
Have you seen the movie, “Ang Lihim Ni Antonio”? It is reportedly the highest grossing gay indie in the history of Philippine Cinema. Congrats to the dynamic duo of Jay Altarejos and Lex Bonife — idol ko kayo! Various blogs have shared their own thoughts and opinions about the movie. Para maiba naman, let me do something a bit different…
Notable bloggers Share…
-
The Ultra-famous, Ultra-fashionable AJ of BaklaAko.com: Ang Lihim Ni Antonio Ay Lihim Ko Rin
-
The Tall Dorky Nursing-Student-slash-”call boy” from Antipolo, Jhed: Ang Lihim Ni Antonio, A Shocking Revelation
-
The Mysterious Kai Santorino: Ang Lihim ni Antonio – attacks itself?
-
The Agile-tongued and Witty McVie: Three Films in Two Days
Notable bloggers Express…
I was able to get 3 fabcasters to “express” their feelings after watching Ang Lihim Ni Antonio… here they are, all for your wild interpretations… all in the spirit of fun ha!
-
AJ of BaklaAko.com:

-
Lobster Tony:

-
McVie:
-
Ang tataray ng mga fez! Hahaha!
By the way, the same evening when I took these photos, I was with these folks, and Misterhubs (with his hubby) — we watched Daybreak naman. Siyempre starstruck ako, being able to rub elbows with my idol lawyer-blogger. He’s such a nice guy, and seeing him with his hubby — an inspiring sight!
and then a reader shares…
Back to the topic, the movie Ang Lihim Ni Antonio. I received a rather lengthy comment from a previous post — an MGG reader, Patrick, shares his thoughts regarding his identification to the movie’s plot. Read on…
Lahat tayo may kanya kanyang lihim,lahat tayo may katanungang pilit hinahanapan ng kasagutan, kung minsan ang mga katanungang yun ay mananatili nalang tanung hindi natin alam kung kaylan ang takdang panahon para sa bawat kasagutan… tulad ni Antonio isang tauhan sa pelikulang napanuod ko marami din gumugulong katanungan dito sa isip at puso ko at hanggang ngyun pilit ko parin hinahanap ang sagot… tulad ni Antonio ilan beses ko din tinanung ang sarili ko sa mga sinsetibong bagay na ito at sa pagdaan ng panahon unti unti kong naiintindihan kung bakit ganito…kung bakit ganun….pero bakit kaya minsan alam mo na pero ang hirap paring intindihin….
Tulad ni Antonio ang bawat lihim nya ay lihim ko din….isang realidad ng buhay na minsan ko ng tinakasan at itinataboy… pero anu ang magagawa ko hindi ko hawak ang pagtibok ng puso ko, hindi ko madiktahan ang sarili ko…ang dali magbigay ng payo sa isang kaibigan pero pag sarili mo na minsan kahit alam mo na ang tama pero dapat kaylangan mo pang marinig ito sa isang kaibigan para mas maunawaan… ganun ba talaga ang tao kaylangan ng isang kaibigang uunawa at iintindi para maging mas madali….
Tulad ni Antonio tinanung ko din sa sarili ko kung bakit hindi tayo nagkaroon ng choice sa buhay natin… walang choice kung anung pagkatao ang gusto natin… itinakda ba ng panahon at pagkakataon kung sino ang magiging pamilya natin at kung anung uri ng buhay magkakaroon tayo… sa age ko ngyun na 22 huli na ba ang mga katanungang ito? Dapat sa age na 25 kilala ko ng ng lubos ang sarili ko coz kung hindi anu na ang magyayri sa akin… hindi ko nga alam kung anu ba talaga ang pakay ko sa mundong ito….hindi ko alam kung bakit ako nandito at kung anu ang role ko sa buhay ng mga taong nakikilala ko… to make them happy and leave mark…and then what’s next?
sino ba ako sa napakalaking mundong ito?
Sa teleserye ko ako ang bida…bidang patuloy inaalam ang hiwaga ng buhay….ang bida sa teleserye minsan nasasaktan, minsan umiiyak at minsan namn naghahatid ng saya sa iba… anu ang ending? Wala pa…dahil sa isang teleserye maraming tauhan ang susulpot at magpapakilala sa bida at magsisimulang maging kabahagi sa buhay ng bida….
Bida ako na nawawala…tulad ni Antonio, nawawala sya… nagyun ko lang narinig na pag may gusto kang hanapin ang santo na si Antonio daw ang dapat tawagin para mahanap mo ang hinahanap mo… tulad ni Antonio pumasok din sa isip ko eh panu kung yung mismong nawawala ang tumatawag sa kanya…panu yun…mahahanap ba ng taong ito ang sarili nya?…
Tulad nya siguro balang araw malalaman ko din ang bawat tanung ko,,mabibigyan ng bawat kasagutan ang mga bagay bagay na nagpapagulo sakin…
(Thanks to reader Patrick for sharing! Good luck sa hinahanap mo!)
Possibly Related Posts:
- Ang Lihim ni Antonio Since “Ang Lalake sa Parola” I’ve become a fan...
- Zsazsa Zaturnnah ze moveeh! Zsazsa Zaturnnah ze moveeh! Coming this December, along with...
- Pagmumuni-muni ukol sa Blogging Dahil kuwaresma naman, panahon ng pagmumuni-muni, naisipan kong isulat ito....
- Nang Tigasan ang Tigasin Here’s an interesting experiment involving two groups of straight...
- Ang manunulat at ang manggagamot Ang sarap siguro ng buhay ng mga manunulat. Sentro na...


