Manila Gay Guy
  • facebook

waitingforship1.jpg

Here is an exchange of letters between two boyfriends in a long distance relationship — one is Aljor a seafaring engineer, and the other, my blogging friend Dencio, the one who was left behind waiting for Aljor. (Aljor spends 9 months on board, and 3 months here in Manila. The contract ends 5 years from now.) Read through their exchange and share your thoughts on Dencio’s situation — should he keep waiting for Aljor? Or should he give it up, break it up?

* * *

Letter from Aljor, the Seafaring Boyfriend

Dear Dencio,

Ga, lungkot ako kasi nga nagtampo ka at malungkot ka ngayun wala ako dyan. Wla kasi ako magawa sadyang ganito. Lalo ako nalungkot nung sinabi mong d mo nararamadaman na mahal kita. waaaa. Sorry ga ha? Lam mo namn d ako vocal sa damdamin ko. Baka d lang tayo pareho intensity sa pagmamahal hehehe. Sabagay lam ko namn na medyo happy go lucky at easy lang ako sa relasyon. Kaya siguro kala nung iba manhid ako. Haay.

usual boring la ako maikuwento maliban na lang sa inum, kwentu kwentuhan at nuod nang movies dito sa break time namin.

Lam mo ba ga na anticipate ko na ganito. At naisip ko rin ang lahat bago kita tinanong na maging tayo. Sa totoo lang
handa na ako na hiwalayan mo ako sakali d mo kayanin. lolz. lam ko kasi mahirap yung ganitong sitwasyon para sa yo. ako kasi natuto nang ibalewala ang damdamin ko. Pero sana wag mo ko ibasted hehehe. kaya ko pinapabasa yung “The Alchemist” sa yo para makpagpatibay din nag loob mo na kung tayo tlga ay magiging tayo sa bandang huli. Dami kasi dito ganyan nagyayari ga. Mga kasama ko dito nagkukuwento na pag uwi daw nila nag asawa na ang mga gf nila. Meron din dito na nabalitaan nya na lang na ikinasal na yung gf nya sa iba. Hay baka ganun din gawin mo sa akin? tsk tsk. Ga wag ka na tampo ulit ha? bawi ka nalng sapak pag uwi ko hehehe. Kasi kung anu nararamdaman mo dyan mas doble lungkot nararamdaman ko dito. Saka mas marami kaming taong na mimiss kesa sa yo hehehe. Ga labsyu. ingat ka lagi. hugs.

– Aljor

Response from Dencio, the Waiting Boyfriend

Dear Aljor,

sori kung dinamay pa kita sa kalunkutan ko, e mas malungkot ka pa nga dyan. pero di ako nagsisisi kasi nasagot mo na rin sa wakas yung matagal ko nang tanong. Makukuha mo na rin ang sagot kung bakit ako laging napa-praning sa yo. Na-anticipate mo na magiging ganito kasi inunahan mo na. Kaya pala ganyan ka, now I know. They’re all very logical afterall.

mahal mo nga siguro ako, pero hindi mo maibigay lahat kasi una pa lang wala ka nang tiwala sakin. Sa totoo lang, nakita ko na yun sa mga mga mata mo nung nandito ka pa, hindi nawawala yung pagdududa mo sakin. pati sa mga texts mo nung nandyan ka na. nakakalungkot talaga isipin pero naiintindihan ko naman kasi sandali lang yung panahon na nagkasama tayo. Ang sakit sakit malaman na pinag-hahandaan mo na pala yung panahon na hihiwalayan kita. After all the efforts at pagtitiis na ginagawa ko para iparamdam sa’yo kung gaano kita kamahal… You can never fully appreciate all those things kung ganyan ang mentality mo. I don’t want to feel disappointed, but sorry if I cant help it. Sana wag mo akong itulad sa mga eks mo, sa ibang lalaki dito, o kahit sino pa sa mga lintek na asawa ng mga kasamahan mo.

i need to gain your full trust ga, so that you can love me without any doubts. Hindi yung laidback ka dahil takot ka matulad sa mga kakilala mo dyan. Akala ko ba tibay Pangga ko ha? Duwag ka naman pala e. Utang na loob wag mo pairalin pagiging bading mo ngayon. Be a man! If you fear that someday ipagpapalit rin kita, sana hindi ka na nakipag-commit. E nagbabaka-sakali ka lang pala! Don’t you think it’s unfair for me that I’m loving you with all my heart, and I get a limited love in return? I need to give it all to you, so I wouldn’t have anything left for anyone else. That’s the only way I can survive this, ga. If you won’t trust me, then you can’t love me 100%. And if you can’t love me that way, then I definitely cannot trust you either.

Gusto mo ba maging laidback rin ako? Long distance na nga tapos laidback pa? Aba e wala ng mangyayari satin
nyan. Ayokong nag aaksaya ng emosyon.

Ibabalik ko sayo yung lagi mong sagot sakin: magpapatali ba ako sayo kung hindi kita mahal? Higit sa lahat, mag aaksaya ba ako ng panahon kahihintay sa taong walang tiwala sakin at hindi ako kayang mahalin ng buong buo?

Thanks for being honest ga, for finally telling the truth. Pero alam mo, kung magiging ganyan ka lagi, binibigyan mo lang ako ng dahilan para mawalan ng gana sayo. Dinadaya mo ko e. Binibigay ko sayo lahat lahat ng pagmamahal ko, I faced my fears and I’m risking mypresent and future for you, thinking that you’re worth it. The least you can do is trust me. It may not be easy, but you have to. It’s one of those vital things that would make this work.

Kung wala kang tiwala sakin, mawawalan na rin ako ng tiwala sayo at sa mga sinabi mo nung nandito ka pa: sa goal natin na magsasama tayo sa iisang bahay habang buhay – tandaan mo, ito ang mga pinagkukunan ko ng lakas para ituloy to habang wala ka.

Haaay ga, ayoko ng nagiging mushy parang bading kasi pero kailangan e. Sana talaga huli na to. Sabi ng friend ko ang sweet daw natin kasi nagaaway tayo, ibig sabihin mahal talaga natin isat isa. E ako lang nang-aaway syo e, hindi mo ako inaaway. sabi mo nga natuto ka ng balewalain damdamin mo. E kung baliwalain ko rin kaya damdamin ko sayo ha? Once and for all, I need your answer. Take your time, sana pagisipan mong mabuti. Sakit sa ulo isipin no? Masasapak talaga kita pag uwi mo.

Dencio

Response from Migs to Dencio

Dear Dencio,

While Aljor has taken a wait-and-see attitude towards your relationship, it is quite obvious to me that you are still hopeful. ikaw lang pala ang palaban. but don’t get me wrong. in fact, i can understand where he is coming from — malakas ang survival instincts niya. and i say, don’t take that away from him. it’s what has made him survive all the harrowing moments away from his homeland, from people whom he loves. yung sinasabi niyang “ako kasi natuto nang ibalewala ang damdamin ko.” — that has a reason. and the core of it is to survive. again, don’t take that away from him. accept it. sabi nga nila di ba, pag mahal mo ang isang tao, tanggapin mo ang lahat. kasama yun sa package, dencio.

what i’m saying is perhaps this situation is not something that he can be the one to decide on. in my opinion, the core question is, can you, dencio, accept the fact that your lover cannot (at this moment) love you 100% — not because he doesn’t want to — but because this is the way he can survive? kahit pa sabihin niyang 100% ka na niyang mamahalin,
alam mo, sa puso mo, hindi pa niya kaya yun sa sitwasyong ganito. kaya mo bang tanggapin yun? kakayanin mo ba yun hangga’t magbago na ang sitwasyon in about 5 years when his contract expires?

dencio, as you asked aljor to take time and ponder before he answers your questions — I also ask you to do the same. making a decision on this matter takes a lot of self-assessment and self-knowledge, and it’s not easy. don’t worry, what doesn’t kill you can only make you stronger. remember though that before you reach that level of
strength, we your friends are here to lend you some, especially in moments you feel like you have none.

Migs

* * *

Dear MGG readers — feel free to leave your comments here for Dencio. Or visit his blog here. -Migs

Comments (42)

  1. Aljor said on 14-11-2008

    patay sino nag post nyan dito?
    Update lang:
    bumalik na ako Pinas WEEEE! lolz.
    la na kami ni dencio.
    but i think he’s much better where he is now.
    thanks dun sa naniwala sa rel namin.
    Sana may humingi nang permission ko bago post yung e-mails dito. lolz

    kamusta na lang kay dencio, migs.

  2. rneeboy08 said on 05-06-2008

    I can really feel the love that’s binding this two persons, alam n’yo bang i can feel the sincerity of the letter from both parties. Keep on hanging to each other and i do believe that a reward will be waiting for those who patiently waits, its the love that will make you through with all of this, i just pray that nobody will change at sa pagtapos ng 5 yrs na contract ni Aljor sa barko eh babalikan nya si Dencio who’s waiting for him. Mahaba ang limang taon at marami ang pwedeng mangyari as in marami po, but if nandyan nga ang trust at love ng isa’t isa with open communication pa kahit malayo magsusurvive naman ang relationship. I just wish na meron din akong Aljor or Dencio na magmamahal sa akin at kami’y magsusulatan din ng aming mga damdamin, i’m abroad as well and i don’t have somebody to share my love with kahit man lang sana sa sulat meron, para maalis din ang boredom at lungkot na nararanasan ko dito, you just don’t know how it feels to be in another country not your own. I want to settle back home na, to start life with and find someone who i can be with wether it succeed or fail as long as i tried at maranasan ko ang magmahal at mahalin but as what “Clark Can’t – dami responsibilities sa family dahil alam mo namn tayong mga gays we help our family coz they’re only our family” di rin pwede umuwi pa, have to fulfill and finish all my responsibilities first before going back para di naman kawawa once i settle back na sa atin. So ito ang buhay ng mga taong katulad ni Aljor and me nagtitiis but lucky si Aljor coz he has Dencio who’s waiting and i don’t have anybody. Sana kahit dito makakuha ako ng ka-email or penpal to keep me hanging in here as well.
    So just keep on hanging Dencio and Aljor and never stop from understanding each other. Take care everybody and thanks for the space Migs. Hope somebody will gonna write me and we can be friends and who knows we can start from there, if it works ……..lol

  3. kalachuchi said on 28-05-2008

    kalorkey~

    buti ka pa may iniintay, or may naghihintay… ah basta buti ka pa may someone… ako, hayz, sana lang magkita din kami, 3yrs na kaming walang contact sa mukha, pero may communication… sana man lang may magparamdam sa amin na mahal ang isa’t isa.. kaso mukhang malabo. lolz… DRAMA…

    no comment sa kwento, parehong masakit para sa isa’t isa… mag hintay nalang kayo pareho at tignan ang mangyayari… pag wala eh di hanap ng iba.. ching~

  4. Bond said on 27-05-2008

    Hi to all readers,

    I am going thru the same phase right now as far as accepting a new relationship is concerned. I am a bit confused of accepting a new relationship as I am now in the process of really studying all the pros and cons of the choices I am about to make. As you know, I’ve fallen before but it was worth it, but still the pain was there as if there was no tomorrow. We reciprocated the attention we gave but still we parted ways. I believe that the favorite cliches in our everyday life will always be a part of any relationship, whether you are in the process of a new relationship or breaking up:
    1) Learn the art of losing the one you love
    2) Experience is always the best teacher 3) Loving is trusting

    Regards,
    Bond

  5. DENCIO said on 27-05-2008

    AYUS LANG MALAMAN NG PUBLIC TUNGKOL SAMIN KUNG GANITO NAMAN KARAMI MATUTUNAN KO SA MGA NAGIWAN NG PAYO, MARAMING SALAMAT, AT KAY MIGS – HIGIT SA LAHAT.

  6. subzero said on 26-05-2008

    There are things that only time can tell. Relationship is not only about trust and love, but also by presence of your bf/partner plays an important role in the growth of a relationship. You need not to spend hours or days together, but he/she has to be there specially when you need him. Friends are bound to listen when ever you’re in need but there are things that a lover/partner/bf can only do that they can’t. I’ve been thru LDR and trust me i don’t know think about it. It’s a nightmare!

  7. Jio said on 25-05-2008

    Obviously they are still together. They are both in Downelink and both are having a good time. Open relationship…but fighting to stay together.

  8. ministop said on 24-05-2008

    Constant communication will keep your boat steady and endlessly sail the ocean full of struggles and temptations. May dencio and aljor find their way towards their dreams.

  9. my yellow shirt pressed said on 22-05-2008

    to thine self be true.

    Dear migs, sometimes I guess a lot of us guys go into the heat of the moment and forget the heart of it all. Every body knows that love cannot be equal, love can never be egalitarian. Maybe only God can give love so free and whole, but man?

    I have written twice here.

    Yes again, Tony R and I are broken up. He cannot for the life of him choose me. He chooses the other guy Mr Bean (sorry its the nearest I can think of because its funny what I have to go through).

    Tony says he can’t decide between me and him. But in a pinch he can let me go easier because I can’t handle the situation.

    Back grounders: Tony R is not out to his family, as I am. Tony R has a relationship with a guy of 6 years and I got to know him after they began living together.

    (Teka the cruel querida streak and ahas comments might be in the offing)

    Tony R and I met in 2004 in Triple F. Yes. it works after all.

    But enough of that, regarding love and loving with survival in mind, there will always be the question can you live this way? That idea of being wild and free as opposed to being tamed and kept ( intro the little prince).

    I have found that some variables will always be present in any man to man relationship, but the question is, what can you live with?

    Tony R can’t live with me.

    For all the love I profess.

    So the question is Aljor, kahit sapakin ka pa nang sapakin, kakayanin mo ba ang buhay mo nasa anino lang ng alinlangan?

    I refuse to live that way, but that’s me.

  10. braveHeart said on 22-05-2008

    i see myself in you, guys! i am currently in this kind of relationship… going five years na kami this year, and we have been through a lot of extremes in life. he is going home next week, and i am superbly excited. two times na sya away because of his work abroad as marine engineer. at ako naman waiting for my us immigrant visa (im a US licensed nurse). 🙁 it could be too painful, but we are focusing more what is in this present time.
    what really matters is your each other’s sacrifice. you need to deny yourself, to the point of losing your worth, just to express what you feel. great love, for me, takes two to tango. there is no such thing as perfect relationship, but i know we can all make it–if only, we could permit it. God bless us all, guys!

  11. TIMMIE said on 21-05-2008

    I WORK IN THE SHIP BEFOR IT WAS A GREAT CRUISE LINE ONE OF THE MOST BEATIFUL CRUISE IN THE WORLD BUT EVEN THOUGH THERE ARE SO MANY THINGS THAT SURROUNDS ME HAVING AN EMOTIONAL PROBLEM DUE TO RELATIONSHIP THAT END REALY BROKE ME IN TO PIECES BUT YOUR RIGHT MIGS IN ORDER TO SURVIVE WE HAVE TO DEAL WITH IT BEC WE ARE LEFT WITH SO MUCH OPTION BUT TO FINISHED THE CONTRACT MAYBE THATS WHY MOST OF US WHO WORKS OR USED TO WORK IN THE SHIP CANT GIVE YOUR FULL LOVE INSTANTLY ITS BEC WE NEED TO PROTECT OUR SELF FROM DISTRUCTIONS COS THERE ARE CASES OF SUICIDES IN THE SHIP DUE TO RELATIONSHIP SOUNDS STUPID BUT THAT THE REALITY. ACTUALLY NOW IM BASED ON THE FOREIGN LAND NOW BUT BEC OF WHAT I LEARNED FROM THE SHIP I M NOT LOOKING FOR A PARTNER MAYBE IN DUE TIME I WILL LEARN TO LOOSEN UP AND START LEARN HOW TO LOVE AGAIN

  12. jet said on 21-05-2008

    amen ako sayo migs. 😀

    and i do see where aljor is coming from.. siguro instinct na nga yung maging medyo selfish siya sa feelings nya sayo.. i mean youre on a relationship na aminin na nating.. iilan lang talaga ang nabubuhay to tell about it..

  13. jet said on 21-05-2008

    amen ako sayo migs. 😀

    and i do see where aljor is coming from.. siguro instinct na nga yung maging medyo selfish siya sa feelings nya sayo.. i mean youre on a relationship na aminin na nating.. iilan lang talaga ang nabubuhay to tell about it..

    youre both risking a lot in this relationship and youd really anticipate na at one point both of you will get stressed from it with all the pandududa and stuff..

    but take time to strengthen your relationship.. give him what he needs and ask for what you need.. nothing more for now and definitely nothing less.. you have to survive this “adjustment” period before you could go all out on your plans.. and it takes time.. : ]

  14. littlegapanese said on 20-05-2008

    what a touching epistolary.

  15. jay said on 20-05-2008

    Pero kailangan nating lumaki. Ang paglaki ay nasusukat ng kakayahang magtiwala, lalo na sa larangan ng pagmamahal. Maghihintay ba si Dencio ng limang taon? Posible. Puwede. Ang tanong ay: kaya ba ni Dencio? Pag dumating na si Aljor, matapos ang limang taon, buo pa ba ang Dencio na haharap kay Aljor? O pati sarili na ni Dencio ay nasira sa matagal na paghihintay? Mahalaga ang maging realistiko. “Yung sinabi ni Aljor na nakikini-kinita na niya ang kanilang paghihiwalay-wow! isang pruweba na nagkukulang na siya sa kanilang relasyon ni Dencio kaya’t alam na niya ang kauuwian. At ang isipin iyon ay tila pagpapakitang tinatamad na si Aljor na pagbigay ng effort para magtiwala isandaang porsiyento. Sabihin nating aloof, may distansya, so near yet so far na pagkatao. Pero kailangang magbago. Kailangang malampasan.

  16. jay said on 20-05-2008

    upang maging matagumpay ang isang ugnayan, kailangan ang isandaang porsiyentong pagtitiwala sa isa’t isa. Meron si Dencio nito; mukhang wala nito si Aljor. Ang dahilan ay “kailangan ni Aljor na makasurvive”??? Pero tila hindi iyan umuubra sa pagmamahalan. Kung nagmamahal talaga si Aljor kay Dencio, at ito’y totoo, sa palagay ko, sa batas ng pagmamahalan, makaka-“survive” lamang siya kung magtitiwala siya nang lubos sa minamahal niya. Let go, ika nga. “Lundagin mo baby!” Pero kauna-unawa ang lagay ni Aljor: maraming pinagdaanang masakit na karanasan kaya’t unti-unting gumawa ng defense mechanism, na walang iba kundi self-preservation. Isipin ang sarili muna, ipagtanggol ang puso ang anumang posibleng traumatic experience muli, at hindi magtaya nang isandaang porsiyento.

  17. alright_already said on 20-05-2008

    contrived. If the entire website is privy to their correspondences.. then im not buying it..

  18. blue said on 20-05-2008

    It’s just nice to read both letters. The down pour of emotions and brutal honesty almost break the distance and made it look like they were just talking to each other side by side after a saturday night party and everyone just left. This must be love…So waiting right now…isnt that bad.

  19. Trippy said on 19-05-2008

    Pasensya na’t medyo confused rin ako sa aking sitwasyong pag-ibig. Hindi ko alam na may issues ka rin pala kagaya ko.

    Ngunit dahil tropa kita, heto ang mapapayo ko sayo tol.

    Ang umibig ay masaktan. Ito ay nababalot ng napakaraming sakripisyo to the point na minsan, hindi natin alam kung ano ang rason natin para umibig.

    Marami kang maririnig na nagsasabi, gusto ko ng boyfriend para may magmamahal sa akin. Sa totoo, masarap sana mag-isip ng ganung mga thoughts. Pero sa totoo, ang pag-ibig ay nagsisimula the moment na tayo ang magpapaubaya dito.

    At gaya nga ng sabi ko sa isa sa mga huli kong entry. The only love I will consider from now on is the love of a mother to her child. Yup, paninidigan ko yun

    Kasi ang totoong pagmamahal ay walang inaantay na kapalit. Hangga’t may nararamdaman ka sa kanya, kahit ga-butil na lamang ito. Hangga’t kaya mo pa siyang ipagsiksikan sa puso mo dude.

    Huwag mo itong isuko.

    Hindi ko alam ang buong istorya niyo, pero sa tingin ko naman ay totoo ang pagibig niyo sa isa’t isa.

    Goodluck.

  20. PAUL said on 19-05-2008

    tigilan na ang mga kahibangang ito at mga kabklaang ito!nakakaloka!

  21. Xerxes said on 19-05-2008

    here’s my story that id like to share: 2 years na kami ng bf ko, we started as long distance rel. din. he leaves here in manila at ako from zamboanga city. after i graduated i decided to stay with him here since monthly nya ko pinupuntahan kasi i dont think kung mahal mo ang isang tao, matitiis mo na ganun kayo katagal na magkalayo. i wanted to be with him so we did see each other and made our relationship work well until now..i still feel so inlove with him, every night before we go to sleep i kiss him goodnight and hug him, vise versa. we feel contentment and joy kahit lagi kami magkasama at di na lumalabas ng house. so there.. keep lovin guys!

  22. mon said on 19-05-2008

    dencio, u will learn something from the novel By the River Pietra I Sat Down and Wept to cope from what you are experiencing now…my fave line from the novel might help you also…’if pain must come may it come quickly…because i hav a life to live and i have to live it the best way posible. If he has to make a choice may he make it now…then iether i wil wait for him or forget about him. Waiting is painful but not knowing which to do is the worst kind of suffering’.

  23. mel beckham said on 19-05-2008

    Naiyak ako. Been there pero wala din nangyari. Masakit. Enough negastar. Sana magkatuluyan pa rin si Aljor at Dencio. Ipagdarasal natin yan. Go go go!

  24. nyupisdrink said on 19-05-2008

    lol naman ako sa comment mo fatty acid. hehehe

  25. rodier said on 19-05-2008

    WE ARE ON THE SAME BOAT. KEEP PADDLING.

  26. fattyacid said on 19-05-2008

    migs, aljor and dencio ba talaga ang names nila? or alisa lang? naiisip ko kasi na sila sina aljur abrenica at dennis trillo hehehe

  27. musclehunk said on 19-05-2008

    true love waits…..it need trust for both partners…

  28. Clark Can't said on 19-05-2008

    Migs,

    Somehow nakaka-relate ako sa kwentong ito. I don’t know pero cursed ata ako sa lovelife ko. My last relationship was a long-distance affair din. And now, parang I’m going to repeat the same thing. Is it my fault na yung gusto ko e malayo sakin? If you have been reading some of the personal entries sa blog ko, you already know that I have pseudo-boyfriends in the person of Sugar Daddy and Boytoy. They live very close in proximity to me and we really bond well. Maski 3 kami. We are not boyfriends but we have special feelings for each other. Lately, mas naging close kami ni Boytoy kasi Sugar Daddy is always out of town. I’m very open to Boytoy and have already told him about my super recent affair with someone I knew back then at my former company who now resides in Bacolod. So far, I’ve been in 3 long-distance rels out of 6. And they merit the shortest months of time in the relationship kasi it’s very hard to communicate with someone so far away from you. Ang hirap talaga. I should have known this already and learned. Pero this boy from Bacolod, I really like him and basing from what he is showing and telling me, I think he likes me the same way. Pero, he requires that I move to Bacolod to be with him and naturally I am adamant. I don’t want to rearrange my life just to be with him. I think I’m in love with him pero even that is not enough. I have lots of responsibilities to my family pa and I can’t just give it all up for him. Ewan. Ang dami ko pang gustong sabihin. Sorry if I’m taking too much space dito sa comments section mo. I would have wanted to write you an email pero na-carried away lang ako sa pag-comment dito ngayon. Hayyy! well, thanks for your time if you are reading this. Email me na lang if you have time to reply. Thanks.

  29. echosera said on 19-05-2008

    jusko puro ka dramahan. siguro ikaw na ang susunod kay helen vela. alam mo na yun

  30. Cupkeyk said on 19-05-2008

    Alchemist *snort* Baduy.

    (LOLz book-friends kami ni Aljor, so may karapatan ako laitin ang choice of books niya.)

    Grabe magmahal yang si Aljor. Parang dilubyong magsisismula sa katahimikan at gugunaw ng lahat ng dadaanan.

    Kung mahal ka ni Aljor, magiging tula ang kanyang mga braso at aakapin ka sa iyong pag-tulog.

  31. rommel said on 19-05-2008

    So ganyan…. feeling Joe D Mango ka na ngaun Migs?

  32. chase said on 19-05-2008

    lol. si dencio, ang kulit nan sa downelink at sa blog niya.

    di ko talaga binasa ung entry dito. ang haba eh.

    payo ko lang diyan, wag mo pairalin iyong kalibugan mo. be faithful kahit na minsan kating-kati ka na. ganun din kay aljor.

  33. AngeLLoveR said on 19-05-2008

    OMG! Small world!!!

    All I can say is, he deserves to be happy. It’s not that he doesn’t trust Dencio or anything… it’s just human nature to protect one’s heart as well. It’s not something that you put a time limit on, a person just learns to open up entirely when they’re ready. And I know I’m gonna be grilled for this, but, unconditional love is not based on how much love or trust you get in return… it doesn’t matter who loves who more.

    I hope they work this out when he comes back.

  34. P365D said on 19-05-2008

    Nakakaloka din ang mga words na “lolz” at “ayoko ng nagiging mushy parang bading kasi pero kailangan e.” bonga hindi ko alam kung matatawa ako or malulungot or something, pero tandaan Good things come to those people who wait 😀

  35. peppoi said on 19-05-2008

    Taena; naluha ako sa letter ni Aljor…Kung ako ikaw @ Dencio; kakayanin ko…

    Good Luck

  36. educare said on 19-05-2008

    wow, ang sweet sweet naman, dinaig pa ang masterpiece ni Shakespeare na Romeo and Juliet. Nag-aaway na kayo pero nandun parin ang fire of love. I can really feel it. Sana meron din ako nitong true love. he he he.

  37. xoxo said on 18-05-2008

    Based on what was presented, i think it is a relationship that is bound to last. the distance was the binding force rather than the contrary as it has provided the couple the oppportunity to be at least frank and to start opening their true feelings for each other. if only the couple could really see that they are both exerting much effort in keeping their relationship and how far they have come in understanding each other with the way things have worked in their relationship.

    it is quite fortunate for the couple to have found each other in these very difficult times. a relationship can only work if the people in it work hard for it.

  38. dojojam said on 18-05-2008

    Absolutely wait!
    kaya nyo yan.
    (at kinakaya ko na din ngayon!)
    …so help us GOd!

  39. mink said on 18-05-2008

    well LDR ay mahirap, kelangan lang ng true love samahan ng pag-asa ay ayos na lahat. Tsaka constant communication ay importante. para bagang nasa maynila at cebu lang kayo.

    gudlak and hope maging okay ang lahat sa inyo

  40. liner said on 18-05-2008

    intimate relationship is a work in progress. good luck! i hope it would result into something beautiful may you end up being together or not…

  41. mink said on 18-05-2008

    Naloka ako sa linyang itey:

    Utang na loob wag mo pairalin pagiging bading mo ngayon

  42. mink said on 18-05-2008

    naloka ako sa linyang itey:

    “Utang na loob wag mo pairalin pagiging bading mo ngayon…”

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *