Mar
11

Pre-election woes of gay candidate

Gay Confusion, Issues Entry Feed Trackback

comingout Hi Migs,

Just call me TJ, 27 yrs old at kahit papano may itsura din naman daw ako. Lumaki ako probinsya, maayos din naman ang kabuhayan namin at kahit papano nakapag-aral at nakapagtapos ako sa isang de-kalibreng unibersidad sa amin.

Bata pa lang ako ay alam ko ng iba ako sa mga ordinaryong batang lalake, pero pilit kong itinago ang pagkatao ko sa kadahilanang takot akong mabugbog o malait ako ng aking pamilya o mga kamag anak ko. Sa katunayan po nyan ako lang yata ang bading sa aming lahi kaya super takot at tago ang pagiging bading ko. Sa aming lugar kasi parang isang malaking kasiraan o di tanggap ang tinatawag nilang third sex. Kaya ako naman ay itinago ko talaga ang pagka bading ko.

Ng magtapos ako ng college, pakiramdam ko ay malaya na ako dahil pinayagan na akong magign independent ng aking mga magulang at napadpad nga ako sa Manila, masasabi ko na sa syudad ng manila ko natikman ang lahat ng sarap at hirap. 22 years old ako ng una akong makaranas ng same-sex, although nung college ako ay nakatikim din ako ng sex sa opposite sex at sigurado ako na pag nalaman ng mga naging xgf ko ang pagiging bading ko ay siguradong maloloka sila sa akin.

Nag aral ako ng abogasya at awa naman ng Dyos naka graduate din ako. Sa school namin marami ang katulad ko na patago din ang pagiging berde. May naka on ako sa kanila at ok naman, buti nalang di kami natsismis kasi pareho naman kaming nag iingat na mabulgar ang aming relasyon.

Ang problema ko sa ngayon ay gusto ko ng mag OUT sa family ko kasi kinukulit na nila akong mag asawa na kasi balak nila akong patakbuhin sa nalalapit na eleksyon. Sabi ng Tatay ko mas maganda daw pag mag asawa muna ako bago ako pumasok sa pulitika para maganda daw ang image ko sa tao as a family man. Gusto ko ng mag Out ng ako ay nagbakasyon sa pinas kaso naudlot ang plano ko dahil naunahan ako ng takot sa aking pamilya.

Kumakain kami nuon sa aming bahay at kumpleto ang family ko kaso biglang nabulol ang dila ko ng biglang mapag usapan ang nalalapit na eleksyon. kaya imbes na makapag out na ako diko na naituloy.

Natatakot akong pasukin ang mundo ng pulitika sa kadahilanang baka gamitin ng makakalaban ko ang aking pagiging bading, ayaw ko rin na makita ako sa TV sakaling manalo ako ng mga naka sex ko na dati, my gosh baka matsismis ako at ma blind item sa mga dyaryo. diko yata kaya.

Sana matulungan mo ako kung pano ang magandang gawin para makapg OUT ako sa aking pamilya bago ako tumakbo sa nalalapit na elesyon.

Lubos na nagpapasalamat,

TJ

Possibly Related Posts:

  1. Matt, the Military Gay Guy Reader Matt writes about his life in the closet. Let’s...
  2. “May problema po ako…” May isang reader tayo na gustong humingi ng tulong sa...
  3. Muslim Gay Guy Seeks Help hi migs! i am an avid reader of your blog....
  4. Aray. Hindi ako “emo” na tao. Sabi nga ng mga gel...
  5. Ang manunulat at ang manggagamot Ang sarap siguro ng buhay ng mga manunulat. Sentro na...

25 Comments So Far

  1. Politics is dirty (PERIOD!)

    Isaribi at Mar 12, 09 at 12:07 am

  2. Huwag ka na lang tumakbo! You don’t run for office because your dad tells you to. There’s nothing in the letter that tells us this is something you want to do anyway. That you really want to serve other people, world peace, paint rainbows and all that. It’s all about your reputation, your past men and your family. I don’t think one year is enough to reign all that baggage in and when you’re in office those things should be the least of your concerns. As if coming out to your family will make a difference. You still have to count on their utter love and acceptance after that. Do come out but take your time, grow older, get bolder, and to hell with your family’s political desires. To quote you: “my gosssh,” this is a disaster waiting to happen!

    Jedd at Mar 12, 09 at 12:52 am

  3. Hangga’t walang ebidensya, walang mabubulgar. Unless yung mga ex mo eh ikanta
    ka. Takbo lang sa eleksyon. Para naman puro straight ang mga politiko. Dami
    dun PLU. Baka nga ang next president natin eh PLU rin eh. Hehehe.

    Mugen at Mar 12, 09 at 8:57 am

  4. The idealist in me would tell you to push through with your candidacy and shrug the nasty details of dirty politics aside. If you do deserve to win and serve your constituents, then no amount of politicking will hinder you from doing just that.

    But the pragmatist in me believes that your sexuality will play a central role in your candidacy, owing to the fact that majority of Filipino voters are pretentious enough to claim moral ascendancy and look down on candidates with such characteristics. We can go all day and all night shouting no to discrimination and judgment but the fact is, voters account for this side of your life in choosing who to vote for.

    Tama si Jedd, wag ka na lang tumakbo, parang hindi mo naman talaga gusto at napilitan ka lang.

    Jack at Mar 12, 09 at 12:00 pm

  5. Very well said Jedd and Jack…

    On second thoughts: BONGGANG-BONGGA NAMAN ANG POLITICS!
    Your life will be unfolded….huhubaran ka!
    Maging makulay pa sa gulay ang buong mong pagkatao!
    There will be rainbows everywhere….
    Your family will be star-struck and in awe knowing kung sino ka talaga!
    Naturally, your life will be change….at sisigaw ka rin!

    Mabuhay ang mga bay-ot!
    People will forget sooner or later, but….as in “butts”
    Sira na ang pamilya mo!

    Goodluck and I just hope you’ve got the stomach for politics!

    Little Fish at Mar 12, 09 at 1:16 pm

  6. gayahin mo si harvey milk, gay rights activist… first gay supervisor ng frico 3 beses nya inattempt na tumakbo yung huli nanalo na sya kaso nga lang ayun tsinugi…. nung late 70’s yun ha eh hello 2009 na ano ba naman na may magattempt man lang na tumakbong out na kandidato? lakas lang ng loob yan… eh kung gusto mo naman pag nanalo ka na saka ka magout diba? ewan ko lang kung di ka maging gay icon di oras nyan! bongga! siguro naman pag nagout ka in public wala nang magagawa ang parents mo kun di suportahan ka nila… kuha mo pa ang sympathy ng mga future voters if you are planning to run for re-election dava… pero of course pakitang gilas ka muna mag isip ka ng bonggang project sa mga nasasakupan mo! makibaka wag matakot! hahaha

    naughtylildevil at Mar 12, 09 at 2:46 pm

  7. I agree with Jedd. You run for public office because you want to and not because you are being made to. But I think you must come out in the open sooner, not later. It’s a decision you have to make. You don’t need some more years to be bolder. You are 27 and it is just the right time. The time difference between now and years later won’t make any difference. They might event resent the fact that you stayed in hiding all these years when you should have told them. They are family to you and they will surely understand. Yes, they may not be able to accept initially but sooner or later they will.

    Tell them now. Face your issue squarely. No one else will.

    funny_boner at Mar 13, 09 at 1:24 am

  8. out na ate!

    rodier at Mar 13, 09 at 8:40 am

  9. Alam mo tol parang kilala kita, ikaw ba ang nakarelasyon ko nuon, remember our ADMU L.S days, Pare kung ikaw nga iyan, may usapan na tayo nuon na walang mag oout sa atin kahit na anong mangyari. Pag ginawa mo iyan madadamay ako at pareho tayong mawawalan ng career sa Kongreso diba may pangako tayo sa isat isa na kahit anong mangyari walang aminan sa kung ano ang tunay nating pagkatao at sabi pa natin sabay tayong tatakbo sa eleksyon para kung sakaling manalo tayong pareho gagawa tayo ng mga batas na makakatulong sa ating mga distrito, please pare dont do that, masaya naman tayong pareho sa ating relasyon nuon at ni minsan walang naghinala na we are of thesame feathers. Please pare wag mo ng ituloy ang binabalak mo. Ni minsan hindi ko naisip na darating tayo sa puntong ito, naiisip ko tuloy na kaya mo ba ako hiniwalayan at tumakas ka papuntang ibang bansa para lang makapag isip na MAG OUT sa family mo. Sana tinawagan mo manlang ako sa binabalak mo at hindi yung sa site na ito ko pa mababasa ang kadramahan mo sa buhay mo, you know my number and my place, please call me pare. Alam kong na prepresured kalang dahil sa pangungulit nilang mag asawa kana, pero hindi sapat na dahilan yun para mag OUT kana, isa pa walang maniniwala sayo pag nag OUT ka dahil sa itsura at tindig mong yan dika paniniwalaan. Please pare im begging na sana pag nabasa mo ito, i know who you are and i know who i am, please call me at pag usapan at ayusin natin kung ano man ang gumugulo dyan sa isipan mo.

    dve at Mar 13, 09 at 12:31 pm

  10. Baka naman si Danton Remoto lang ito. O baka si Mar Roxas. Hehe. Peace!

    me at Mar 13, 09 at 3:32 pm

  11. out ka na kung gusto mong mag out! para mas masaya! para mas bongga! ang hirap kaya mag pretend noh! in the long run, your family won’t really have an option but to accept you for who you are and for who you’re not. afterall, that’s what family means, right? but if otherwise happens and they choose to ‘takwil’ you, then better! malaki ka na at may magandang trabaho., kayang kaya mo na lyf mo whatever happens., that’s your life, so you should live it the way you want it to., go for the gold! harhar!

    andy at Mar 13, 09 at 3:39 pm

  12. do the coming out or someone else might do it for you. You can start it with: “(Ma, pa) have you ever wondered why i’m not married and have no interest in politics?…”

    ming at Mar 13, 09 at 5:19 pm

  13. Hi TJ! mas maigi siguro kung aaminin mo na sa pamilya mo ang totoong ikaw atleast magdicide kaman to go into politics eh alam na nila oo una mabibigla sila but im sure they will understand you. And getting married is really not a good idea dahil lang papasok ka sa politics, no way ang hirap ata ng nakatago sa banga for life. para kang halimaw na magandang di makalabas. World Peace!

    jake at Mar 13, 09 at 5:58 pm

  14. come out muna before any politics. at least walang mahaharbat na anything against you yung magiging kalaban mo. mahirap kc sa probinsya talga, pasakit yung pagiging conservative.

    ewan at Mar 13, 09 at 6:09 pm

  15. Be brave little one…

    Quentin X at Mar 13, 09 at 7:59 pm

  16. Hi TJ,

    Kausapin mo kung sino sa mga kapatid mo ang pinaka-close sa yo.Yung tipong kahit anong mangyari, kapatid ka pa rin niya at alam mong matatanggap ka. Gusto mo ba talagang maging politician o dahil ng tatay mo? Matalino ka, abogado, so dapat may sarili kang decision. Ngayon, kung talaga namang in born sa yo maging pulitiko, the go ahead pero alam mo na naman politics sa atin, lahat ng baho mo kakalkalin at kahit hindi ka mabaho, pababahuin ka pa rin. Gawa ka na lang ng reason na huwag maging politician kung hindi ka pa ready na mag out. Kung ready ka na at tanggap ka na ng pamilya mo, then go ng bonggang bongga. Walang pakialam ang ibang tao basta tanggap ka ng family and friends mo. I, thank you..

    pacer150 at Mar 13, 09 at 10:55 pm

  17. Hwag kana tumakbo dong!paano yan pag nanalo ka at ….maghanap ka ng…alam mo na…delikado.

    Hwag ka na lang tumakbo, live far away from your family. and live your life the way you want it to be.

    ang daming napapahiya, napapaaway at namamatay sa politics.

    Hwag na mag politics, di naman mauubusan ang pilipinas ng politiko eh…madami sila…

    tama ba? hehe

    good morning!

    Wi at Mar 15, 09 at 7:18 am

  18. parang same story kami ah.beda law school dn b? haha=)

    malcolm at Mar 18, 09 at 2:31 pm

  19. Never enter into a married life for the wrong reason. If I were you stay put in Manila where you can be yourself and wait for the dying days of your parents nalang…

    oliver at Apr 9, 09 at 1:02 pm

  20. Tama daming bading sa san beda..from elementary to graduate school. I noticed it when I reviewed for the BAR circa 2000…

    oliver at Apr 9, 09 at 1:04 pm

  21. If I were you, you work for an international organization and be sent abroad. Magwala ka doon. Don’t return until it’s too inconvenient for you to run. You also have the luxury of being cut off from your parents for a long time. Could help if you were assigned in undeveloped areas where communication is difficult, like Darfur. Malay mo, mainlove ka sa isang UN Peacekeeper at alam mo naman mga machong pulis at sundalo un. Mga libog pa kc malayo sa civilization. If they come from Western countries, it’s okay with them and no one’s going to tell. How many Filipinos are doing that kind of work? Use your law degree to get ahead and go abroad. Where’s your province, by the way?

    I also think your parents know you’re gay by now. By hinting marriage, they think that they can purge the gayness out of you. If you can’t get out it, get a beard and keep your proclivities a secret.

    Nick at Apr 19, 09 at 11:46 am

  22. Hi Nick this is tj, ginawa ko rin yang suggestion mo to join in an international organization however, i dont know what happened to my application as i tried many times to send my application but i did not get any response from our very own UN Philippines siguro apektado rin sila ng World Crisis.

    Sa ngayon nandito na ako sa ibang bansa, kahit papano nagagawa ko na lahat ng gusto ko, pero nag iingat parin dahil maraming pinoy na pakialamero at mahihilig sa chismis. Knowing our Kababayans kahit nasa ibang bansa na di parin nila nababago ang ugali nilang magtsismisan.

    Salamat sa mga nagbigay ng advice sa akin. Mabuhay tayong lahat, World Peace

    tj at Apr 19, 09 at 4:07 pm

  23. You know what TJ, sa simula lang mahirap katagalan matatanggap ka rin nila, yun ay kung mahal ka nila.
    World Peace!

    pj☺ at Apr 20, 09 at 2:35 pm

  24. Hi TJ,

    Good example ay kay Bb. mas mahirap yon di ba? sa umpisa marami ang nagulat or nabigla. Pero sige lang siya pinag laban na niya ang nararamdaman niya.

    mahirap makulong sa sarili natin katauhan yon ang pinaka mahirap. Bakit mo pahihirapan ang sarili mo? masarap mahuhay ng malaya at masaya ayon sa sarili mong gusto. as long as wala kang tinatapakan.
    marami rin naman mga tulad natin na kagalang galang or ginagalang, sa sarili na lang natin kung dapat tayong e respeto or igalang kahit tayo ganito.
    be proud!!!di naman masama ang maging bading. mas marami pang mas masama sa atin..
    sabi nga drama ng mga bading…. di natin ginusto ang maging bading,…di natin ito hiniling.. di natin pinili ito or pinag-aralan para maging bading. ..at di rin ginusto na isilang tayo ng ating magulang maging bading … at di natin dapat SISIHIN ang ating MAGULANG kung bakit tayo sinilang NILA na bading.. ang lahat ng ginawa ng DIYOS ay meron dahilan at kadahilanan. lahat ng ginawa ng DIYOS ay TAMA ..

    oliver at Jun 13, 09 at 10:31 pm

  25. totoo ba ung sinasabi ni dve? or baka nang bablackmail lang? gawin mo lagi kang magdadala ng mga bisita a mix of guys girls and gays, pag di nila napansin un…

    codename: amino at Jun 24, 09 at 2:12 pm

Leave your comment

(required)

(required)