Nov
18

Mapagpalayang Hikbi Ng Pusong Nagmahal

Love and Dating, Migs Speaks Entry Feed Trackback

Baunin mo ang huling hikbing namutawi sa puso kong nagmamahal sa iyo. Mapagpalayang hikbi, kasama nito ang isanlibo’t isang alaala ng pagsasamang walang kasingligaya. Hikbi, kapatid ng isang malalim na buntong-hininga, matapos umalpas, magpumiglas sa pagkakakapit sa pagnanasang may bukas pa ang ating pag-ibig. Minsang inaya ng aking isipan ang mga madidilim na sulok ng iyong pagkatao, ngunit umiling ang kalooban ko. Nais ko pa ring panghawakan ang mga walang kasinglutong na mga halakhak, ang mga pagsisiping na tila walang katapusan, ang alaala ng iyong init, halik, halimuyak, lasa, lambot, tigas, haplos, at yakap. Buo ka pa rin sa aking isipan. At sa pagpapaalam na ito, ihihikbi ko ang mapagpalayang hikbi, habang inginingiti ko ang walang-bahid mong katauhan sa aking mga mata.

Possibly Related Posts:

  1. Si Francis Araw ng Pasko, kung bakit may isang tao ang tila...
  2. Masarap, Malinamnam, Katakam-takam Ipikit mo ang iyong mga mata. Dahan-dahang buksan ang bibig,...
  3. Aray. Hindi ako “emo” na tao. Sabi nga ng mga gel...
  4. Parang Walang Nangyari Pagkatapos ng isang napakahabang araw at gabi ng walang-tigil na...
  5. “Tara.” Malayo, matagtag, mainit, matagal, maalinsangan, at malagkit ang nilakbay ko...

5 Comments So Far

  1. para syang part ng isang story.

    ming at Nov 18, 09 at 4:13 pm

  2. how sad..letting go is hard but it’s part of life.. (may sense ba? ahahah) love your blog po..

    depressed26 at Nov 19, 09 at 1:33 pm

  3. Just driving by…hahaha

    Obileme Justin at Nov 19, 09 at 6:44 pm

  4. is this related to the querida post?

    papakarl at Nov 20, 09 at 5:50 pm

  5. ganon talaga ang buhay hirap di ba?….

    rogielynpino at Jan 31, 10 at 9:35 pm

Leave your comment

(required)

(required)