12
Si Abel at ang Ped Xing
Entry Feed Trackback
[Here's a contribution by MGG reader Abet.]
Aaminin ko, hindi ko alam ang ibig sabihin ng ped xing. Madalas ko na siyang nakikita sa mga lansangan sa Maynila pero kahit kailan e di ko hinanap ang meaning nito. Si Abel ang nagturo sa akin kung ano ang ibig sabihin nito. Nakakatawa nga, pedestrian crossing lang pala yun.
Eto yung mga makikita natin sa mga mataong lansangan sa Maynila na kadalasan ay may makikita kang mga de ilaw na signs sa tawiran na me hugis ng taong tumatawid. Kapag umilaw na ang kulay green na hugis tao, ang ibig sabihin nun ay Go. Tulad rin ng mga stop lights sa lansangan na paiba iba ng kulay depende sa kung anong dapat gawin ng mga sasakyan.
Sa mga ped xing ay mapapansin mo na me mga pinturang pahalang sa kalye kung saan ka dapat tumawid patungo sa kabilang bahagi
Mas mainam na gamitin mo ito dahil makakasiguro ka sa iyong kaligtasan dahil tiyak na hihinto ang mga sasakyan
Marami rami narin akong natawirang mga ped xing kasama si Abel
Hindi lang sa mga pedestrian crossings kundi sa iba pang klase ng tawiran
Ganun din ang dahilan kung bakit marami tayong mga overpass at underpass sa mga mataong lugar
Upang makapunta ka sa kabilang bahagi
Ngunit mas mabilis pa rin at maigsi ang mga ped xing di gaya ng mga over at underpass na kung hindi napakataas e ang haba
Naalala ko ng minsang namasyal kami sa SM North Edsa e tumawid kami sa mahaba at liko likong kulay pink na overpass patungo sa sakayan pa MRT. Nagpakuha pa nga kami ng larawan dun sa gitna na ang background e mga ilaw ng mga sasakyan. Gabi na kasi noon. Pawisang pawisan kami sa layo.
Hindi ko rin malilimutan ang pagtawid namin sa tulay na nagdudugtong sa Greenbelt patungo sa Landmark, tuwing kami ay magsisimba sa Greenbelt tuwing Linggo. Sosyal naman ito kasi diretso ka sa mall tapos me mga malalaki pang tv monitors
Madalas din kaming tumatawid sa maraming underpass sa Makati dahil kung minsan e kailangan naming maglakad patungo sa Makati Avenue papunta sa aming tinutuluyan. Mahirap kasing humanap ng taxi lalo pag rush hour. Pero ok lang kasi habang tumatawid e nagkukulitan kami. Ibinili ko nga siya minsan ng balot, ayun isang itlog lang ang kaya kainin.
Meron akong nadaanang madilim at maduming overpass sa Manila minsang nagtungo kami sa Intramuros. Doon kami ibinaba ng bus na sinakyan namin. Matubig pa nga noon at may mamang natutulog. Kaya humawak na lang ako kay Abel.
Hindi na lang masyado ang mga ped xing dito sa me bahagi ng edsa kasi madami dito e kadugtong na ng mga pasyalang mall lalo na kung ikaw ay sasakay ng LRT o MRT. Nalibot ko na ang LRT at MRT. Ipinasyal na ako dati doon ni Abel kasi malapit doon ang office niya tapos dun kami sa purple lrt sumakay papuntang gateway.
Ang dami dami ko ng masasayang alaala sa mga tawiran sa Manila. Lahat yon kasi me kasabay ako, si Abel.
Pero di ko malilimutan ang minsan tumawid kami sa ped xing sa Roxas Boulevard ng minsang magdate kami sa Baywalk kasi dumiretso kami sa Malate Church para magdasal at magpasalamat. Ang saya saya ko noon.
Ngunit iba na ngayon, iniwan na kasi ako ni Abel. Di ko alam kung bakit. Wala na akong kasama pagtawid sa ped xing.
Nang minsang tumawid ako e di ko namalayan na wala pala akong kasama.
Tinatawagan at sinisigawan ko si Abel subalit di ko siya makita.
Natabunan na ata ng mga sasakyan at mga taong nagsisitawid. Ang tagal ko naghintay subalit wala akong makitang Abel.
Umiyak ako noon. Mahina ngunit tagos sa dibdib at puso ko. Naawa ako sa sarili ko. Ano ang gagawin ko? Di ko na gusto pang tumawid dahil wala naman na akong kasama at isa pa, di ko naman alam kung saan na ako pupunta. Wala na si Abel.
Nasanay na akong kasama si Abel.
Bumalik ako sa pinanggalingan ko. Hihintayin ko si Abel dun.
Para pagbalik niya makikita niya ako dun sa kabilang bahagi ng ped xing.
Maghihintay ako. Sana bumalik siya doon sa ped xing.
Possibly Related Posts:
- Ang manunulat at ang manggagamot Ang sarap siguro ng buhay ng mga manunulat. Sentro na...
- Si Francis (ang ikalawang yugto) Ang nakaraan: [Narito ang kabuuan ng nakaraan.] Ramdam ko ang...
- “May problema po ako…” May isang reader tayo na gustong humingi ng tulong sa...
- Ang Kuwento Ni Siopao At Bunwich Hi Migs, First, I would like to greet your MGG...
- Hindi Lahat Ng Kuwento’y Masayang Nagwawakas Sa himbing ng tulog ko ang panaginip ko’y ikaw At...


Ronald Simbillo
Bar Uno's JV and Xavier
Hunks for Breakfast in Bed, Malate


sana magkita ulit kayo ni Abel… at ako rin, sana makita ko na sya… raou_05@yahoo.com
Hey! at Oct 12, 08 at 12:34 pm
Parang nabasa ko na to somewhere. If I’m not mistaken sa kwentongkalibugan.net yata.
Tsinitoboy at Oct 12, 08 at 12:51 pm
l0ve the story..
muntik na akong lumuha..
sana bumalik xa..
madami man ped xing sa manila, iisa lang nmn si abel.. alam nya kung saan ped xing ka nya hahanapin..
^_^ ako din aantayin ko ang abel ko sa isang ped xing…
patrick at Oct 12, 08 at 1:24 pm
dear, you dont have to indulge yourself in one guy.
the mere fact that he left you without any “bidding of farewell” is a sign of well, sorry to say, he’s not into you anymore.
he may only be doing fugue. lets remember fugue are for those losers who dont wanna face their present tribulations.
heck life must go on.
you have a life and keep living it.
i assume you are old enough that even humans are just temporary insignians in this abode,
some arrives yet some leaves.
i just do hope that many would be there as you trudge the labyrinth called life.
though no abel is in your side in crossing ped xings, GOD is always with you,
who’s more powerful, He or abel?
this may be cliche, but
look at the brighter side of your life,
the disappearance of abel may trigger for you to take care of yourself more
“stick in the fight when you’re on your hardest hit
it is when things go wrong that you musn’t quit”
thereyouare at Oct 12, 08 at 1:50 pm
I didnt really like the story… a partner is there for you to make you a better person not to be dependent on him.
espańyol27 at Oct 12, 08 at 2:04 pm
wag masyado humawak sa past, bka c peresent ay makalagpas.
jhettpalne at Oct 12, 08 at 3:14 pm
true si espanol
sapphire at Oct 12, 08 at 8:01 pm
agree ako kay espanyol27….lets stop the drama….promote world peace….yung lang dapat..world peace…
ILoveChris at Oct 12, 08 at 10:28 pm
corny!!!
Rico Mambo at Oct 13, 08 at 7:11 am
….moving forward tayo…
mellicious zedug at Oct 13, 08 at 11:47 am
….moving forward..
mellicious zedug at Oct 13, 08 at 11:48 am
..moving forward..
mellicious zedug at Oct 13, 08 at 12:07 pm
some things are easier said than done… partnerships are supposed to make two people act as one, and so if the other half of the partnership is gone, most of the time its really hard to fill in the voids caused by the abandonment… for those who lived thru this experience would agree, the bright side is, well, there is no bright side, a broken heart is a broken heart and no words(of wisdom or encouragement) could cure it. just live thru the reality of pain and longing, and one day you’ll just realize that you’re over it and is now ready to move-on… find peace in the idea that it happens to the best of us, and like anything, that too shall pass…
carl at Oct 13, 08 at 11:21 pm
Carl I agree with you. I used to loved this guy who became my boyfriend. We lived as partner for a good two years and we got separated. I thought it was the end of the world for me. I was depressed for around three years (ang tagal ano) and then suddenly one day I felt like I am a new man. I was no longer in loved with him and I felt okay not being with him. I don’t feel sorry for myself anymore and eventually came out of my depression.
He was already flushed out of my system totally. I used to cry on the love letters he wrote me before, now I feel sick and disgusted with it na. I am very happy now with my new found love and I never bothered him anymore. Duh hehehhe
Rico Mambo at Oct 14, 08 at 9:53 am
good for you my friend… I’m glad you’re over that experience and is now happy with your new found love… As for me, mine has just started, we’re still in the make or break part of our relationship though, but I’m preparing myself for the worst. It’s really hard to end a relationship, especially if you truly love the person. So thanks for sharing your experience, it made me more confident about my present situation… Now I see light at the end of this long and dark tunnel…
carl at Oct 14, 08 at 11:34 pm
corny. pinilit ang paggamit ng ped xing.
ian at Oct 14, 08 at 11:52 pm
salamat sa lahat ng nag comment, especially to thereyouare whoever you are. hehe..i just wanted to share this story. though its been over a year.naaalala ko pa rin si abel paminsan minsan but im good now.nabalikan ko na pati ang halos lahat ng tinawiran namin at nakatawid ako na mag isa.salamat din kay migs sa pag post ng story ko. its the best gift para sa akin this october. thanks again and kudos sa new look ng site.
abet at Oct 17, 08 at 10:52 pm
Don’t worry, minsan kang tatawid na may kasama muli. Look at the bright side of life!
Axel at Feb 9, 10 at 3:08 pm