Manila Gay Guy
  • facebook

Dear Migs,

I’m a member of MGG for more than 5 yrs. now and I’ve read so many good articles, subjects and suggestions from our fellow members and mind you, they are all interesting, informative and some are mind-boggling.

Why not compile those articles into a book, lalo na yung mga humihingi sa iyo ng payo pag may hinala sila sa kanilang mga lalake. It could be a good reference book not only for the academia but also for those nalilito at hindi na alam ang dapat gawin.

I could lend a hand in clerical jobs. I’m presently working here in Saudi as a sexy-tary.

Good Luck & God Bless!

Pat3zia

* * *

Dear Kapatid na Pat3zia,

Mabuhay! Ganda ng name mo ha, may numeral na kasama, nakakaloka. Maraming salamat sa iyong pagsulat, napagod ang mga electrons ng email mo at naglakbay pa sila mula sa disyerto ng Saudi, binagtas ang iba’t ibang kontinente, gumewang-gewang sa mga undersea cables ng mga karagatan, upang ipahatid sa akin ang iyong pagmamahal.

Pero, `teh, halatang china-charing mo ako. I’m sure naman na with all good intentions. Kasi Ate Pat3zia, hindi maaaring limang taon ka na nagbabasa ng MGG. Magti-3-years-old pa lang po ang MGG the blog. (Ay, siyangapala, sa August 28 ang 3rd Anniversary ng blog na ito! Mabu-hey! Tenkyu naman!)

Pero sa kabila ng pag-charing mo sa akin, na-appreciate ko ang offer of help mo. Hayaan mo’t pag-iisipan ng lola mo ang iyong suhestiyones. In the meantime, tulungan mo akong ipagdiwang nang bonggang-bongga ang ika-3 anibersaryo ng blog na ito. Any suggestions?

Boom-chaka-lak!

migs_signature.jpg
one1pixel

Comments (14)

  1. Echoserita.com said on 28-08-2009

    migs, not to include ang sinabi niyang “member” of MGG. wala naman kasing membership dito di ba? just visit and read at your own peril, este pleasure, di ba?

  2. aresinuae said on 26-08-2009

    @PP
    hindi tayo lahat echuserang froggy. Ikaw lang! Harharhar. Pakiss nga para maging prinispe ka na!

    For the record ako echuserang butete pa lang.

  3. ming said on 24-08-2009

    try mo magpa-party teh sa visayas area!

  4. jen said on 24-08-2009

    ..haha i do like her idea..

    btw, on the anniversary, y don’t we hold a huge party, im sure dami naman ang pupunta.. haha, suggestion lang un ah..

    wen nga pla anniversary lola migz??

  5. pink palaka said on 24-08-2009

    @aresinuae,

    maghanap ka Day ng mga baklang hindi echosera, baka maechuz nalang ang mata mo sa kahahanap. lahat tau Day mga echuserang froggy

  6. charmedwishes said on 24-08-2009

    hello! i like your site, nakaka-aliw!

    charmedwishes18.blogspot.com

  7. Jhong12 said on 23-08-2009

    Hapi anniversary, migz!

  8. zaqck said on 23-08-2009

    ok ah… ka-birthday ko pala itong site… May celebration ba?

  9. aresinuae said on 23-08-2009

    hmmmm victor echosera ka!!!

    Echosera ka rin PP!!!

    World Peace!

  10. pink palaka said on 23-08-2009

    di ko pansin un, baka nga some blogs are taken from other accounts hindi padala or sarili niyang life..

  11. victor said on 23-08-2009

    migs baka naman kami ang chinacharingerzie mo. parang sulat mo sagot mo ang mga postings here lately. kundi naman panay mga pictures sa multiply accounts ng ibang mga ate.

  12. Yann said on 23-08-2009

    Migs, typo error siguro yun, baka 5 decades instead hahaha.. pati name mukhang typo error din,hehehe

  13. pink palaka said on 23-08-2009

    meron pa pala, most consistent blogger. i nominate myself for everyday i used to read your blogs…
    nyaaaahahahahahaha

  14. pink palaka said on 23-08-2009

    Miggs baka typographical errors lang o baka nman me related blogs like MGG na binabasa niya 5 years ago.

    para maging masaya ang iyong tatlong taong pagdiriwang, para naman kahit malayo yong iba at tulad ko, wala sa pinas, gumawa ka ng recognitions sa lahat ng mga affiliated mo, like best in comments, best in blogs, at kung ano-ano pang anek-anek na best categories.
    then ang premyo ipadala mo sa kanila kahit saang lupalop man sila nahihimlay.
    at kung nasa pinas kana, let gathers all the beauty queens in your blogs, for getting to know each other well… parang ang hirap mangyari ano? suggestions lang po.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *