Manila Gay Guy
  • facebook

Hi Migs,

First of all, please allow me to greet you a pleasant good day.

Just call me Dee, straight acting at kahit papano may itsura rin, pero deep inside of me ay bading na bading ako, im 28 yrs and working as an OFW. Magdadalawang taon na ako dito sa kumpanyang aking pinapasukan pero hanggang ngayon virgin pa ako sa pakikipag talik sa kapwa ko pilipino sa takot kong matsismis o masira ang aking reputasyon, pero sa ibang lahi ay marami-rami na akong nakatalik at diko na mabilang kung ilan silang lahat.

May crush akong pinoy, sya si Jigs isa sya sa maraming pinoy engineers namin dito sa company, matangkad, moreno at gwapo. Tahimik lang sya at madalas sa pinaka dulo ng service bus sya nakaupo kapag uwian na namin. Unang kita ko palang sa kanya dito sa office namin ay kinabog na agad ang aking puso at mula nga nuon ay naging pantasya ko na sya gabi-gabi. Kahit may pagtingin ako sa kanya ay diko ipinahalata sa kanya but deep inside of me ay kinikilig ako kapag nakangiti sya sa akin kapag nagkaka salubong kami sa hallway or sa labas.

Hanggang sa lumalim na ang aking nararamdaman at naging LOVE na yata ito, kaya ng diko na mapigil pa ang aking nararamdaman ay nag e-mail ako sa kanya using other e-mail address, sabi ko nung una na HI CAN YOU BE MY FRIEND, nag reply naman sya ng OK LANG. Nung una ayaw kong sabihin ang tunay kong identity at panay lang ang send ko ng messages reminding him to be safe always etc….. at yun nga lang nakaka-irita kasi sa sobrang haba ng mga messages ko ay iisang word lang ang reply nya na palaging THNX lang.

Hanggang isang araw nagulat nalang ako ng sabihin nyang “parang kilala na kita pero di ako sure kung ikaw nga yun pero malakas ang kutob kong ikaw yun pero oks lang sa akin at thnx Dee” Natopak ako ng husto pero pilit parin akong nag deny na ako yun pero sabi nya “Kung di ikaw yun sana dimo ako ginugudtime lang” at mula nga nuon dina sya nag rereply sa messages ko at namis ko ang replies nyang THANX lang. Dahil mahal ko sya ay umamin na ako at hiniling ko sa kanya na sana ay mananatiling lihim ang aking pagkatao sa lahat at sabi nya PROMISE YOU HAVE MY WORD.

Sa sobrang hiya ko, di ako makatingin ng diretso sa kanya at natigil narin ang pagpapadala ko ng messages sa kanya, luka-luka lang talaga siguro ako kasi minsan nakasalubong ko sya at kinausap nya ako at sobrang smile sya sa akin, syempre kinilig na naman ako kaya masaya na ulit ako. Hnaggang ngayon nag ngingitian naman kami kapag nagkaka salubong kami pero nararamdaman kong medyo nahihiya sya sa akin at ako man ay di rin makatagal na makipag titigan sa kanya kasi parang nalulusaw ako sa mga titig nya. Alam ko rin na alam na nya na di lang friendship ang gusto kong mangyari kaya medyo nahihiya na sya siguro sa akin. Kung dipa dahil sa ALIMASAG ay baka dipa kami magkakaroon ng chance na magpalitan ng mga messages na medyo mahaba-haba ang replies nya.

Migs ang problema ko ngayon ay kung paano ko sasabihin sa kanya na feel ko syang maka bed of roses. Madalas naman akong yayain ng inuman ng kanyang mga kasamahan sa accomodation nila pero ang worries ko lang ay mahina at madali akong malasing at baka imbes na matikman ko sya ay baka tulugan ko lang sila sa sobrang kalasingan ko at takot din akong malasing kasi madali akong mauto-uto.

Migs sana matulungan mo ako kasi parang masisiraan na ako ng bait kung pano ko sya matitikman kasi ang tagal ko ng naghihintay. Ano ba ang magandang gawin para maramdaman nya na feel na feel ko syang maka bed of roses. Dapat ko bang sabihin sa kanya na matagal ko na syang crush, pero natatakot naman akong baka i-reject nya ako.

Lubos na gumagalang Dee

* * *

Dear Dee,

Sa unang pagkabasa ko ng liham mo, aaminin kong napakunot-noo ako. Sabi ko, yun lang ba talaga ang gusto niya? Na ma-“bed of roses” niya si Jigs? Mabilis ko rin namang nasagot ang sarili ko (oo, may pagka-schizophrenic ako, lalo na ngayong nasa ibang bansa ako at malimit na walang makausap). Ikaw na rin ang nagsabi, ukol sa nararamdaman mo kay Jigs: “…hanggang sa lumalim na ang aking nararamdaman at naging LOVE na yata ito.”

Alam mo Jigs, kung talagang “bed of roses” lang ang habol mo sa kanya, napakadali. Pero nararamdaman ko na hindi lang iyon ang gusto mo. Para bang gusto mo rin yatang subukang buksan ang puso ni Jigs, at magbaka-sakaling higit pa sa pakikipagkaibigan ang maaari ninyong maging turingan. Tama ba ang naiisip ko?

Kung mahal mo nga siyang talaga, at nagnanais ka na mahalin din ni Jigs, ihanda mo ang sarili mo. Ihanda mong tahakin ang landas na kay-rami nang sumubok. May mga nabigo, ngunit mayroon din namang nagtagumpay. Sa aking pagkakaalam, matarik ang landasing ito, kaya nga ang payo ko sa iyo ay ihanda mo ang sarili mo. “Paano?,” maaring susunod na tanong mo. Kadalasan, sa karamihan ng umusbong na pag-ibig, nagdadaan ito sa pakikipagkaibigan. Ika nga, friendship is the seed of long-lasting love. Bakit di mo subuking maging isang tunay na kaibigan ni Jigs? Alam kong matagal mo nang inaasam na ikama ang lalaking iyan, pero kung talagang pagmamahal ang hanap mo, kung pangmatagalan ang gusto mo, baka kailangan mong maging mas pasensiyoso. Siyempre, hindi kasiguraduhan na magtatagumpay ka, dahil malay ba naman natin kung talagang diretso pa sa ruler yang si Jigs. I mean, baka naman kahit anong tambling mo eh di talaga magmamahal yan ng isang sirena. We don’t know, yet you can try. And when you succeed, aba, ultimong kampana sa North Pole eh kakalembang sa tuwa.

Kung talaga namang sex lang ang habol mo sa kanya, ito naman ang maipapayo ko. Gawin mo ang lahat para siya mismo ang humingi nito. Na siya mismo ang kumalabit sa iyo at magsabi, “Dee, ok lang ba sa iyo…?” Paano, ika mo? Madali lang yan. Una, kilalanin mo siya — ano ba ang history niya sa sex? Pumatol na ba siya sa bading dati? (kung oo, aba, eh di napakadali naman na pala ng gusto mo.) Relaxed lang ba siya sa ganitong usapan, o medyo homophobic siya? Kapag alam mo na kung nasaan siya sa spectrum, mas makakapag-adjust ka. Sa tingin mo ba, mas kumportable siya kung medyo pa-girl ka? O baka mas may chance kung itutuloy mo ang pagiging pamintang durog? Hija, gamitin ang utak. For more ideas, hahayaan ko na ang ibang MGG readers na mag-suggest. O di kaya naman ay basahin ang post na ito at ito pa. Basta’s huwag kakalimutan ang bilin ko, uulitin ko ha, gawin mong siya mismo ang humiling ng sex. Kapag nagawa mo yan, kokoronahan kita ng bonggang-bongga. At pakakalembangin din natin yang kampana sa North Pole — to the tune of “Nobadi Ba-chooo!”

O, siya, Dee, magpaganda ka na. Salamat sa pagsulat.

Kumakandirit ever, ang Ate mong pagka-minsa’y kunsintidora…

migs_signature.jpg
one1pixel

Comments (20)

  1. spike said on 07-02-2010

    i have a dormmate whom i like (seperate rooms)… we watch tv at the lounge together sometimes just the two of us… we havent actually talked… we just watch silently…. i dunno his sexual preferences but i really want get laid with him… i havent had by first experience by the way…. any suggestion on how i could have him on my bed?

  2. Blue said on 08-10-2009

    Nakaka-kiliti naman yung mga comments dito! This reminded me of my relationship with another guy before. It didn’t take long before we finally got together pero nahirapan ako ng konti kasi he was a married man. Pero mind you guys, siya ang naging bottom all throughout the affair that we had, which I preferred kasi hindi ko kayang mag-bot. Wala namang mali sa mga advice nila. All you need to do is try each advice at a time para malaman mo kung alin ang effective. Tiyaga lang. Pero you know what I think? I think that naka-first base ka na kasi hindi ka niya iniwasan nung malaman niyang ikaw yung nagme-msg sa kanya.

  3. fratboi02 said on 08-10-2009

    Funny story dee…You’ll have it if you really want it…Parang ‘The Secret’ lang yan.=D Try it…you don’t have relationship to begin with. IF he agrees — go! If he doesn’t — so!?!

  4. pacer150 said on 07-10-2009

    papayag yan dee..just give him time..nalaman na niya kung sino ka at ok lang sa kanya..befriend him…pag close na kayo yayain mo minsan sa room mo at manood kayo ng x rated movie..tapos discuss ka kung ano fave nya sa girls, big boobs ba, morena etc etc then ano fave nya gawin sa kama..pag nilibugan yan tignan mo sya pa magbibigay ng hint sa yo para ma bed of roses mo sya..lalo na kung andyan ka sa mid east eh naku uhaw lahat sa sex mga tao dyan..malay mo curious na si jigs after mo magparamdam sa kanya..eh di winner ka..kakalembang ang kampana sa mideast.lolz

  5. chariti said on 07-10-2009

    Dee-wata, wag ka matakot mag pakalasing …eh di pag nawalan ka ng control sa sarili mo, eh di much better. the guy’s will ravish you!!! lalo na pag kainuman mo pa si jhigs,LOL. anyway parang kilala kita RAM.pepper mint ka din ba??

  6. axe said on 07-10-2009

    Jusko ben pati ba naman grammar pagtripan mopa, agaw eksena ka talaga, mistake is common to all. Hay naku Dee ito lang maipapayo ko sayo dahil ako ay naging OFW din, ang mga pinoy men lalo na kapag super straight ay pa hard to get talaga sila, minsan nga dika pa nila pinapansin lalo na kapag alam na nilang type mo sila. But mind you darling, style lang nila yan kasi minsan inoobserbahan din nila ang mga pamintang durog kung silent type ka ba or kerengkeng girl kaba, kasi takot din ang mga yan sa tsismis at kapag pumasa ka sa cross at physical examination jusko day sampung gloria ang mararating mo. Naalala ko pa nung mag work din ako sa Qatar jusko ko akala ko uuwi akong luhaaan ng pilipinas dahil malapit ng matapos ang contract ko pero diko pa sya natitikman, kaya nagulat nalang ako ng tawagan nya ako at sabi nya imassage ko raw sya, o diba bongga kahit di ako marunong mag massage e nag enjoy naman sya sa ibang massage na ginawa ko at natikman ko talaga sya ng maraming beses.

    Kaya girl ituloy mo lang ang pagiging pamintahan mo kasi may mga lalake talaga na ayaw pumatol sa mga kendeng at kerengkeng girls lalo na kapag ang stright men na yan e isang junior or senior staff kasi ayaw nilang matsismis. Bakit ko nasabi yan kasi ako mismo ang naka experience nyan, inoobserbahan ka lang nyan kung magiging safe ba ang reputasyon nya sakaling patulan nya ang mahaba mong dila hahahahaha

  7. 17again said on 07-10-2009

    I want to get some advice too guys. I have a housemate that I love so much. I am not only after the sex or bed of roses with him, gusto ko talaga xa. His character is very catchy and exciting. Ang bait2x pa at macho at may itsura. And he’s so makulit to anyone kaya nahulog talaga ako dito sa “partz” ko.
    But the prob is I’m living with him on the same roof with my two other sisters. I am the only boy in the family and I guess that explains my being half of a man (straight acting but falls apart to being gay inside). He doesn’t know I am bi/gay or what not and neither do my sisters. We treat each other as family already and we are happy living all together. But I want him as my secret boy friend..pano ko ba to sasabihin sa kanya? He’s looks so macho, gwapo and straight so I am afraid to open up. Never talaga ako nag give ng signs that I like him.
    Next month we will transfer to a new house and we will be sharing the same rooom!!! I wanna know ano pwede ko gawin to tell him that I love him and so that we can share our secret love in the comforts of our own room..hehehe
    Please guys I need your opinion..pls naman..thanks

  8. ben said on 06-10-2009

    grammar police: there is no such greeting as a “pleasant good day”. “pleasant day” or “good day” will suffice. pleasant is an adjective, not an adverb. thus, it can’t be used to describe “good” which is the adjective that describes “day”.

    sorry. hindi ko lang talaga kinaya.

  9. George said on 06-10-2009

    hindi mo siya LOVE. it’s lust. It’s all physical. Paaono mo naman siya maging love eh hindi naman kayo naguusap ng seryosohan? You’re attracted to him physically, period. yan lang ang habol mo.

  10. MrCens said on 06-10-2009

    sa middle east ba si letter sender? abay! madali lang… uminom ka with them pero 2:1 ang tagayan, 2 sa kanila 1 sau. at kung lasing na, gapangin mo. i bet, hihiyaw si jigs sa sarap at ang pangalang mong dee ay magiging, desiree… sige pa, ahhhh!!! lol.

  11. ram said on 06-10-2009

    an international bestselling book has this to say: Love is letting go of fear. . . risktaking lang yan. para, alang ‘what ifs’ thereafter. caveat: calculated risk is the aim. too, sabi ni Santiago kay Fatima sa The Alchemist: if u want to achieve something, the whole universe will conspire to help you achieve the same. . . whew. if takot ka pa rin mag ‘first move’ sa gameplan mo, kumanta ka nalang: ‘kaya ngayon bakla nalang ang aking iibigin. masarap magmahal ang bakla, o kay sarap damhin’. game over. –wink

  12. prince said on 06-10-2009

    hi dee! Perhaps, you must first discover the guy’s sexual orientation to put things in their proper perspective. If he’s straight, then you can only pursue your lust for him, take the initiative, map out a devious scheme for him to fall as prey. Flirt discreetly. If he’s on the softie side, then bingo! He might end up in your arms as your partner, both in life and bed. Show him the real you, befriend the man, court him if it is necessary. It would be quite easy if he’s one of us. Goodluck!

  13. ares in uae said on 05-10-2009

    chorvah ka! kurutin kita sa singit.

    Kung nasa UAE ka sulatan mo ko ha. Sumali ka rin sa MGGFF para naman may makausap kang mga PLUs at mabawasan pagkahumaling mo sa lalaking yan.

  14. ming said on 05-10-2009

    Teh, humalakhak talaga ako ever sa esophagus ko. Nareminisce ko tuloy ang mga kabaliwan ko in the past.

  15. matchbox said on 05-10-2009

    hello dee…grabe ang challenge na binibigay sayo ni migs. kung magagawa mo yan, isa ako sa kakalembang sa northpole. tama ang chika ni migs, kung paninindigan mo ang pagiging pagerl mo ateng, mahabang lakbayin yan….kung willing ka namang mag invest at mag intay…malay mo, kabog na multiplier ang makuha mong interest….goodluck sayo dee…. pero kung “bed of roses” lang ang feel mo sa kanya…isipin mo na lang na ang mga makekeme mong ombre ay kamukha ni JIGS….

  16. mickeyscloset said on 05-10-2009

    haaay dee. ganyan din ako. ang pagkakaiba nga lang natin me guts ka pra maitex ang lurve mo. e ako khit nangangati na ang mga daliri ko, e hindi ko mainvite ang lurve ko sa facebook. basta good luck kung alin man sa payo ni migs ang susundin mo. hehe p.s., i lurve migs’ last hirit. ahaha xD

  17. Cj said on 05-10-2009

    I highly agree with Migs’ advice. Sabi mo nga, he replied sa message mo na ok lang sa kanya na ikaw ang nagmemessage sa kanya, i think it is a hint na Jigs’ open to have friendship, or more than friendship, with the same sex and not buddies lang sa inuman, mind you. tingin ko lang, he’s a type of guy na sabik din sa love… to think na OFW kayo di ba, cyemps iba pa din ang sariling atin… go go go sister… Aja!!!

  18. bluelightninglad said on 05-10-2009

    I love Dee’s “bed of roses” term 🙂

  19. imladris said on 05-10-2009

    “..Kumakandirit ever, ang Ate mong pagka-minsa’y kunsintidora…”

    Syet, best part, natawa ako doon.

    Pero yeah, I agree with Migs’ advice. Gudlak!

  20. Tristan Tan said on 05-10-2009

    Teka di ko ma-gets, bakit kailangan na the other guy ang humingi ng sex? Paano na ang empowered (wo)man of the world concept?

    Kung ako ikaw (read: pokpok na tunay) at kung malakas ang loob mo, I’ll ask him if he wants to have sex, derecho. Pero proper timing of course – at least alam mo na agad ang sagot, di ba? Kung hindi naman sige, magpaka-birhen ka at i-encourage sya na humingi ng sex from you. I doubt that this would be easy but still, goodluck sa yo. At yes, kakalambangin ko din ang kampana dito sa kinalalagyan ko kung ma-encourage mo syang bumukaka.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *