05
Abrazos in New York City
Entry Feed Trackback
Ang lamig sa New York ngayon. Kaya naman kapag lumalabas ako, laging may scarf, laging naka-makapal na jacket. Anlamig talaga. Lalo na kapag umiihip ang hangin, pakiramdam ko magyeyelo ang mukha ko; at ang mga mata ko, di mapigilan magluha. Nawi-weird-do-han na nga sa akin minsan yung mga kasama kong gumala dito, bakit daw ba umiiyak ako. Sabi ko, hindi, sa lamig ng hangin natutuyo yata ang mata ko, kaya automatic na lumuluha, para palitan yung moisture na tinutuyo ng malamig na hangin. Napakalamig talaga. Pero si Joseph, ang kaibigan ko na siyang nag-invite sa aking bumisita dito, kabaligtaran. Mainit. Mainit ang pagtanggap niya sa akin.
Sa JFK airport (New York), alas-otso ng umaga ang takdang oras ng lapag ng eroplano ko mula sa San Francisco. Kinse minutos bago mag-alas otso, nasa baggage claim na ako. Wow, ang aga ng dating. OK lang, sabi ko sa sarili ko. OK lang na maghintay ako ng konti. Pagkatapos kong makuha ang bagahe, naglakad-lakad muna ako. Siyempre may hinihintay. Tapos, nakahanap ako ng mauupuan. Ilang minuto pa, dumating na ang hinihintay ko. Ang sundo ko. Si Joseph.
Malayo pa lang, nakita ko na siyang nakangiti. Maaliwalas ang mukha. Makisig ang tindig. Ang guwapo talaga niya. At higit sa lahat, papalapit siya sa akin. Parang slow motion sa utak ko ang mga nangyayari. Sinalubong ko siya, at tulad ng dati nang nakagawian, isang mahigpit na yakap, dalawang tapik sa likod — abrazos — ang aming batian.
“Migs!” bati niya.
“Joseph!” ang sagot ko.
Sa wakas, ang katuparan ng aming usapang magkita muli sa New York. Eto na.
(itutuloy)
Possibly Related Posts:
- Abrazos in New York City (2) “Migs, I like you. I like you. I like you.”...
- Abrazos in New York City (3) Back in college, there was this one moment I particularly...
- Abrazos with Joseph Tila ba nagmula sa kawalan ng kalawakan, biglang may nag-text...
- Abrazos with Joseph — in November? Nakakatuwa ang mga bagay na di inaasahan. O kaya, yung...
- Ang manunulat at ang manggagamot Ang sarap siguro ng buhay ng mga manunulat. Sentro na...


Francisco Perestrelo de Matos
Kerwin Yap, Fil-Chi Hunk
Cosmomen Hunkfest


ey migs, hintayin ko ang pagpapatuloy ng kwento mo
eloy at Dec 6, 09 at 11:28 am
asan na part 2?
daliii…
anthony at Dec 7, 09 at 4:58 am
eeee. kinikilig na ko.
babitter at Dec 7, 09 at 7:02 am
sino kaya mahal ni kuya migs? gulo na ko sa dami ng mga love niya. hehehe
markerik at Dec 7, 09 at 2:56 pm