02
“Tara.”
Entry Feed TrackbackMalayo, matagtag, mainit, matagal, maalinsangan, at malagkit ang nilakbay ko mula Maynila patungo sa bayang ito sa Laguna. Maraming naglarong gunita, mga alaalang minsa’y matamis, minsa’y mapait, ngunit gayon pa man, tila umaayon pa rin akong balikan ang mga ito, sariwain, dahil ako ay, nais ko mang itanggi, umaasa pa rin.
Ilang hakbang mula sa maalikabok na lansangan, natunton ko ang aking paroroonan. Nakabukas ang tarangkahan. Sa isip ko, isang katanungan, “hinihintay kaya niya ang pagdating ko?”

Humakbang ako papasok, habang ang puso ko’y tumitibok nang mabilis. Lalo pa itong bumilis nang marinig ko siya. Isang boses na di ko malilimutan. Napakaigsing kataga, ngunit parang panang tumimo sa aking dibdib. “Kamusta?” Tila tumarak sa aking diwa.
Sa aking pagbalikwas ay ito ang tumambad sa akin. Si Carlo.

Hindi ako nakakibo agad. Napatungo ako. Parang di ko kayang salubungin ang nakalalasing niyang mga mata.

Humakbang ako papalapit. Humakbang din siya nang bahagya mula sa kinatatayuan niya. Parang di kami mapakali. Sa pagkakatungo ko, sinubukan kong salubungin ang titig niya.

Ngunit siya naman ang tumingin palayo.

Tila pabulong, at habang nakatingin pa rin siya sa malayo, binasag niya ang katahimikan, “tara sa itaas.” Sabay lakad papasok ng bahay.
Itinuro niya sa akin ang daan paitaas, paakyat sa hagdang ito.

Kay raming alaala ang sumagi sa aking kamalayan habang binabagtas ko ang bawat hakbang ng hagdan pataas. Nung kami ay mga bata pa, minsa’y inaya na rin niya akong umakyat sa hagdang ito. Wala ring tao noon, kami lang.
Ginising ako ni Carlo mula sa aking pagbabalik-tanaw, “malayo ang biyahe, nauuhaw ka ba? Ang init sa labas no?”

“Ah eh, Carl, ayos lang ako. Ok lang ako.”
“Tara sa salas,” aya niya.
At tumambad muli sa akin ang napakagandang tahanan nila Carlo.

Naupo kami. Di ko napigilan si Carlo na maglabas ng minindal.
“Huwag ka nang mahiya,” ani niya, habang nilalapag ang pandesal, keso, at bagong kanaw na melon.
Sa pagsasalong iyon, nanumbalik ang sigla ng aming pagkakaibigan. Kuwentuhan. Tawanan. Kuwentuhan, at mas marami pang tawanan.
Hindi namin napansin, papalubog na pala ang araw.
“Carl, naaalala mo pa ba noong…” napatigil ako sa pagtatanong.
Naramdaman niya kung saan patungo ang aking tanong. Nabura ang tawa’t ngiti sa kanyang mukha.

Ako rin ay natahimik.
Sinubukan kong lumapit sa kanya.

“Carl?” ani ko. “Maari pa ba nating balikan ang nakaraan?”

Tahimik siya. Alam kong nag-iisip nang malalim. Ilang sandali pa…

Nagkasalubong ang aming mga mata.
Isang nahihiyang ngiti ang humulagpos sa aking mga labi.
Sinagot niya iyon: “Tara.”

(This is a fictional story. Credits go to Mark Onir, as Carlo; dear friend for the photographs; and Miko Agoncillo, for the beautiful ancestral house.)
Possibly Related Posts:
- Aray. Hindi ako “emo” na tao. Sabi nga ng mga gel...
- Ang manunulat at ang manggagamot Ang sarap siguro ng buhay ng mga manunulat. Sentro na...
- Si Carlo, ang half-Japanese kong “muntik na” Matutulog na sana ako. Eh habang ginagawa ko ang aking...
- Mapagpalayang Hikbi Ng Pusong Nagmahal Baunin mo ang huling hikbing namutawi sa puso kong nagmamahal...
- Si Francis Araw ng Pasko, kung bakit may isang tao ang...






sa biñan ba ito? or calamba?
haaaaaaaii.. ganda ng gma ancestral houses dun:)
retsej at May 2, 09 at 2:38 pm
To be continued ba to? Hehehe. Bitin! Sana ituloy, j0ke
)
nadroj08 at May 2, 09 at 2:46 pm
SUPER CUTE!
Ang kulit at sobrang nakaka-aliw ang pagka-construct!
Nice Migs!
|jeph| at May 2, 09 at 3:11 pm
Nice work guys!
Just like a visual novel.
Keep it up!
Adrammelech at May 2, 09 at 6:10 pm
panalo! one of the post. more power!!!! nice shoot.
Francis at May 3, 09 at 12:08 am
one of the best post…. hehehe!
Francis at May 3, 09 at 12:09 am
In fairness.
Benta siya. Love it. haha
greatest at May 3, 09 at 12:25 am
aba this is something new sa site mo hehe
ok lang,mejo korni in a way,pero ok na din hehe,i love the house and that skinhead guy yummmy…parang ironic lang na nakatira siya dun hehe he looked too modern and hip.
maccallister at May 3, 09 at 12:26 am
what’s with the lips? LOL. puede sya sa lip line ng Lancome. =)
taekopink at May 3, 09 at 11:53 am
Ang cute naman! Sana may karugtong pa!
jed at May 3, 09 at 12:26 pm
ang galing naman.
jedong at May 3, 09 at 12:41 pm
p*t*ng *n*!!!
this is great!! ;-p
woi at May 3, 09 at 10:06 pm
galing!
rich at May 4, 09 at 9:48 am
you have a good klassic taste and beautiful
mario at May 4, 09 at 6:24 pm
Migs ang galing mo!
Original cya. simpleng at cute
parang may kilig factor.
baklang bakla ako
habang binabasa ang kwentong ‘to.
ano’ng meron sa nakaraan?
hahaha
Whatashe at May 4, 09 at 9:24 pm
hahahhhh!
gustong-gusto ko ‘to. hindi ako matatas mag-Filipino kaya saludo ako sa iyo Migs. ang galing and the lines are rich (sabihin ko na lang in English kasi nahihirapan ako, hehehehhh).
btw, this is your facebook friend (the one with the unique name)…
Ganymede at May 4, 09 at 10:38 pm
hahahaha, nakakaaliw migs… this is just brilliant!
ian felix at May 5, 09 at 12:41 am
hi mr. ian!
i like your photos very much!
thanks for giving us some treats! hehehehhh
ganymede at May 5, 09 at 1:06 am
naks naman. nakalalasing na mga mata. kabog.
Kara Krus at May 5, 09 at 4:51 am
Haunted house talaga ang labanan
rommel at May 5, 09 at 2:48 pm
The guy is soo0 hot! Cno sya?anyways. .the story and lines are gud. .khit mdjo cornix. .jejeje. .peace!
Rapidfire at May 9, 09 at 11:55 pm
ahw.. touch nmn aq. kala q kung anu n e.. lol xD
dfilboy at May 15, 09 at 9:39 pm
cute nmn nia
amino at Jun 16, 09 at 8:16 pm
at tulad ng sabi ng friends ni john lloyd…. sobrang cheesy!!!
hmmm at Jun 24, 09 at 5:18 pm
congrats…
advent at Jan 26, 10 at 5:52 pm