Ang nakaraan: [Narito ang kabuuan ng nakaraan.]
Ramdam ko ang init na galing sa balat niya, nanunuot sa kalamnan ko. Sa gitna ng katahimikan, tumawa siya, mahina. Parang alam ko na kung ano ang mangyayari. Kumakabog ang dibdib ko na para bang may tatlumpung puso ang tumitibok sabay-sabay. Sabi ko na lang, pabiro, “gawin mo na ang gusto mong gawin.”
Ang kasunod:
Ilang sandali ang lumipas, naghahalikan na kami. Pinaluhod ko siya’t pinatuwad, tinangka ko siyang sakyan, dahil akala ko ganoon lang kadali ang magtalik ang dalawang lalake. Dahil pareho kaming hindi marunong, hindi kami nagtagumpay. Wala pa kasi sa bokabularyo namin ang lubricant. Marami pa ang nangyari noon, at natatandaan ko lang ay habang masugid naming tinatangkang magtalik, maghalikan ng halos walang katapusan, may panakanakang pagtawa at paghagikhik kami sa isa’t isa. Tila ba magkahalong comedy at X-rated na pelikula. Napagod kami at nakatulog ng magkayakap at magkahawak-kamay.
Sa gitna ng gabi, naalimpungatan ako. Tangan niya ang kamay ko, habang nakangiti, at ipinasok niya iyon sa kanyang brief. Isa pang round.
Pagdating ng alas-sais ng umaga, balikwas kami. Alas siete ay dapat pareho na kaming nasa eskuwela. Una akong naligo, at habang nagsasabon ay pumasok siya sa shower. Gusto raw niya’y sabay kaming maligo. Dali-dali akong nagbanlaw at sabi, “sige mauna na ako.” Di ko alam pero para bang di ko gusto ang naramdaman ko noon. Magkahalong hiya, pagkalito, at takot. Di ko noon maintindihan. Basta ang alam ko, parang dapat di na muling mapag-usapan kung ano man ang nangyari.
Ngunit sa paglipas ng araw, tila nga walang nangyari. Patuloy ang pagiging matalik naming magkaibigan. Madalas pa rin kaming magkasama, magkakuwentuhan, magkabiruan. Alam ng barkada naming kami ang mag-bestfriend, at di nagbago iyon kahit pa pagkatapos ng aming unang karanasan sa isa’t isa.
Minsan, napagkatuwaan namin ni Francis na dumayo sa Bulacan. Pareho kaming tagahanga ni Regine Velasquez, at tinangka naming bisitahin siya sa kanyang bahay doon. Alam daw ni Francis kung saan iyon kaya naglakas-loob kaming puntahan nga. Nang makarating kami sa bahay ni Regine, nag-alinlangan pa ako. “Bahay nga ba ni Regine ito? Bakit may sari-sari store?” Tumawa lang siya at sabing, “oo, may sari-sari store daw talaga ang bahay ni Regine.”
Sa aming pag-doorbell ay may sumungaw na tao, katulong yata. Lakas ng loob ko, sabi ko, “Magandang gabi po. Andiyan po ba si Regine?” Sagot naman ng ale, “wala rito, nasa Maynila.” Sawi man kami sa aming inasam na makita si Regine, tawa naman kami ng tawa sa kalokohan naming dalawa. Bago puma-Maynila, napagpasiyahan naming bumili ng tig-isang bote ng serbesa at konting pulutan. Sa kotse lang kami uminom, habang nakaparada sa gilid ng kalye. Di matao ang lugar kaya medyo pribado ito. Sa kabila ng tawanan, doon kami nakapag-usap ng malalim, seryoso.
Tanong niya, “Migs, anong nasa isip mo?” [itutuloy]
Possibly Related Posts:
- Si Francis Araw ng Pasko, kung bakit may isang tao ang...
- Ang manunulat at ang manggagamot Ang sarap siguro ng buhay ng mga manunulat. Sentro na...
- Si Abel at ang Ped Xing [Here's a contribution by MGG reader Abet.] Aaminin ko,...
- “Masarap na ulam na di puwedeng kainin” Hi Migs, I’ve been reading your blog for almost three...
- Ms. Venezuela, ang baklang querida Hello Migs, How are you? I’ve been religiously viewing...


