Manila Gay Guy
  • facebook

Matutulog na sana ako. Eh habang ginagawa ko ang aking nighttime beauty regimen, naalala ko ang isang taong matagal nang nakahulikipkip sa mga lamukos ng aking pagewang-gewang na utak. Si Carlo.

Hideo Muraoka

Taga-Caloocan si Carlo. Malayo sa bahay ko. Kahit de-kotse ako, umaabot ng isang oras ang pag-drive ko papunta sa bahay niya. Antrapik pa. Nakilala ko siya sa chat. Isang gabi, in-invite niya ako sa bahay niya. May inuman daw sila ng barkada niya. Mga bading din daw, pero straight-acting, ika niya. Fine, inuman lang pala. Gusto ko rin kasing makita sa personal si Carlo. Sa picture kasi, guwapo siya. Chinito. Half-japanese daw kasi. Eh alam niyo naman ako, weakness ko ang mga singkitin. Kaya hayun, kahit napakalayo, pumunta ako.

Sa madaling salita, umaatikabong inuman ang nangyari. Andun nga ang barkada niya. Sa kanilang lahat, si Carlo lang ang masasabi kong tunay na straight-acting. Yung iba, may kulot ang boses pag nagsalita, o di kaya, pag nagkukuwento, daig pa ang maestro ng Philharmonic orchestra sa pagkumpas ng pinky. Pinky pa lang yun ah. Pero wala naman akong problema sa ganun. Keri lang mga sister. Pare-pareho naman tayo deep inside.

Hindi lang sa pagka-straight-acting nangibabaw si Carlo sa mga barkada niya. Siya rin lang ang talagang may itsura. Actually, guwapo siya. Makinis. Medyo malaman ang katawan kaya masarap. Hindi siya gym-fit (actually di ko type ang mga bato-bato sa langit, sa gym kumakandirit), hindi naman siya chub. In short, like ko siya. As in.

Natapos ang gabi ng inuman, hindi naman ako nagpakalango ng husto. Kaya nakauwi ako ng matiwasay. Sa mga sumunod na araw, nagpakiramdaman kami ni Carlo. Mostly, sa text. Di ko alam kung trip niya ako. Pero alam ko, trip ko siya. Ansarap ng feeling nun. Parang high school all over again. Iba talaga ang rollercoaster ng pag-ibig.

Ilang ulit pa naganap ang mga inuman. Minsan, inaya ko siya. Tara sa condo unit ko, aya ko. Sumama naman siya. At doon ko nalaman na like din pala niya ako. Dahil sa sarili kong kama, nangyari ang pirmahan, if you know what I mean.

Mabait si Carlo. Malambing pa. Guwapo. At higit sa lahat, alam kong gustung-gusto niya ako. Gustong-gustong-gusto.

Kaso may bumagabag sa akin. Gusto ko na rin sana talaga si Carlo bilang kabiyak ng puso ko. Ang problema, school drop-out siya. Tila ba walang patutunguhan ang buhay. Wala akong makitang enerhiya sa kanya sa larangan ng pag-aaral o pagta-trabaho man lang. Langit at lupa ang estado namin pagdating sa income-level. May kaya ang pamilya niya, oo. Kaso, naisip ko, di naman siya sustentado magpakailanman. At bothered talaga ako na tila wala siyang ambisyon sa buhay.

At dahil nga doon, si Carlo, ang half-Japanese na guwaping, naging “muntik na” lamang. Unti-unti ko siyang pina-fade-out sa buhay ko. Parang isang kanta ni Regine Velasquez na pagkatapos bumirit-birit ay tuluyan na ngang nag-fade out into thin air (kasi tapos na ang kanta). Nagtampo siya sa akin, at di ko na siya sinuyo pang muli. Hanggang ngayon, wala pa rin kaming communication.

Iyan ang isa sa mga kuwento ko na di ko pa nabibigyang-pansin — di ko pa talaga napapag-isipan. Tama nga ba na pinaligamgam ko ang feelings ko sa kanya? Tama ba na dahil bothered lamang ako sa kahihinatnan ng aming difference in income/social level eh nilayuan ko na siya?

Matutulog akong nakadantay sa akin ang mga katanungang ito.

Migs

one1pixel

Comments (76)

  1. metoto said on 29-09-2010

    ok yang decision mo na yan migs… sakit lang yan sa ulo. problema lang yan panigurado… andyan naman si enchong… LOL

  2. istian said on 10-07-2010

    tama lng yun migs. kasi tayo o kahit anong relationship naman, may level-level yan. una, sa physical attraction, tapos aakyat yan sa kung masaya sya kasama, tapos hahakbang pa uli yan papuntang sukatan ng talino o kung may sense o kung may kabuluhan siya. tapos mejo magfoforward jump na into seeing yourself with the person kung magiging part siya ng buhay mo—long term—may kapupuntahan ba kayong 2? kasi di pwedeng hahatakin ka niya paibaba dahil lang sa masarap siya?una pa rin ang sarili syempre, otherwise mabulok ka kasama niya.

  3. kyrie said on 10-04-2010

    before you fade a person from your life, isipin mo muna kng ano ang mawawala sayo. im not talking about the physical attributes that this guy has, but im talking about yung ugali nya. meron kc naman na kahit may income difference or school drop out ay mabait parin at di gagamitin ang pera o oras mo into waste. wat im trying to say is, know the person so much before you actually leave him or lose the communication. your story is very striking and catching at pwede maging movie. anyways. itanong mo rin sa sarili mo kng ano ang nagustuhan mo sa kanya at mag last ba yun kahit di na sya gwapo or cutie material. then get to know him also. as much as possible, walang perang involve para di ka naman dihado at wala kang pagsisisihan balang araw. try to open the communication and tagpo but with certain limits. u are the captain of ur ship. u know wats best and wats not. thanks for sharing ur story with us. kilig ako tuloy sau. 🙂

  4. yusuque said on 09-02-2010

    I am much interested in activity of Si Carlo,
    a half of Japanese. from Japan

  5. LIONEZ said on 22-01-2010

    Parang di tama. Kawawa naman yung bata. Parang pinatikim lang at pinaasa tapos iniwan sa ere. Lam mo Migs, tama ka sa kung tama pero in all honesty, masaya kaya ang puso mo?

    Pwede pakilala mo na lang sa akin. Ako magpupuno sa pagkukulang mo. Maski na sabihing tiratira at pinagsawaan mo na. Sustentuhan ko siya for a lifetime ( hehe biro lang ).

  6. tongueburner said on 29-12-2009

    kung masarap naman sha, eh di dapat ni-keep mo na lang sha as a friend, with benefits LOL 😉 fubu ba.. shet ang hirap makakita ng fubu ngayon, nasa pilipinas nga pala tayo LOL

  7. carlo_lover said on 01-11-2009

    i had a carlo too, who’s surname starts with T, has a japanese blood, and lives in caloocan. he loves organizing beer parties. shaved head, chinky eyes, tall, and yes, straight-acting. i experienced what you experienced, and i think we’re referring to the same carlo. he’s born to give us a brief pretty good time, and a long whatmighthavebeen afterwards.

  8. brian said on 30-10-2009

    Sayang naman! Work and achievements lang siguro yun. Nagregret ka ngayon dahil hindi mo pinatos yung nag-iisang bagay na siguro magpapasaya ayo…

  9. adrian said on 30-10-2009

    ‘Water seeks its level.’ Cheers!

  10. cocoy said on 10-10-2009

    this is my first time to log on your blog the way you write stories and giving advices is awesome ang galing , saludo ako sa yo, you are my idol baby

  11. Dilan Muli said on 23-09-2009

    memories. hehehe!

  12. john said on 12-09-2009

    well kanya kanyan trip yan, if u think magiging burden lng xa den becoz you want someone responsible then let go, meron kze kahit cla lng gumagastos okay lng ksi sa sobrang pagmamahal nila sa guy , i’m not saying na d mu xa love, but cguro you just want an equal kind of relationship financially and emotionally which is normal naman.

  13. theArchitect said on 07-09-2009

    nicely done migs! its my first time reading your blogs! and finally this is the site that im looking for for almost 4 years now! something more that sex..(i do watch porn though!). please continue posting.

    cheerspare!

  14. Grace said on 07-09-2009

    hahahaah !!!yun 1st paragraph same sila sa syota ko!! taga caloocan din,mahilig mag lasing!!
    whahahahaahaha

  15. andrei said on 04-09-2009

    slightly we are the same, ayoko rin ng mga pacute lang. i need those who have sense of responsibility at tyaka hindi manggagamit.

  16. leevio said on 25-08-2009

    sana u try mna,mxdo k nmng futuristic e..bka nga d kau umabot ng 1 month..binitawan mo agad..pg2mgl kau ska mo xa advisan n mgckap hndi ung d p nga kau ayw mna..d mo tnpos ung kanta umpisa p lng tinapos mna..wg ganun..hehe

  17. killersmile said on 21-08-2009

    Kaya ang mga Bi at Gays di nakakakita ng long term partner kasi puro PERFECT na tao ang hanap nila… Sige kung may Career ang hanap nyo dun na lang kayo sa mga Masahista at Macho Dancer… May Career hanap nyo di ba??? HAHAHAHAHAHAHA

  18. Mikuru Hirai said on 19-08-2009

    I have to commend you for looking at that side of that Carlo guy unlike others na nabubulag at ang kagwapuhan lang ang nakikita. Pero if you really like that person, I suggest try it out, baguhin mo cya. If he does, hindi ba mas naging meaningful ang pagdating mo sa buhay nya? Start communicating, be an inspiration pero if he is still the come-what-may type of person, drop him.

  19. redhulk said on 18-08-2009

    MARAMING SALAMAT SA’YO BHE…

  20. redhulk said on 18-08-2009

    kilala mo kung sino ang tinutukoy ko… kaya pagnabasa mo to isang lang po masasabi
    MAHAL NA MAHAL DIN KITA BHE!!! AT GUSTO KONG TUMANADA KASAMA KA…

  21. redhulk said on 18-08-2009

    ako masasabi ko na school dropout ako kasi hindi na ako kayang pagtapusin ng mom ko sa college (3rd yr) kasi single parent sya… pero nakilala ko ung taong tumulong sa kin at naging inspirasyon para magbago… pinupush nya ako to my limit para magawa ko ng tama ang mga bagay na gusto kong mangyari sa buhay ko at para may patunguhan ang aming relasyon… masasabi ko na mahal na mahal nya ako kasi sa kabila ng lahat nandyn para rin sya para i-guide ako…

    KAYA MIGS… KUNG MAHAL MO ANG TAO SANA HINDI MO SYA INIWAN… SANA TINULUNGAN MO SYA MABAGO ANG PAGTINGIN NYA SA BUHAY AT SA HINAHARAP…

  22. venercute said on 18-08-2009

    yummy!!!!hehehehe

  23. melliciousss said on 15-08-2009

    agree me kay bleeding angel…gusto mo naman “instant kaagad” migs??…dapat ehh niluluto pa yan….
    world peace….

  24. Flow said on 15-08-2009

    dapat tlga pag pumipili ng partner eh hindi lng ung looks.. dapat may career na, may looks pa.. hindi ung sila ang aasa satin.. nice move Migs..

  25. Schizo said on 15-08-2009

    la naman masama na subukan. pag di nagwork naman it will die a natural death. sinimulan mo lang ung kanta pero di mo tinapos. umabot ka dun sa peak ng kanta tas nagwalk out ka. hahaha

  26. yohan said on 15-08-2009

    I just feel for carlo. Masakit un. Migs had the pleasure of doing something similar to me once.

  27. Echoserita.com said on 15-08-2009

    “repeat chorus till fade” ang drama

    i can relate to this. isa sa mga criteria ko for a bf ay ung may ambisyon at may patutunguhan sa buhay, at di yung palamunin at dependent.

  28. Leo said on 15-08-2009

    wise move… very wise. if you aspire for a relationship you should have long-term plans, parang career lang yan.

  29. antonio said on 14-08-2009

    wow. i haven’t visited your site for the longest time. dami na palang bago. states ka na? since when?

    anyway, i can relate. i’ve also liked someone that much kaso un nga, unattractive ung fact na parang walang ambisyon. you won’t mind at the start but later on, it will really bother you. so no, walang masama sa ginawa mo. tama lang yan.

  30. krissss said on 14-08-2009

    tama yan ate baka ang ending nya ehh batang sponsor kana ay nako ang hirap ng ganyan buhay buti naiwasan mo mare!

  31. momo said on 13-08-2009

    Ansarap ng feeling nun. Parang high school all over again. Iba talaga ang rollercoaster ng pag-ibig.

    migs gusto ko to!!! kinilig ako nung binasa ko to! hahaha

  32. ginj said on 12-08-2009

    Natanong mo na ba sa kanya kung bakit ganoon ang kanyang financial status? Minsan kasi talaga may mga tao na biglang titigil ang mundo sa isang aspect ng buhay nila kasi (a) tinatamad sila, (b) clueless on what to do next, o (c) he or she is still in the planning stage. Anuman ang dahilan, sang-ayon ako sa sinabi ng iba na maaaring makatulong ka pa sa kanya para maayos yun. Hindi naman siguro magiging malaking issue yun kung pag-uusapan niyo, dahil sabi mo nga alam niyong gusto niyo ang isa’t isa.:D

  33. Bleeding Angel said on 12-08-2009

    Don’t crave for instant noodles. Mas okay sana kung tinulungan mo siyang mabago ang outlook nya sa buhay niya. Siguro di pa love yan, kasi kung love yan, walang status, walang if’s walang y’s.

  34. Fritz said on 12-08-2009

    Love can be a very powerful motivator. Kung mamahalin ka ng isang tao, I believe he will do anything for you. I mean, may mga tao na willing bumuga ng apoy for the people they love (some, in a figurative sense… others, quite literal).

    Para sa akin, malaki ang posibility na magbago siya… that is, kung mahal ka niya talaga. I don’t like asking “what if…” so if I were you, binigyan ko siya ng chance. Many people in this world need someone who will give them that little faith and push so that they can realize their potential. I have the right to say, kasi kung walang naniwala sa akin dati, 6 feet under na ako ngayon. Malay mo, ikaw na pala yung inspiration na hinihintay nya.

  35. arni ramirez said on 12-08-2009

    BASTA AKO… GUSTO KO NANG MAGKA-BOYFRIEND… PANAHON NA SIGURO… 28 NA AKO… HUSTO NA ANG NAIPAKITANG PAGMAMAHAL SA PAMILYA KO… ALAM KO KASE, KATULAD NG IBANG PAMILYA NA HINDI BUKAS SA MGA GANTIONG URI NG RELASYON, MASASAKTAN KO SILA.. PERO ALAM KO NA HUSTO NA ANG NAGAWA KO, PANAHAON NA UPANG AKO NAMAN ANG MAGING MASAYA… KAILANGAN KO NA ANG BOYFREND.. NOW NA!

  36. killersmile said on 12-08-2009

    sa lahat ng nababasa ko obvious dito na ginamit lang sa kama ni Migs ang kawawang bata… tsk tsk tsk

  37. fujin said on 12-08-2009

    sayang…. you could’ve been the light for him….. for him to change… to emancipate his life to a more meaningful one. hindi ka kaya naging selfish nyan? or maybe may trauma ka na sa mga kagaya nya from the past na tipong pinerahan at niloko ka lang. anyway…. i really like your blog… super basa ako dito everyday… its just that hindi ko magawang magcomment for reasons i really dont know. hehehe.. kudos migs.. more stories to come!

  38. Markyness said on 12-08-2009

    love must never be measured or compared from your status in life, because love is all around us love can pass through or do good in all aspect of life— in short ang pag ibig ay walang conditioness bagkus eto pa ang magcocompensate.

  39. Markyness said on 12-08-2009

    I dont know atei pero i think it is best na sana nalaman nya kung anung mali sa kanya bago kayo nag kalayo, or at least in the first place na try mo syang marealize ang direction nya sa buhay—anyway nung mga pagkakataong yun eh kayo na di ba? close na kayo nun kaya there is a greater chance na iconsider nya yung suhestion mu about his life at ang aim mung mapabuti sya sa buhay nya dahil mahal mu sya db po(mahal nga ba?)—masakit nga naman po at nakakatampo po talaga kung you suddenly got sour, bland or empty sa kanya— mararamdaman nyang may mali pero this time di nya maintindihan at walang gustong magpaintindi sa kanya, dahil po dyan, i say yes, na nilayuan mo sya dahil you become more focused, bothered and clouded sa kung anung pagkukulang nya sa buhay nya where as sna po nag focus nalang po kayo na maging instrument of his inspiration of enthusiasm and optimism para bigyang direction nya ang buhay nya— maybe during this phase malalaman natin kung wla talaga syang kwenta o kelangan lang ng someone na ggsing sa kanyang industriousness, diligence at innovativness nya — maaring dahil d2 mas mahalin ka pa nya db? but we will never know, sna kung na try (pwede pa cguro hehehe)—- just thinking out loud lang po atei, just being humbly concern lang po, coz i did have a fare share of this kind of senario in life, at pinagsisihan ko tlaga and sometimes it hunts me, i also did what i meant in the message and most of the time it works n even it doesnt they were left thinking and starting a whole new better life….. madrama po tlaga ako just speaking from my heart and revealing suggestion 2 a friend, but then again po pla at d end no matter what action we take, we are still held responsible for it — or better yet change it a again to more colorful rainbow! teehee! ty po! for reading hope you appreciate! just want to emancipate! 😀

  40. Barubal said on 12-08-2009

    Tama yung ginawa mo. Pero mas okay sana kung malinaw yun sa umpisa pa lang, bago pa may nangyari sa inyo, na hindi ka in it for the long run kung siya ay walang ambisyon sa buhay.

  41. killersmile said on 11-08-2009

    pinapansin nyo yung pirma di naman yan ang totoong pangalan nya hahahahahahahaha

  42. Candy said on 11-08-2009

    migs, medyo gawin mo ring straight acting yung pirma mo. halata eh… suggestion lang naman…

  43. allen said on 11-08-2009

    winner ang signature mo migs!

  44. allen said on 11-08-2009

    ikaw lang naman migs ang makakapagsabi kung may patutunguhan. pero sana nag-usap man lang kayo at hindi mo na lang siya iniwanan ng ganon na lang.

  45. pink palaka said on 11-08-2009

    Mukha nmang madatung si Miggs kaya he doesnt need to be worried, he can buy every guys outhere. he needs no LOVE at all. If he is goodlooking, thats an additional points to catch guyssluuurrpzzzzzzzz….

  46. killersmile said on 11-08-2009

    tsk tsk tsk

    kawawa yung Carlo pagkatapos pagsawaan sa kama dinump ng nagmamagandang migs.

    ganyan ang problema pagkatapos maibsan ang libog, binabalewala yung nakaniig.

    karma na lang balik nyan sayo hahahahahahahahaha

  47. RonTab said on 11-08-2009

    Lakas na loob mo. Siguro ako, nagpatumpik tumpik pa. Is it correct to assume you were not entirely happy, then? Pero para sa akin, you did what you had to do. Clearly, a relationship to you is more than looks and liking one another. I just hope you won’t feel any regrets later, wishing you did this, you did that. From your (seeming) determination, you’d find your happiness too. Talagang maraming ‘muntik na’ at marami pang susunod. 🙂

  48. tyrone_binan said on 11-08-2009

    I’d rather exhaust all my effort loving him and telling him that he need to find direction for himself than be sorry that I let him go… You could have been his reason for that direction.

  49. David said on 11-08-2009

    Hello Migs,

    Nangyari rin sakin yan. Nung na-meet ko ang husband ko ngayon ay basura ang buhay nya. Tambay sa kanto. Drop out sa college, maraming barkada at mabisyo sa alak. Super cute din sya at hawig ni Romnick Sarmienta kaya pinormahan ko. Ayun naging kami. Sa una medyo mahirap ang aming relationship kasi sobrang layo ng agwat namin sa buhay, pananaw sa mga bagay bagay at sa ugali. Dahil mahal ko sya, nagtyaga akong turuan sya araw araw…kung paanong mangarap sa buhay at magkaroon ng ambisyon. Ako rin nagpilit sa kanya na mag-aral ulit at umiwas sa masamang barkada at bisyo. After so many years ng pagtyatyaga, ayun nakatapos din. 8 years na kami ngayon at manager na rin sya sa kumpanyang pinagtatrabahuhan nya. Malayo pa rin ang agwat namin kasi ako ay Presidente na ng company pero hindi na ganun kalayo. Pag mahal mo kasi ang tao, kaya mo syang tanggapin ng buong buo. Sana i-try mo rin. Hindi masama ang minsan ay ibinababa natin ang ating mga pride at sarili para sa mga taong mahal natin.

  50. chammy said on 11-08-2009

    reason why most from gay (our) society ending up lonely. We set high standards, including social level. Iniisip ko lang, ang bading na mahirap, dukha, isang kayod isang tuka ay walang karapatang magmahal ng isang alta sosyodad?nakaka lunkot isipin…akala ko ba nilikha ang tao sa pag-ibig ng pantay pantay?nakaka-iyak ang katotohanan na ito…na ang putik ay para sa putik lamang…
    Sana naman, ikaw ang nagsilbing gabay nya upang matukalsan nya ang tunay nyang adhikain sa buhay..it feels good when you know u changed someone for good…lapis lang ang tinatasa, hindi ang tao…hai…sana man lang hinayaan mo siya buuin ang pangarap nya sa buhay kasama ka…na ikaw ang dahilan…

  51. paul said on 11-08-2009

    tama.

  52. pink palaka said on 11-08-2009

    Masyado ka lang mapang-api at mapanghusga. Sana lahat ng kasabihan ay alam mo, pero ang kasabihang ito ay hindi mo nabigyan ng atension: “Dont judge the BOOK by its cover.”
    Masyado mong inilagay sa matayog na pedestal ang iyong sarili, minaliit mo si Carlo, hinusgahan ng walang pakundangan. Kaya nga siguro na ang vision ng mga bayot, ang makarami ng hada…
    That’s all!

  53. aresinuae said on 11-08-2009

    Naku ilang araw na kong nata-tongue-tied sa mga nakapost here.

    I really adore you Migs, pero sometimes you can be a tough b*tc*. World Peace! Hindi kaya naisip mo sya kasi wala ka lang kasama that night? Was there a third guy in the picture kaya na-feather duster mo sya ng ganun kadali?

    Let go and let flow! Sa lahat ng mga sisters, stop making a list of what you want your bf (or bf to be) to be. Some of us have very high standards when it comes to relationships, parang dapat lahat perfect. But look around, those who are looking for their perfect Mr. Right are usually the ones na single.

    Peace out!

  54. Roy said on 11-08-2009

    Galing! Bilib ako sa iyong decision-making! =) Tama lang ang iyong ginawa. Kung sakaling pinatagal mo yan at ninamnam ang mga eksena nyo ni Carlo, malamang marami ka nang mapapansin na di-kanais-nais kay Carlo. Hihintayin mo pa bang magkaganon?

  55. daredvl said on 11-08-2009

    ah oonga.. tama ang ginawa mo.. tapos ganito gawin mo… introduce me to him. and surrender him na.. that’s even better. ^_^

  56. mouthworxz said on 11-08-2009

    Migs, matagal na rin ako hindi nakakadalaw dito pero laging ako mapapangiti ng blog mo! hahahahaha taga- caloocan lang pala … Migs, may bigat yan yung estado sa buhay, pangarap sa buhay at patutunguan sa buhay. OO, muntik na!! Pero kung bibigyan mo ng pakakataon na ang puso mo ang kumilos para sau tingin ko magiging masaya ka. Ang hirap mag hanap ng taong head over heels sa ganda natin ung parang masight ka lang eh naginginig na.. . LOL! Pero Ikaw pa rin ang may call sa mga bagay-bagay, Ikaw pa rin ang alpha male o female sa buhay mo. HAhahahahahaha! Sabi ng kaibigan kong maltida pero style lang nya yun eh…
    “If love doesn’t work for me, Let it work for others.”
    Sana bigyan mo na ng pagkakataon ang puso mo na may kaharutan. Malay natin na sya pala ang kukurot sa puson ay puso pala na nangungulila.

    —PEACE—

  57. daredvl said on 11-08-2009

    M M I GGG SSS BALIKAN MO SIYA!
    M M M I G S O KAYA PAKILALA MO
    M M I G GG SSS NA LANG SA AKIN! ^__^
    GGG S
    SSS

  58. boo said on 11-08-2009

    you should’ve taken a risk migs. so what kung parang wala pang patutunguhan ang buhay nya?

    that would’ve been better than having all these unanswered questions and what-ifs.

  59. Evan said on 11-08-2009

    Dapat diniscuss mo muna sa kanya in a nice way. Yun tipong hindi offensive. Mahirap makahanap ng kagaya nya. But I see your point Migs. There are a lot of things that you should consider.

  60. babitter said on 11-08-2009

    sana migs kung gusto mo talaga, binigyan mo ng chance ang inyong pag-iibigan kahit ilang buwan lang. kung talagang walang mangyayari, then that’s the time na magdecide ka whether you like to stay it that way or iwanan siya.

  61. winterking said on 11-08-2009

    I agree with butterflythai. minsan you will not know what instore for the person lalo na sa future nya. he may not be good academically but it doesnt mean he cant make his life fruitful. looks and sparks will fade in a relationship. Why don’t give a relationship a chance to flourish. if you see na money boy pala sya… well tell him straight na you are not born to be a azucalera de mama.at least you made him feel na you are different and you mean business hindi yung play lang ng play. He might think na nagpa autograph lang kayo sa isat-isa and then like others you lost contact. I think yun yung naging impression sa kanya kasi he is clueless kung bakit ba na Turn off ka sa kanya.

    —- teaching is love made visible

  62. butterflyrhai said on 11-08-2009

    u dnt need to compromise, ull always look for the qualities u look for in a guy when ur into a relationship, sooner or later the sparks wuld fade…we all have our standards if we compromise just to have a relationship then it wont last and wont be for keeps we wuld always look for the qualities we like…lets not end up saying i dont deserve this or i deserve someone better…its better to say were meant for each other or we deserve our happiness…thats because we did not compromise it…plus ull not be satisfied, ull always have questions, ull look for someone better and ull feel its a big stone slammed into ur head….so lets spare ourselves from those headaches and heartaches…

  63. turismoboi said on 11-08-2009

    dropping by

  64. MrCens said on 11-08-2009

    from your descriprion, he’s a man worth dying for ika nga ni ninoy. di ba masarap mahalin ang maginoo pero medyo bastos, who knows ikaw ang makakapagbigay sa kanya ng focus in life. walang PLU’s na matigas ang puso, im quite sure you can influence him to be in the right track wether it come from a friend or a lover (whatever!)

    tulungan mo na lang sya migs not because his bf material but to make his life better. world peace!

    a reader from dubai…

  65. pRincE said on 10-08-2009

    i strongly agree with “mistersister”. I was in that position before but somebody believed that i could do better that’s why things changed. I now own a business and currently developing new ones. At tsaka naiishare ko na rin ang pinaghirapan ko with the person who believed and encouraged me.

    Migs, sana pinost mo to before letting him go…

  66. herbs said on 10-08-2009

    tama si daddy tristan. gow lang ng gow girl!

  67. anton maton said on 10-08-2009

    ay naku… sana tinuloy mo na lang ang beauty regimen mo kesa sa pag-gunita sa nakaraan…. at least may pag-asa pang mawala ang wrinkles mo (wish mo lang!) che!

  68. Kenneth said on 10-08-2009

    Hindi lang naman attraction sa isa’t isa ang pinkamahalagang bagay sa isang relasyon.
    Maganda rin namang suportahan kayo sa mga adhikain ng bawat isa (at dapat meron naman, kahit di ganun kataas ang level), at makita ang paglago ng inyong mga sarili

  69. Tristan Tan said on 10-08-2009

    Kung ganyan din naman ang katawan ng Carlo na yan, eh go na kahit ilang buwan lang. Wala naman forever so go lang ng go. Hahaha.

  70. mickeyscloset said on 10-08-2009

    migs, orig b yang signature mo? ahaha bongga! lol
    btw, kung tlagang mahal ka ng carlo na yan (swerte mo teh!), e d ipagpatuloy nyo no. buti ka pa nga nakakita ka ng me gusto seu na gusto mo rin, e aq hirap! ahaha. (visit my blog http://mickeyscloset.blogspot.com to know more things about me=) ) kung tlaga nmn cgurong gusto ka nya gagawa xa ng paraan para mapabuti buhay niya no para sa inyo. basta pagpatuloy mo nlang cguro ang pagmamahal mo sa kanya at iparamdam ito. kung maramdaman mong inaabuso ka at wala tlaga kayong patutunguhan, chaka ka nlang mag-halt. tama b? hehe un e kung ako lng nmn ikaw. hehe xD

  71. anthony said on 10-08-2009

    tama si mister sister…

    kasi tingnan mo, kung magsasama kayo habang buhay, eh di ikaw lang yun nag work tapos sya asa lang?

    matalino yun ginawa nya/mo.

    kanino ba to migs? letter sender o sayo? hhahaha

  72. i'm a narnian said on 10-08-2009

    ang ganda ng signature mo. 🙂

  73. weng said on 10-08-2009

    Ang nangyari ay hindi naging patas pareho sa inyong dalawa, kay Carlo dahil naging basehan sa pagtanggap sa kanya kung ano at meron syang estado sa buhay. Sa iyo Migs dahil hindi pa hinog ang panahon para malaman mo kung ano ang kaya nyang gawin at maialay sa iyo. Nevertheless, leave it as is. Everything will pass by.

  74. mistersister said on 10-08-2009

    i think you should have discussed your issues with him first. if after that, he doesn’t change his ways, then at least he knows why you left him.

  75. Gwapito said on 10-08-2009

    Agree ako sa ginawa mo. Iba pag realtionship na ang papasukin mo. Marami nang factors ang dapat iconsider.
    Kung pampalipas lang ng kati yan, ok lang.

  76. Durognapaminta said on 10-08-2009

    Teh. Dapat ginrab muna xah. Mahirap makakita ng ganyan! Kahit na wala xang patutunguhan sa buhay. Sa tingin ko naman magbabago rin siya para sayo kung mahal na mahal ka niya rin.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *