Jan
02

Ang Puso, Nakakatawang Nakakaasar.

Love and Dating, Migs Speaks Entry Feed Trackback

Nakakatawang nakakaasar ang puso. Minsan pakiramdam ko, ang ligalig niya. Di mapakali. May gustong landiin, pero nagpapakamayumi, a la Maria Clara. Ansarap ng pakiramdam. Nakakakilig. Pero sa totoo lang, wala naman talaga yun, kasi di niya alam na gusto ko siya. Hindi niya alam na nung nakilala ko siya, may nakanti siyang damdaming — lingid man sa kanyang kaalaman — naghahanap ng mamahalin.

Balik tayo sa puso kong maligalig. Nakakatuwa, kasi may naitatagong lakas pa pala ang pusong ito. May asim pa, ika nga. Kaya pa pala niyang kiligin, kaya pa pala niyang pasayahin ang sarili niya. Kaya pa rin kaya niyang magpasaya ng iba?

Pero, nakakaasar din ang pusong ito. Bakit? Dahil alam naman niyang desedido na ako. Ayoko ng magmahal. Oo, narinig ninyo yan. Ang plano ko, na sa 2010, okay na ako. Tapos na ako. I’ve gone deep, I’ve embraced love, I’ve dived in, all the way, over my head even, experienced it fully and completely. And so I say, “Alright now, I’m done, I’ve earned my right to detach from that thing called romantic love.” And, you know what? Saying that feels like being realistic. Pero, putcha. Ayan, pumasok na naman si puso. And everything crumbles back to the same old me.

Ang puso nga naman, nakakatawang nakakaasar.

Possibly Related Posts:

  1. Ang manunulat at ang manggagamot Ang sarap siguro ng buhay ng mga manunulat. Sentro na...
  2. Si Carlo, ang half-Japanese kong “muntik na” Matutulog na sana ako. Eh habang ginagawa ko ang aking...
  3. Si Francis (ang ikalawang yugto) Ang nakaraan: [Narito ang kabuuan ng nakaraan.] Ramdam ko ang...
  4. Story of A Love Lost, by Barako Here is a sad story of Barako, a married bisexual...
  5. Si Abel at ang Ped Xing [Here's a contribution by MGG reader Abet.] Aaminin ko, hindi...

11 Comments So Far

  1. totoo…..

    E at Jan 2, 10 at 4:29 pm

  2. natumbok mo, friend!

    dom13 at Jan 2, 10 at 8:30 pm

  3. ay mismo ka dyan!

    keeiko at Jan 3, 10 at 8:09 am

  4. exactly. . bakit nga ba kahit pilitin mong paganahin ang isip mo eh, talagang lalaban si puso? hay. . .

    •alchemist• at Jan 3, 10 at 11:06 am

  5. haaaaay. sometimes i feel like giving up on love pero….. like hello, 19 years old pa lang ako. ahahha. bata pa naman ako di ba? madame pa ko pde iimprove kung sakali? ahaha :D

    i need motivation. haaaay.

    september falsetto at Jan 3, 10 at 7:39 pm

  6. OMG Migs. relate na relate ako. we’re on the same boat.

    paotaichi at Jan 3, 10 at 8:53 pm

  7. L – O – V – E …..Just another word I will never learn to pronounce …… if people only know what im going through as of the moment..argh!!!! Im so stupid!!!

    bam at Jan 6, 10 at 2:45 pm

  8. tama!! ang puso nga naman. .

    lloyd at Jan 9, 10 at 7:19 pm

  9. hayy puso….been loving for a long time, hndi na nadala, andyan iniwan ng luhaan pero nagmamahal pa rin……ganyan lang siguro talaga , ang importante buhay ka pa rin at patuloy ang pgtibok ng puso …kaya keep on loving!!!!!

    ran at Jan 20, 10 at 1:15 pm

  10. hayy.. parang ako. i went home to manila, visited a spa, got a masseurs, ayun, nahulog na si puso ke masseurs.. ( ang cute cute kasi! hihi ) .. then came back to the states, si puchang puso nandoon pa rin sa manila.. eto, mag-isa dito sa u.s, nagdurusa… huhuuhuuu… lintek na puso ito. mali kung tumibok.

    baliw na puso at Feb 20, 10 at 8:53 am

  11. Korak. Everytime na lang that you decide that you’re done and did, basta may isang guy lang na magpakilig sa ‘yo ng bonggang bongga, sabog ang defenses mo.

    (:(

    reimikazuki at Mar 13, 10 at 6:09 pm

Leave your comment

(required)

(required)