blog and i would just like to thank you for making my day always…at ang saya saya ng comments ng blog mo nakaka hook…
napakalaking bagay para sa akin ang blog mo dahil ito lang ang time na pwede akong maging open sa sarili ko and be connected with PLUs (got that 1 from your blog too, lol). Though d ako nagpaparamdam asahan mo na anjan lang ako nakitawa at naki iyak sa mga blog mo!!!
mahirap kasi ang case ko dahil d ko kayang aminin sa family ko kung ano ako… but i’m sure may hint na cla coz i’m already 30 plus and yet wala pa akong gf, ive skipped reunions and other social gatherings para dna matanong…pasalamat ko nalang wala pang nag asawa sa mga kapatid ko. Very conservative kasi talaga ng family ko and kahit ako parang dko rin kayang sirain yung name ng family ko and trust ng parents ko para sa akin.
Mas lalo pang mahirap ngayon coz i’m working in a military facility and i’m sure patay ako pag nalaman nila. u know what dahil sa pagtatago ko at sa pagka straight (acting) ko wala pa akong masyado experience about sex … puro bayaran lang at medyo mahal dahil I need to travel pa to other cities para lang d mahuli. kaya whenever i read your blog na para kang pinag agawan ay sobrang inggit ako…
parang hopeless na ang case ko dahil pati kaibigan wala ako, parang nag isolate ako sa sarili ko grabe no sobrang paranoid ako pagdating sa isyung yan? wala pa akong napagsabihan kung ano ang sexual orientation ko.
I hope hindi ka nahilo sa email ko dahil feeling ko ako ang nahilo at sana naintindihan mo cya dahil nahirapan akong magtagalog from Cebu kc ako….LOL
hope u will blog more and sana mabigyan mo ako ng mga friends para may makausap man lang ako…labo ko no?
thanks for your time
- matt
Possibly Related Posts:
- Married Guy Shares His Story Hi Migs, Alam ko dami mo letter-sender na inspiring...
- Pre-election woes of gay candidate Hi Migs, Just call me TJ, 27 yrs old...
- A reader asks, “Am I gay?” One of the many great things I really enjoy when...
- How to seduce a straight guy No, dearie, I won’t give you my secrets. Just...
- “Masarap na ulam na di puwedeng kainin” Hi Migs, I’ve been reading your blog for almost three...


