08
Ang manunulat at ang manggagamot
Entry Feed TrackbackAng sarap siguro ng buhay ng mga manunulat. Sentro na ng buhay nila ang pakawalan ang kanilang imahinasyon, palaguin ito’t paligwakin ang bawat detalye, pahitikin ito ng sanlibo’t isang damdamin, at gawing imortal sa pamamagitan ng salita’t panulat.
Napagtanto ko lamang, kung ang mga naisasalaysay ko rito sa blog ko — siyang pawang mga tunay na pangyayari lamang — ay gagamitan ko ng kapangyarihan ng pagkakathang isip, di kaya ako mismo’y masilaw sa ningning ng buhay bading? Kukulangin ang kulay ng bahaghari kung ipipinta ang mga larawan ng aking salaysayin. Maaaring makabingi ang bawat nitong taginting. At mararamdaman, matitikman, lalasapin gaano man ang diin, dulas at dagan, yapos, haplos at hulagpos.
Saliwan mo pa ng musika, saan ka pupulutin, kung hindi sa alapaap na?
Kasama ko ang manggagamot, si Joseph, sa Eheads concert kagabi. Masikip ang lugar kaya’t natural lang na halos magkadaiti ang aming mga katawan, balat sa balat, buong magdamag. Sa tuwing kakamustahin niya ako, “okay ka lang?” ngiti lang ang naisasagot ko sa kanya. Maka-ilang beses niya rin akong tinanong, at sa bawat pagtatanong niya, dahil maingay ang paligid, inilalapit ko ang aking tainga sa kanyang labi, halos magdikit na ang aming mga mukha. Ilang beses niya rin akong gustong lumipat ng puwesto, imbes na sa tagiliran niya ay sa harapan niya. Tumatanggi akong lagi, sabi ko, “okay lang ako dito.” Ngunit nang patapos na ang concert, muli niya akong sinenyasan. “Dito ka, para mas makita mo ang screen.” At sa pagkakataong iyon, sumunod na ako sa paanyaya niya. Sa aking paglipat ay nasa likod ko na siya, ang kanyang mga kamay nakadantay na sa aking mga balikat. Ang mga daliri niya, tumitipa sa aking leeg kasabay ng dagundong ng drums ni Raymund. Ang sarap.
“Sayang, hindi tinugtog ang ‘With A Smile,’” sabi niya habang papalabas na kami ng concert grounds. “Oo nga eh,” sagot ko naman. Alam niyang yun ang paborito ko sa lahat ng kanta ng Eraserheads. “Ako na lang kakanta para sa iyo,” pabiro niyang sambit. Ang sarap, o anong sarap.
… o anong sarap
hanggang sa dulo ng mundo
hanggang maubos ang ubo
hanggang gumulong ang luha
hanggang mahulog ang tala
masdan mo ang aking mata
di mo ba nakikita
ako ngayo’y lumilipad at nasa langit na
gusto mo ba’ng sumama?
Possibly Related Posts:
- Si Carlo, ang half-Japanese kong “muntik na” Matutulog na sana ako. Eh habang ginagawa ko ang aking...
- Parang Walang Nangyari Pagkatapos ng isang napakahabang araw at gabi ng walang-tigil na...
- Masarap, Malinamnam, Katakam-takam Ipikit mo ang iyong mga mata. Dahan-dahang buksan ang bibig,...
- Aray. Hindi ako “emo” na tao. Sabi nga ng mga gel...
- Si Francis Araw ng Pasko, kung bakit may isang tao ang tila...


Enchong Dee, cute-slash-hunk
Kian Kazemi, newest PBB hunk
Cutest Barista at Coffee Bean GB3


Medyo kinilig ako nung nabasa ko to. Hehe uuuy Miiigs
Woodstock at Mar 8, 09 at 6:51 pm
nice… i watched it with a “friend”.. we almost have the same story except the “dito ka na lang sa harap” part… how i wish… this friend of mine is a long time crush.. swerte mo migs!
jaypeeeee at Mar 8, 09 at 11:06 pm
di ba u have a bf na?is that him or someone new?slutty!LOL
maccallister at Mar 9, 09 at 1:13 am
bakit nga di kinanta yun with a smile?baka kasi sa sobrang ligalig ng e-heads sa isat isa di sila maka smile hehhehe
maccallister at Mar 9, 09 at 1:15 am
Ang sarap ng ganon experience.. Naalala ko tuloy yung ex ko.. hehehehe.. Sayang di natuloy ung team namin manud ng eheads.. Kilig
Khromwell at Mar 9, 09 at 1:33 am
Migs, why did u start this article with thoughts of mixing fantasy with reality? When I learned about your blog, what got me initially enticed to continue reading on and becoming a follower was what seems to be the genuine, realistic or true-to-life accounts of PLUs or from your own stories/experiences. May mga cynic na nagsasabing haka-haka lamang ang ibang kuwento. May mga nagsasabi na sumakay naman daw kaming mga ilusyunado sa blog na ito. Pero patuloy kaming sumusubaybay kasi we could relate so much to every inch of details, to every inch of feelings and emotions explicitly and sensually descibed during any encounter or experience which we believed are true. For one time in our life, we had also experienced those sensations, those desires … sa madaling salita naaantig kami dahil naniniwala kaming totoo at hindi kathang-isip o ilusyon lamang lalo na kung galing ang istorya sa iyong mga panulat. We believe in the integrity of your blog and bloggers. I myself had direct contacts or communications with some of your story-letter-senders/commentees so I knew the stories were real. Binabasa ko ang mga istorya mo kasi wala akong duda na ilusyon lamang ang iyong mga kuwento. There’s just a big difference to know if it is truth/fact/auto-biography or just illusion. If they are lies or just plain fantasies then you are just feeding into our vulnerability, into our frustrations, into our pains, into our aches … we may have been fooled at first but who really loses in the end. Sino nga kaya ang naloko? I think, mas naloko mo lamang ang sarili mo. So please Migs, do not go to that extent and this goes the same to your story-senders. Promoting World Peace also means promoting Truth.
Huwag mo sanang tahakin o haluan ng ‘buhay manunulat’ or ‘imagination of a fiction-writer’ ang binuo mong blog na ito. Iba ang libro, iba ang fiction, iba ang pelikula-pantasya. This blog started as the real world or life of a Manila Gay Guy and of PLUs who share the same true-to-life experiences. Kaya aming kaibigang Migs …ang palawakin, ang paligwakin, ang pahitikin, ang makasilaw, ang makabingi, sana ay huwag iyong balakin – coz you might lose your own soul yourself. Saan kaya nga ikaw pupulutin? Ikaw ay aming tunay o totoong buhay na kaibigan – sana ay manatiling kaibigan at hindi lamang kathang-isip.
Ngayon ako ay napag-isip. Totoo ba ang manggagamot o kathang-isip lamang.
Kapayapaang-Pandaigdig, Migs!
Friend at Mar 9, 09 at 4:56 am
mas gusto ko ang writer kesa sa manggagamot. mahilig akong magbasa.
rodier at Mar 9, 09 at 6:55 am
wait.
joseph?
the same guy dun sa abrazos post?
part 4 na ba to sa paglalabas nyo together? hehehe
asan na pala migs yun continuation ni francis?
anthony at Mar 9, 09 at 10:36 am
ipagpaumanhin mo migs, parang kwento ko rin ito, ang pagkakaiba lamang ay ang venue, kayo isang concert, kami ni joy, isang pelikula. i can recall the series of events that lead to our “oneness” we’ve decided to watch a movie, but to our surprise, standing room only. so we stood inside waiting for the movie to end, until there was one guy that left his seat, my joy took the seat, and motioned me to follow, i sat infront of him, with his arms around me, i was in seventh heaven, joy took out an apple, which we shared bite after bite. ramdam na ramdam ko ang mga kilay sa kapaligiran nagtataasan. we did not care at all just continued watching the movie till the credits were left on the screen. after the movie, “kami” na.
toybee at Mar 9, 09 at 2:52 pm
parang gusto kong mainggit sa’yo teh! harhar!
andy at Mar 13, 09 at 3:29 pm
ang senti naman migs. gusto kong sumama.sarap cguro sa alapaap no, lalo na pag kasama mo irog mo. ang tawag ko dyan ‘kapares ng aking tsinelas”. hehehe
trebjr. at May 5, 09 at 10:45 am
i like most of the stories here im just wondering if i can also post my story here but im still planning to stage it in a theater performance i hope i can ask help from ths site to look for possible audience from the members of fabcasters.. My scprit is about a discreet guy who fell in love with a 20 year old provinsyano . a killer of his own wife to be, went back to manila to scape from what he did. ang title :Ang manga at si medel)This is a very dramatic and lovely story. how can i ask help to find audience hir? here is the gist of the story. sana mabasa ng operator ng site na ito ang mesege ko heeheh.
Title story: Ang manga at si medel
Venue: HAPPYNINGS 610 H. ventura st, sampaloc manila
When: July 3 and 4
Time: 7pm
Contact number: 09192565030
i like most of the stories here at Jun 14, 10 at 4:11 pm