Archive for March, 2009

Mar
30

Mode XY: Pinoy models & more

Miscellaneous 20 comments

bryan_anastacio Chris dela Cruz, photographer, emailed me asking to feature their online project, Mode XY:

Mode XY is an online magazine that promotes Filipino male models, photographers and designers thru fashion and glamour photography. It is a platform for make-up artists and stylists to showcase their creativity as well. We aim to give a wider exposure in their talents and help build their portfolio in the process.

(more…)

Mar
27

Tommy Alonzo, band vocalist

Hunks 38 comments

Today’s feature is Tommy Alonzo who hails from Ilocos but is based in Thailand. He is a band vocalist and an English teacher in the land of Siam. Thanks Ian for bringing him home, well, at least his images. Love him.

tommy_alonzo_51 tommy_alonzo_3

(more…)

Mar
26

Kuya: “Is my adopted bro gay?”

Gay Confusion, Issues, Letters 80 comments

kenji-garcia-01 Hi Migs, i discovered your blog two weeks ago when i started seeking for advise online. Please call me KUYA, i am 27 years old and working in a well-known company in ortigas, looks?not that good looking but many people find me sexy…(lol), i am into 4 1/2 years straight relationship and soon to be a loving husband.

I would like to ask something, i am seeking answers na hindi ko inakala sa gay community ko mahahanap..i mean hopefully mahanap.

I have adopted brothers they are twins actually, mula ng mamatay parents nila, kami na nag alaga, i was in grade school then (Grade 6), both are boys when their parents left them to us.Halos sa amin na sila lumaki, lahat ng merun ako merun din sila, my mom and dad treated them so well na as if tunay silang mga anak. I never wanted at first to be called as Kuya, i preferred to be called TITO instead…ewan ko bakit…time passed, halos nakikita ko na sila lumalaki…i was in highschool when one of the twins decided to move in my room, so roomates na kami nung isang adopted brother ko, i was 17 then at 9 years old na sila…the one who move into my room suddenly naging close kami, he wanna learned mga bagay ba alam ko(guitar, keyboard, drawings, etc), naging mas malambing xa sakin kesa sa isa nyang kaptid nya…we talked before going to sleep, he likes my choice of songs too…Sinamahan ko pa sila to have their ‘Tuli” and linisin ito everynight to heal.

(more…)

Mar
25

Podcast: May-December Love Affairs

Love and Dating, Podcasts 8 comments

chiron-achilles

Here’s another riotous Fabcast — with Gibbs, McVie, CC, Tony, and yours truly — tackling gay relationships between men from different generations, May-December love affairs in short. Listen in folks, and join the fun! (Pero in fairness, may pinaghuhugutan ang mga resource speakers!)

(more…)

Mar
25

Up Next: Zyd Abila and Joey Beato

Cute Boys, Hunks 20 comments

Tall and sexy guys Zyd Abila and Joey Beato basking in the summer sun. Teasers here, more pictures in the next few days.

3379026943_70a94c8e2c

3379766852_862c90cbb8
(more…)

Mar
16

Blog Holiday

Announcements 16 comments

Will be on blog holiday for a bit.

Mar
14

Lipgloss Boys Uncovered!

Cute Boys, Hunks, TV 25 comments

carloguevara1001

Shirtless photos of the guys featured in TV5’s Lipgloss. I don’t watch TV so I don’t really know much about this series. But I should say this bunch is quite interesting.
(more…)

Mar
12

Gay Plays at College of Saint Benilde

Events, Migs Speaks 3 comments

I’ve seen these two plays. Migs the Manila Gay Guy says: “huwag palalampasin!” (Pinaiyak ako nung “Bent/Lihis”!)

sipat-lawinThe De La Salle College of Saint Benilde School of Design and Arts (Arts Management Program, Workshop in Performing Arts and Project Management) presents the Philippine High School for the Arts’ Sipat Lawin Ensemble in “Bent to Heat You Up and Cool You Down,” on March 20, 7 p.m., at the Black Box Theater, SDA BUILDING, DLS-CSB, Pablo Ocampo St. (formerly Vito Cruz), Manila.

The twinbill production features “Lihis,” Emmanuel Canteras’ Filipino translation of Martin Sherman’s “Bent,” and David Finnigan’s “To Heat You Up and Cool You Down,” performed by alumni of PHSA’s Dulaang Sipat Lawin: Acey Aguilar, JK Anicoche, Nar Cabico, Abner Delina, Santi Obcena, Alvin Obillo, Lovely Balili, Sheenly Vee Gener, Isabelle Martinez, Meila Romero, Ness Roque, Nina Rumbines, Alison Segarra, Kristine Balmes and Sofia CP Gonzales.

“Bent/Lihis” takes place in 1934 Berlin. In accordance with Hitler’s nationwide campaign to eliminate all homosexuals, Maximillian Berger and Rudolf Hennings are sent to a concentration camp. Along the way, Rudy is brutally killed. Max encounters Horst, a fellow homosexual, in a prisoner train. They fall in love but are forced to resort to extreme measures to ensure their own survival as the Nazis attempt to drive them insane.

In “To Heat You Up and Cool You Down,” two women working in a bar see their thoughts come to life–memory, lust, imagination, desire–as they become closer to each other. While one struggles with letting go or falling in love again and going through the same cycle of pain, the other considers giving love a chance, even if the relationship is with the same gender.

Tickets at P150. For ticket inquiries and reservations, call JV 0906-4609386 for DLS-CSB students (ORDEV A and B), or Abs (0926-4234208) for non-DLS-CSB students.

PLUS: Photos by Teresa Barrozo, when this twinbill production was staged in an alternative space in Sampaloc, Manila.

Mar
11

Pre-election woes of gay candidate

Gay Confusion, Issues 25 comments

comingout Hi Migs,

Just call me TJ, 27 yrs old at kahit papano may itsura din naman daw ako. Lumaki ako probinsya, maayos din naman ang kabuhayan namin at kahit papano nakapag-aral at nakapagtapos ako sa isang de-kalibreng unibersidad sa amin.

Bata pa lang ako ay alam ko ng iba ako sa mga ordinaryong batang lalake, pero pilit kong itinago ang pagkatao ko sa kadahilanang takot akong mabugbog o malait ako ng aking pamilya o mga kamag anak ko. Sa katunayan po nyan ako lang yata ang bading sa aming lahi kaya super takot at tago ang pagiging bading ko. Sa aming lugar kasi parang isang malaking kasiraan o di tanggap ang tinatawag nilang third sex. Kaya ako naman ay itinago ko talaga ang pagka bading ko.

Ng magtapos ako ng college, pakiramdam ko ay malaya na ako dahil pinayagan na akong magign independent ng aking mga magulang at napadpad nga ako sa Manila, masasabi ko na sa syudad ng manila ko natikman ang lahat ng sarap at hirap. 22 years old ako ng una akong makaranas ng same-sex, although nung college ako ay nakatikim din ako ng sex sa opposite sex at sigurado ako na pag nalaman ng mga naging xgf ko ang pagiging bading ko ay siguradong maloloka sila sa akin.

Nag aral ako ng abogasya at awa naman ng Dyos naka graduate din ako. Sa school namin marami ang katulad ko na patago din ang pagiging berde. May naka on ako sa kanila at ok naman, buti nalang di kami natsismis kasi pareho naman kaming nag iingat na mabulgar ang aming relasyon.

Ang problema ko sa ngayon ay gusto ko ng mag OUT sa family ko kasi kinukulit na nila akong mag asawa na kasi balak nila akong patakbuhin sa nalalapit na eleksyon. Sabi ng Tatay ko mas maganda daw pag mag asawa muna ako bago ako pumasok sa pulitika para maganda daw ang image ko sa tao as a family man. Gusto ko ng mag Out ng ako ay nagbakasyon sa pinas kaso naudlot ang plano ko dahil naunahan ako ng takot sa aking pamilya.

Kumakain kami nuon sa aming bahay at kumpleto ang family ko kaso biglang nabulol ang dila ko ng biglang mapag usapan ang nalalapit na eleksyon. kaya imbes na makapag out na ako diko na naituloy.

Natatakot akong pasukin ang mundo ng pulitika sa kadahilanang baka gamitin ng makakalaban ko ang aking pagiging bading, ayaw ko rin na makita ako sa TV sakaling manalo ako ng mga naka sex ko na dati, my gosh baka matsismis ako at ma blind item sa mga dyaryo. diko yata kaya.

Sana matulungan mo ako kung pano ang magandang gawin para makapg OUT ako sa aking pamilya bago ako tumakbo sa nalalapit na elesyon.

Lubos na nagpapasalamat,

TJ

Mar
08

Ang manunulat at ang manggagamot

Love and Dating, Migs Speaks 11 comments

Ang sarap siguro ng buhay ng mga manunulat. Sentro na ng buhay nila ang pakawalan ang kanilang imahinasyon, palaguin ito’t paligwakin ang bawat detalye, pahitikin ito ng sanlibo’t isang damdamin, at gawing imortal sa pamamagitan ng salita’t panulat.

Napagtanto ko lamang, kung ang mga naisasalaysay ko rito sa blog ko — siyang pawang mga tunay na pangyayari lamang — ay gagamitan ko ng kapangyarihan ng pagkakathang isip, di kaya ako mismo’y masilaw sa ningning ng buhay bading? Kukulangin ang kulay ng bahaghari kung ipipinta ang mga larawan ng aking salaysayin. Maaaring makabingi ang bawat nitong taginting. At mararamdaman, matitikman, lalasapin gaano man ang diin, dulas at dagan, yapos, haplos at hulagpos.

Saliwan mo pa ng musika, saan ka pupulutin, kung hindi sa alapaap na?

* * *

alapaap-ehaeads-imagesKasama ko ang manggagamot, si Joseph, sa Eheads concert kagabi. Masikip ang lugar kaya’t natural lang na halos magkadaiti ang aming mga katawan, balat sa balat, buong magdamag. Sa tuwing kakamustahin niya ako, “okay ka lang?” ngiti lang ang naisasagot ko sa kanya. Maka-ilang beses niya rin akong tinanong, at sa bawat pagtatanong niya, dahil maingay ang paligid, inilalapit ko ang aking tainga sa kanyang labi, halos magdikit na ang aming mga mukha. Ilang beses niya rin akong gustong lumipat ng puwesto, imbes na sa tagiliran niya ay sa harapan niya. Tumatanggi akong lagi, sabi ko, “okay lang ako dito.” Ngunit nang patapos na ang concert, muli niya akong sinenyasan. “Dito ka, para mas makita mo ang screen.” At sa pagkakataong iyon, sumunod na ako sa paanyaya niya. Sa aking paglipat ay nasa likod ko na siya, ang kanyang mga kamay nakadantay na sa aking mga balikat. Ang mga daliri niya, tumitipa sa aking leeg kasabay ng dagundong ng drums ni Raymund. Ang sarap.

* * *

“Sayang, hindi tinugtog ang ‘With A Smile,’” sabi niya habang papalabas na kami ng concert grounds. “Oo nga eh,” sagot ko naman. Alam niyang yun ang paborito ko sa lahat ng kanta ng Eraserheads. “Ako na lang kakanta para sa iyo,” pabiro niyang sambit. Ang sarap, o anong sarap.

* * *

… o anong sarap
hanggang sa dulo ng mundo
hanggang maubos ang ubo
hanggang gumulong ang luha
hanggang mahulog ang tala
masdan mo ang aking mata
di mo ba nakikita
ako ngayo’y lumilipad at nasa langit na
gusto mo ba’ng sumama?