Manila Gay Guy
  • facebook

Hello Migs,

To be honest di ko alam kung paano ko uumpisahan ang email na ‘to. Uumpisahan ko ba sa tanong?

Paminsan minsan ako nagbabasa ng mga sinusulat mo sa website mo. Nagka interest ako dun sa kwento about the basketball player that you once loved (?). Sa situation ko ngayon di alam kung pareho tayo ng pinagdaanan.

Sa isang sikat na liga ng basketball ko nakilala ang basketball player na nagdulot sakin ng sobrang sakit na kabiguan. May nag aalaga na talaga sa kanya dati isang taga showbusiness pero namatay na eto kamakailan lang. Sa madaling salita naging kami habang sila pa nung taga showbusiness na yun. Maganda ang umpisa ng relasyon namin. Open sya sakin. Lahat ng tungkol sa buhay nya alam ko. Dahil nga sa kami na, I supported him sa mga pangangailangan nya.

Sweet sya at thoughtful noong una. Pag di nagtitext, nagagalit sya. Sunod sunod ang text nya hangga’t di ako nagri reply sa kanya. Dumating ung time na I need to work abroad kasi very tempting ang offer. During the first few months maganda ang takbo ng relasyon namin. Regular texting. Kung nasaan sya nagsasabi sya at sinasabi rin nya kung sino mga ksama nya .Palagi ko sya tinatwagan sa phone. Sinubukan ko sya minsan, sabi ko tapusin na namin ung relasyon namin kasi parang mahirap ang kalagayan namin kasi masyadong malayo kami sa isa’t isa. Nagmamakaawa sya. Sabi nya ayaw daw nya dahil mahal na mahal na daw nya ako. Syempre, kinilig ako sa narinig ko kaya sabi ko sige subukan natin.

He informed me na may bago syang GF. He was happy to tell me na alam daw lahat ng GF nya ung sa amin. Para daw kahit magkasama sila makakapag text sya sa akin or matatawagan ko sya. As the days went on, parang nag iiba na sya. Napansin ko umpisa nung mamatay ung taga showbusiness na karelasyon nya nagbago sya bigla. Kinausap ko sya sabi ko bakit parang may nag iba na sa kanya. Parang mainit palagi ang ulo nya sakin. Dati ang mga text nya may “love” or labyu. Tinanong ko sya bakit ganun. Ang sabi nya busy lang daw talaga sya kaya ganun.

Isang madaling araw may mga missed calls ako from her GF. Kasunod nun mga text messages na masasakit from his GF. Di ko pinatulan. I called him up and told him him about it. Pero patay malisya. He even denied the number that his GF used was not known to him. But when I told him about the text messages from his celfon. Di sya nakapagsalita. Nagalit sya bigla sakin. Hanggang sa dumating ung time na di na nya aq tinitext. Pag tinatawagan ko sya binababaan nya ako ng phone. Masakit. Palagi mainit ulo nya sa akin. Tinanong ko sya one time kung mahal pa nya ako nagulat ako sa sinabi nya. Di nya daw alam. At ayaw na daw nya sa relasyon namin. Hirap na hirap na daw sya. Palagi na lang daw syang bad trip.

Nag makaawa ako sa kanya na bigyan nya ng second chance ang relasyon namin. Ayaw na daw talaga nya. Pero pinilit ko sya. Nag agree sya. Akala ko babalik pa sa dati ung pagtitinginan namin but it turned out to be a nightmare. May nababalitaan ako na palagi sya lumalabas ng isang gay businessman ng patago kasi ang tunay na alaga nung businessman ay ung star player nyang ka teammate. Tinanong ko about it lalo syang nagalit. Wala daw pala akong tiwala sa kanya kaya dapat daw tapusin na namin ang lahat lahat. Dahil daw sa akin ang dami daw nawala sa buhay nya. Pati GF daw nya iniwanan sya dahil sa akin. Pero hanggang ngayon kung ano binibigay ko sa kanya tinatanggap pa rin nya. Mahal na mahal ko talaga sya Migz.

TAMA BA ANG GINAGAWA KO? Dapat ko pa ba ipagpatuloy ang kabaliwan kong ito? Did you feel the same way with the basketball player you had before?

I need your advice badly. Please? Thank you.

Sincerely Yours,
        Lakers

* * *

Dear Lakers,

You asked, “dapat ko pa bang ipagpatuloy ang kabaliwan kong ito?” Alam mo Lakers, hango sa sabi ni Ate Maria, “ang kabaliwan hindi bine-beybi… Pinapatay.”

Huwag ka ng magpa-dribol-dribol pa sa mga eventualities na yan. Tama na ang panahon at perang ginugol mo kay Basketball Player. Napasaya ka naman niya, kinilig ka pa nga (at naihi ng three drops?). Maging thankful ka na lang sa mga nangyari. At isara mo na ang kabanatang iyan ng buhay mo, na may luha mang dumadausdos sa iyong pisngi, may ngiti namang namumuo sa iyong mga labi. Hugasan mo ang poot, palitan ito ng shining, shimmering splendor.

A new life awaits you, kumare. Marami pa tayo diyang mapapasayang lalake. Kung ako sa iyo, magkukulong lang ako sa banyo ng mga 21 minutes, inga-ngawa ko lang ito ng bonggang-bongga, tapos maligo ka. Maghilod, magsabon, ulitin pa ng 2 beses. Kunin ang shampoo. Wet hair, shampoo, rinse, and repeat. Mag-conditioner. Habang naghihintay ma-cure ang conditioner sa hair, sambitin ang mga salitang ito – “I am beautiful. I am lovely. I deserve beauty. I deserve love.” Ulitin ito nang mga 3 minutes, oo paulit-ulit, hanggang ma-cure ng husto ang conditioner sa buhok. Rinse thoroughly (para di magbalakubak sa anit.)

Step out of the shower as a renewed person. Ganyaaan. Ganyan nga. At huwag kakalimutan ang dapat ginagawa sa mga kasawian sa buhay. Ikembot lang yan at i-ngiti.

Nagmamahal,

Migs

one1pixel

Comments (46)

  1. NAN said on 09-09-2011

    Hahahah… ang galing mo talaga miggs..
    Mapa malalim, mababaw d best ka…
    Lakers,
    mas mahalin mo muna sarili mo…
    Tama ng minsan naranasan mo ang mahalin xia…
    madami pang iba jan…

  2. Ben said on 10-08-2011

    you advice on this story has made me laugh. you’re the best!hahaha…

  3. jm said on 23-04-2010

    migs has a very cute and simple way of brushing aside your problem, find the courage to say STOP & its ENOUGH…
    boys are just playing around, matoto ka rin to play their games or else you’ll end up a lousy looser…
    free yourself…di mo man kailangan magpakatanga sa guy n yan, you dont deserve that, love yourself and pursue happiness…gosh i jsut dump one, really hard kc ganyan na ganyan sya para bang di ko sya kayang itapon kung saan sya galing, lol 🙂 peace!

  4. alexie liwanag said on 08-10-2009

    tigilan mo na yun pera lang habol nun, natural magiging malambing yun. . . baka kaya naman ayaw na nya sayo kase mas malaki yung binibigay sa kanya nung bagong gay. . . .

  5. kyle said on 18-09-2009

    tanga ka nga pag umibig.
    pero, don’t u think na gnagamit ka lang nya.
    masakit marinig pero it’s a possibility.
    tska kung straight man xa, suporta lang need nya.
    binabaliktad kpa nya ngaun.
    hay, move on. maganda ka te.

  6. Iamjbolayvar said on 17-09-2009

    Masayang mag mahal. Un lng. Nakakamatay 4 a day pag nabigo.

  7. clemence said on 24-08-2009

    hay naku…my basketball player date had graduated college na. he’s now having a training for the PNP….huhuhhu….haven’t seen him for the past two months..no communication of any sort….

  8. aga said on 21-08-2009

    GANDA LANG, can you share with me kung sino ung basketball player na ka ON mo? Bka mamaya we are sharing pala with the same guy. hahahaha what is your email add? Thank you.

  9. Markyness said on 21-08-2009

    And taray ng advice ni atei! un-un! 😀 Happy ako na may nanitong website trulalu!…shed light to everyone–evrywalksz of life!

  10. hao said on 21-08-2009

    kudos to @ganda lang.
    tama sya, kung ako yung nasa situation mas pipiliin ko pa kapwa homo to enter into relationship why? ’cause alam mong may patutunguhan talaga yung relationship not like sa mga straight na karamihan ang alam yabang at pera. di ko sa pinu-push na wag nang mag mahal si @Lakers ng straight sa future, may mapapala rin tayo sa kanila but not like sa mga homo na pure love, respect and trust. then, i don’t believe in second chance – sabihan na akong weird but yun ang tingin kung tama para di na maulit pa mga kabiguan and disaster – enough ng maging best example yung first experience rather may second chance nga – ganun pa rin yung mga nangyari. 😀 (just a thought though.)

  11. frenzy renzy said on 20-08-2009

    diba tama ako sya si LANCE NG SAN SEBASTIAN?? nsa fs ko ung lance na ung cutie nga sya..

  12. frenzy renzy said on 20-08-2009

    laker, kilala ko yang tinutukoy mo, si LANCE NG SAN SEBASTIAN RYT? kasi naging kame din nyan at kinuwento nya skin ung sainyo at dun sa tga showbusiness.

  13. ganda lang said on 19-08-2009

    Uulitin ko, wala pang naging matagumpay na straight-gay relationships sa history ng mundo….kaya ang pagpapakabaliw sa mga yan lalo na sa mga basketball players ay isang kahibangan..bakit ikaw ang magmamakaawa??? SILA ANG DAPAT MAGMAKAAWA SA YO!!!..sa larong pinasok mo, dapat ikaw ang captain ball..ikaw dapat ang nagdidribble ng bola ng relasyon nyo…shoot labg ang dapat nyang gawin..ikaw dapat ang nagrerebound..wala syang dapat gawin kundi SHUMOOT LANG..pag ginamit mo ang puso mo FOUL KA ng umaatikabo!!! KAYA GIRL, WAKE UP!!!! masaya at nakakakilig pero I’ve been there, dami ko na din naging naging relationships na basketball players sa mga premiere universities but isa lang ang mapapayo ko, BE WISE…BE WISE..BE WISE….YUN LANG..TAMA MIGS di ba? Hay naku, halos lahat na ata najowa ko…one lesson lang talaga, WAG MAGPAKABALIW!!!! IENJOY LANG!!! live life well mga ate…MWAH =)

  14. Dennis said on 19-08-2009

    I can relate to this case. It is tough but at the end of the day, this has to end somehow, sometime. It it Lakers’ choice when to end it. For all of us, NOW na. Pero who are we to beat his heartbeat? All we can do is make payo at sana Lakers will give weight to our objective point of view.

    Palimos ng pag-ibig case ito. Lakers di kailangan magpalimos. Kung walang magbibigay, pwede bumili. Maraming sale dyan. Don’t worry.

  15. Yann said on 18-08-2009

    “ang kabaliwan hindi bine-beybi… Pinapatay.” — Lolz I agree 100%, wake up Lakers!

  16. nald06 said on 18-08-2009

    based on my best friend’s experience with a LOT of Varsity Basketball Players especially the ones in the university belt…ANG BASKETBALL PLAYER AY HINDI BINE-BEYBI…NILALARO! i love ur site migs…all the best!!

  17. ID said on 18-08-2009

    Just focus on what you have best in life. Family,friends,colleagues.etc
    Your life, my life and our life will never stop revolving
    around without those guys. With our friends around us, it’s already like we are in a relationship.

  18. ram said on 17-08-2009

    Love is a trap. (P. Coelho).
    so, when you are in there, it’s either you let him trap you or you let yourself bein’ trap there.
    be that as it may, love until you can. it is only by taking that risks when one can only see the true beauty of being alive.
    live well. love well. choose well. caveat: responsibly

  19. winterking said on 17-08-2009

    Ganito lang yan eh.
    Ikaw dapat alam mo kung hanggang saan ka lang. If you push the situation according to what you want.. that where expectioon starts. You try to start to build castle on the cloud and day dream all the time. These daydreams will become your pattern of reality na dapat masunod dahil masaya. masarap. kilig.

    However pag matauhan na.. ayan.. para kang binuhusan ng tubig na malamig na di mo alam paano ka sisigaw.

    What frustrates me sa sinulat ng Bakler na ito

    Nag makaawa ako sa kanya na bigyan nya ng second chance ang relasyon namin. Ayaw na daw talaga nya. Pero pinilit ko sya.

    Gurl, payo lang ha. ka cheapan. never ever kang mag-makaawa sa lalaki kahit na bakla ka dahil pinababa mo yung self esteem mo. You represent the kabakleran group at this action is isang malaking sampal sa mga kapatid. kaya tayo nagiging stereotype eh.

    next time teh, ibangon mo naman yung sarili mo para di maging CHEAP!

  20. ganda lang said on 17-08-2009

    can relate with you Lakers..Tama si Migs..I have a current bf ngayon na basketball player din…I’ve given him everything..but bottomline, sakit lang tlaga ng ulo..he can never be yours completely..sasaktan mo lang sarili mo..perahan lang talaga yan..YAN ANG TOTOO…so ienjoy na lang ang sexcapades at wag gamitin ang puso…NUMBER ONE RULE, never fall in love with basketball players..yun lang…

    Naku Ineng, napakadaming lalake dyan…di worth it na madepress sa isang lalake lang..kung ayaw nya sa yo, bat mo ipipilit sarili mo? malalaos sila at tatanda….pero tayong mga BAKLA tumanda man basta may ANDA, di tau malalaos…WE OWN THE WORLD…

    I WISH U WELL…KAYA MO YAN!!!! YOU ARE BEAUTIFUL!!! AND WE ALL ARE….MWAH =)

  21. althea said on 17-08-2009

    hello.. may tao ba ditong medyo may alam on how to write a philosophical paper?

  22. weng said on 16-08-2009

    If you have not love and go through that, you have not live. Magbanlaw na at balutin ang sarili sa mabango, puti at very crisp na tuwalya. Magsuklay at buksan ang bintana habang pasikat ang araw. Kumanta at harapin ang buhay na kayganda. Foul is foul, whatever the circumstance is. Good luck Lakers

  23. TopModel25 said on 16-08-2009

    Well said Ate Migs!!! Bravo!!! Luv the conditioner thingy 🙂

  24. Anonymous said on 16-08-2009

    teka sino ba itong basketball player na ito na nagkarron ng relasyon sa taga-showbusiness at sa isang gay businessman?

  25. jake said on 15-08-2009

    hi lakers! korek si migs tigilan u na ang kabaliwan na yan, pero ingat ka pag naghanap ng ibang mamahalin dian sa uae dyan nagkawindang windang ang buhay ko! world peace!

  26. pink palaka said on 15-08-2009

    aresinuae… which state are you in uae? if you dont mind…

  27. James said on 15-08-2009

    “…kinilig ka pa nga (at naihi ng three drops?)…”

    This is a classic Migs 🙂 I so remember this!

  28. francis said on 15-08-2009

    Lakers,
    well, let me just say that you let yourself fall for someone that you cannot entirely have to begin with..consequences na yan ng mga actions mo..its not your fault to fall in love to a straight guy, but you should know that a straight guy will always look for a woman..he used you & nagpagamit ka nman..kaya yan..

  29. aresinuae said on 15-08-2009

    Lakers, isa kang gagita!!!

    We all deserve to be loved. He obviously doesn’t. The patweetums is just his way to keep you under his spell.

    It’s time to wake up. Call me when you need someone to talk to, I’ll be happy to use my ‘dambuhalang maso’ pamukpok sa ulo mong matigas.

  30. butterflyrhai said on 15-08-2009

    kaloka si migs, parang di seryoso ang payo, sabagay inamin naman ni lakers na kabaliwan nga ito, sino ba naman gusto maging baliw? ikaw gusto mo? hahaha!

  31. cis said on 15-08-2009

    to lakers… sna ako din magkaron ng basketball player lover ahahaha!!! move on kna,sa iba k nman magpadribol… to migs, pangalawang beses ko p lng magcomment sa almost 2 years kong pagsubaybay sa site mo na bonggang-bongga, lagi akong napapa-ngiti lalo n sa mga advice mo,mgandang panglaban sa kalungkutan… more power to you migs…

  32. Leo said on 15-08-2009

    i like your new way of giving advice migs. ewan ko kung ganito ka na dati pa, pero swak sa planggana ka teh! at sa yo lakers, move on ka na day!

  33. taekopenk said on 15-08-2009

    Hahahaha. Indeed very funny comment by Migs. LURV IT!!!

  34. imladris said on 15-08-2009

    Funny ng comments and advice from everyone! 😀

    Wise up mga sistah.

  35. Nick said on 14-08-2009

    Get another basketball player who’s younger and hotter than the one you have now. Then parade your new beau in front of your ex-squeeze. Show him that he’s not irreplaceable. Dapat may back up plan ka parati pag pumasok ka sa ganyang relasyon.

  36. jero said on 14-08-2009

    i was in the same boat.. pero i learn their in and outs… niloloko ka lang nya.. All the players are like that he he he he… Just take it as an experience

  37. markerik said on 14-08-2009

    sana ganun nga lang kadali ang paglimot sa taong minahal mo nang todo pero ginamit ka lang pala. hayyy

  38. Luceat Lux said on 14-08-2009

    KAHIBANGAN! derma na sa pagiging siony ilusyonada! dermahin na ang basketbolistang yan! just cherish the good memories of you and him together! magpaganda ka teh! at maghanap ka ng bagong lalaking tunay na iibig sa iyo. pet peeve ko talaga ang mga oportunistang tao! nakaka-GRRRR!!! char!

  39. Jason said on 14-08-2009

    Hello Migs, parang linggo ng wika dito ah!! puro tuwid mag tagalog. Nahirapan ako tuloy!! Chill everyone.

  40. Patrick said on 14-08-2009

    mgpagnda k muna girl at may mararating ka. don’t devote yourself to that kind of guy. sbe nga nla, “at first, sweets bring good, but kills in the end.”

    kgaya mo ako. prehas tau ng sitwasyon. pro d basketbolista ung akn. pogi xa, sexy, matalino, sweet, mbaet, mpagbgay, caring, etc. pero nung nlaman ko na may GF na xa, gumuho mundo ko. gayunpaman, mahal ko parin xa. T_T

  41. bazny said on 14-08-2009

    period.. shampoo lng pala katapat. ahahaha

    pero tama. mahirap man isipin. masakit man tanggapin.. dapat habang maaga pa kailangan mo nang tigilan ang ilusyon na pagkatapos mo humiling ng isang engrandeng back to the past settings sa iyong fairy godmother ay talagang di na magbabalik ang batibot. kumbaga.. ikaw at ikaw pa rin ang iiyak sa huli kung pipilitin mong lumuklok sa kanang kamay ng basketbolistang yan..

    hango sa tunay na buhay, kahit mukhang imposible yang isang big leap na iyong gagawin tungo sa katiwasayan.. dapat gawin mo ito with gold feather wings spread wide open. along the way drop a tear, then when u land on the other side of the rainbow.. sabay hawi sa hair.. and pat ur self on the back and say..

    im ready for my close up!

    amen.

  42. ming said on 14-08-2009

    okay lang siguro magpagaga pero sana hindi tumagal. let him go. he’s not worth it.

  43. santanaya said on 14-08-2009

    Hurray for you, dear Migs! I never realized such kagagahan can indeed hit one, until I myself was hit recently. So yes, Migs! Say that again and again until our gay minds clear up and refocus on the more important things in life. Or, as you put it more beautifully, mas maraming lalaki pa ang pwede nating mapaligaya. In other words — next!!!

  44. axe said on 14-08-2009

    Sister isa lang masasabi ko sayo tigilan mo na yang kagagahan mo, kung mahal ka talaga nyan dimo need na magbigay ng pera, ipakita mo sa kanya na may natitira kapang dignidad at respeto sayong sarili. Nasa abroad narin ako ngayon at nagkalat ang mga boylets, tumingin ka sa paligid mo at humanap ng tunay na kaligayan. Dati narin akong nabaliw sa pagmamahal ko sa isang pinoy sa pinas pero bandang huli pera lang pala ang dahilan kaya nya ako pinatulan. Be wise girl ipunin mo ang pera mo at wag mong waldasin sa lalake. Kung na nya sayo wag pilitin mas lalo kalang masasaktan, Humanap ka nalang ng iba and i would advise you to look for a foreigner bongga silang magmahal dahil mamahalin ka nila ng bonggang bongga di tulad ng pinoy na lalake pera lang ang habol sa ating mga bakla.

  45. pacer150 said on 14-08-2009

    ..very helpful ka talaga migz…kahit hindi basketbolista yung mga nagpaluha sa akin, ang suma tutal ng kwento ay kabiguan sa pag-ibig..kaya lang migz pano yun eh kalbo na ako so wala ng bisa ang shampoo at conditioner..meron bang alternative?..
    ….lakers, alam ko masakit..pero wala tayong magagawa…ganyan talaga..nasa abroad din ako..so nasaktan na ako sa atin at dito…time will come you can move on..kung nasan ka man, dyan ka na lang maghanap..bigla mo na lang marerealize na nakamove on ka na at pwede na ulet mainlab..

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *