I’ve been reading your blog for almost three years and im so happy dahil maraming humihingi ng advice syo. Anyway just call me Macky, I just wanna share my story or should I say a problem. I’m a straight acting bi, walang nakakaalam kung ano ang tunay na feelings ko. Very discreet sabi nga nila. Nagwowork ako sa isang amusement company as operations manager for almost a decade, then minsan naaassign ako sa malayong lugar. Right now 6 months na ako sa Mindanao.
Nung pagdating ko dito, ipinakilala agad sa akin ng boss ko ang magiging assistant ko. Let’s just call him Dave. 28 years old , from Davao, married with 1 child. Siguro sa itsura nya masasabi ko na malakas ang dating nya sa mga girls at gay, kumbaga sa unang tingin mo pa lang may mararamdaman kang pitik sa katawan mo. Isang bahay lang ang inuuwian namin ni Dave at iisang kwarto din ang tinutulugan namin dahil company provided naman yun. By the way nasa abroad ang wife ni dave, ang baby naman nya ay nsa mga in-laws nya.
First few weeks pa lang kami magkasama sa work, nakapag-established agad kami ng good relationship, lagi nya akong niyayaya sa gimikan. Alam nya kasi na mahilig ako sa disco at inuman, minsan pinapasyal nya ako sa ibat ibang lugar.
Sa araw araw na magkasama kami sa work at bahay nakakadama ako ng kasiyahan na hindi ko pa naranasan sa buong buhay ko. Mararamdaman mo sa kanya ang mga pag-aalala pag nawawala ako sa paningin nya, tatawagan agad ako sa celphone at pupuntahan ako kung san man ako naroroon. Pag nararamdaman nya na naho-home sick ako tatanungin nya ako kung ano ang gusto ko para lang mapasaya ako. Pag pressured ako sa trabaho lagi sya naka-alalay sa lahat ng kelangan ko. Busog na busog ako sa sa time and effort na binibigay nya sa akin. Kung iisipin nga ng malisyosong tao, iisipin nila na may relasyon kami ni Dave.
Kala ko nun wala na katapusan ang lahat until one day niyaya nya akong gumimik, pumunta kami nun sa beerhouse. Since na discreet ako, nagkunwari ako na gusto ko talaga pumunta sa lugar na yun. Nagtable kami pareho ng babae, dahil sinabi nya na type daw nya yung isa. so sabi ko ok lang naman. Natapos ang gabi na yun na pareho kaming nalasing, hindi ko na alam kung paano ako nakauwi nun. Nagising na lang ako na magkayakap kami ni dave, bigla akong natauhan nun. nawala ang pagkalasing ko dahil naisip ko kaagad ang trabaho namin. Masama ang loob ko nun dahil parang may barrier na pumipigil sa akin para masabi ko or magawa ko ang gusto ko sa kanya, nararamdaman ko na alam nya kung ano ang nararamdaman ko para sa kanya. Nahulog ako sa kanya Migs, hindi ko alam ang gagawin ko.
One time around 11pm na ng gabi, lumabas siya ng bahay. Hindi nagpaalam sa akin kung san siya pupunta, I was so worried at hindi ako makatulog. Inabot ako ng umaga sa kahihintay sa kanya. Dumating cya ng office on time at tinanong ko sa kanya kung san sya galing kagabi, hindi ako nagpahalata na galit ako at masama ang loob ko sa kanya. Sinabi nya na pinuntahan nya yung Girl na naka-table nya nung gumimik kami nung nakaraan, kinuwento nya sa akin ng walang pag-aalinlangan kung ano ang ginawa nila at kung ilang ulit nila ginawa ang mga bagay na yun. Tatawa tawa lang ako habang nakikinig sa kanya, pero hindi nya alam na parang sinasaksak ako ng matinding selos. Ilang gabi na hindi na sya natutulog sa inuuwian namin, habang ilang gabi na din na hirap na hirap ang kalooban ko sa tuwing hindi sa uuwi at magigising ako na wala sya sa higaan nya. Minsan sa sobrang sama ng loob ko uminom ako mag-isa, nilunod ko ang sarili ko sa alak sa kagustuhan ko lang na makalimutan ang sama ng loob ko sa kanya. Pagdating ko sa bahay ng hatinggabi hinihintay nya pala ako sa labas. Tinanong nya ako kung san ako nanggaling sabi ko sabi ko may nagyaya lang sa akin habang nakangiti, hindi ko namamalayan na tumutulo na pala ang luha ko. Kahit anong pigil at iwas ang gawin ko patuloy ang pag-agos ng luha ko, tinanong nya ako kung may problema ako sumagot lang ako ng wala.
Siguro sa sobrang awa nya sa akin noon ay niyakap nya ako at sinabi nya sa akin kung ano ang problema ko ay handa naman siyang tumulong, kung ano man daw ang kelangan ko ay handa nya ibigay. Hanggang sa nakatulog ako sa kalasingan na nasa tabi ko sya habang nakayap sa akin. Hirap na hirap ako Migs, para siyang isang masarap na ulam na hindi pwede kainin or isang mansanas na hindi pwede pitasin.
Marami akong gustong sabihin sa kanya pero hindi ko magawa. Gusto ko sabihin na mahal ko siya pero pinipigil ako ng takot na baka hindi maging maganda ang resulta at baka masira ang relasyon namin sa trabaho. Mahal ko ang trabaho ko at hindi ko ito kayang isakripisyo pero mahal ko din si Dave at wala akong pwedeng gawin kundi umasa isang araw na maayos din ang lahat. Sa ngayon pinipilit ko na maging pormal at propesyonal sa harap ni Dave pero ang tanong ko sa sarili ko kung hanggang saan ba ang itatagal ko..
Thanks to you migs and more power!! God bless!!
Macky
Hello Macky,
Three things I want you to consider:
1. “Don’t shit where you eat.”
2. He’s your subordinate — don’t even dare think about it.
3. Open your eyes to the wide, wild world of bi/gay men. Andami, dami, dami mong choices.
Best of luck!
Migs
Possibly Related Posts:
- Married Guy Shares His Story Hi Migs, Alam ko dami mo letter-sender na inspiring...
- Org or Orgy? Here’s a letter from MGG reader named Stephen. – i...
- A tribute, and a story Once in a while I get letters that deeply touch...
- I love you, straight friend Here’s another true-to-life story I read in a forum....
- Story of A Love Lost, by Barako Here is a sad story of Barako, a married...



