Ipikit mo ang iyong mga mata. Dahan-dahang buksan ang bibig, isiping may ipinapasok na kung anong kay sarap. Kay linamnam. Katakam-takam. Mainit-init, naghuhumindig. Pagkatapos ay lalasapin pang lalo habang ang dila’y lumilingkis sa pagnanasang lalo pang tumindi ang kasarapang natatamasa.
Pagkamulat ng mata, sabihin ang mga kataga: masarap, malinamnam, katakam-takam.
Pero teka, kaibigan, ipikit muli ang iyong mga mata. Pagkatapos ay mag-isip. Malalim na pagninilay-nilay. Hindi ba’t mas maganda kung ang sarap, linamnam, at takam ay di lamang nanggagaling sa pagsubo ng bibig? O sa pagdantay ng balat sa balat, ng bisig sa bisig? Hindi ba’t mas nakapupukaw ng diwa ang sarap na nagmumula sa pag-iisang bigkis ay di lamang tawag ng laman? Iyun bang sarap na dulot di lamang ng pagpasok ng naghuhumindig sa bibig, kundi ng isang di mawaring kung ano, pumapasok sa bawat butas ng katawan — mata, ilong, bibig, maging sa pagkaliit-liit na butas ng balat, nanunoot, simisiksik sa bawat hibla ng kalamnan, tumatagos sa buto, dumadaloy sa mga ugat, sumasaliw sa dugo’t pagkarating sa puso’y kumakatok, sumasabay sa bawat pagtibok?
Mas masarap, mas malinamnam, mas katakam-takam ang magmahal ng tunay. Ng dalisay.
Possibly Related Posts:
- Ang manunulat at ang manggagamot Ang sarap siguro ng buhay ng mga manunulat. Sentro na...
- Cam Boy Chat [Here's another contribution from Lex Bonife.] �asl, pare?� Halos...
- “Masarap na ulam na di puwedeng kainin” Hi Migs, I’ve been reading your blog for almost three...
- Zaturnnah Ze Muzikal Opens Anew Pang-ilang beses ko ng excited, pang-ilang beses na akong...
- Valentine-flavored Email A Valentine-flavored forwarded email about, what else, LOVE that made...
