Manila Gay Guy
  • facebook

September noon nang una ko siyang makilala. Ding ang pangalan niya, waiter siya sa isang chi-chi restaurant sa Greenbelt. Noong naglakas loob ako na hingin ang number niya, nginitian niya lang ako, akala ko hindi niya ibibigay.

* * *

Naka-ilang text din kami sa isa’t isa nung gabing iyon. Hindi marami. Siguro mga dalawa o tatlong sagutan lang. Nahiya naman ako, naisip ko, pihado naka-prepaid lang si Ding. At dahil Smart ang phone niya, at ako Globe, kahit naka-unli siya, di sakop ng free text yung mga messages niya sa akin.

Wala naman akong plano maging ATM, o Pasa Load expert kaya di ko na rin tinext-text ang waiter. Naisip ko, tama na naibigay niya sa akin ang number niya. Kumbaga, the fun is in the chase. Eh sa nagpahuli agad, kaya game over na.

* * *

Tatlong buwan ang lumipas. Napabisita ako muli sa restaurant nila Ding. Lunch time noon, tanghaling tapat. Siya ulit ang assigned waiter sa table namin. Ngitian lang kami, pero alam kong naalala niya ako.

“Kamusta ka Ding?” bati ko.

“Okay naman sir,” sagot niya, sabay ngiti, yung tila ba may ibig sabihin.

Nag-order kami ng mga kasama ko, kumain, at di nagtagal, umalis. Eat and run baga. Hindi na ako naglandi kay Ding. Alam ko namang walang patutunguhan. At hello, tanghaling tapat. Bawal lumandi kapag may araw pa, conservative ako.

Mga kalahating oras ang lumipas pagkaalis sa resto, nagda-drive na ako pauwi mula sa Greenbelt. Tumunog ang cellphone ko. May nag-text.

Si Ding.

“Sir, break po namin 2 to 6 pm.”

Aba. Nagdalawang isip ako. Babalik ba ako sa Greenbelt? Susunduin ko ba siya? Saan ko siya dadalhin? Apat na oras din yun… Hmmm…

(itutuloy)

Comments (16)

  1. curious! said on 02-07-2012

    @kiko! do mo pa tinutukan din para magka alaman na!hehe..joke..

  2. pj said on 04-03-2011

    :twisted: kakabitin fabricated or not. lets admit it we like it. sir tuloy mo na bukas. cant wait whats gonna happen next. :mrgreen:

  3. miguelhotah said on 04-03-2011

    FABRICATED!!!!! IMBENTO!!!!!!

  4. nyupnyup said on 03-03-2011

    kainis kakabitin naman…….

  5. kiko said on 03-03-2011

    yesterday i went to NSO in East Avenue at around 4 pm. Went to the rest roon to pee, May isang guy na obviously may ginagawa na kakaiba with his tool sa urinal. He smiled to me. Nakakatakot kasi public rest room yun in a government office. Ang lakas ng loob nya :) hehehe…

  6. Zar said on 03-03-2011

    kakabitin!!!!

  7. clark23 said on 03-03-2011

    the waiter is so into you… hahaha :wink:

  8. NONO said on 03-03-2011

    Balikan and tell us what happened.

  9. horcux said on 03-03-2011

    waaaah kabitin naman!!!! :)

  10. secretly_sexy said on 02-03-2011

    I’m hooked to the story again (while at work!) :lol:

  11. singkitnga said on 02-03-2011

    hello migs, curious talaga ako, can you atleast give some details bout the physical you? height, built, looks? hehe…

  12. hivpos27 said on 02-03-2011

    Syet! Kakabitin naman kelan ang next installment? San ba yang restaurant na yan? I’ll visit and check him discreetly naman intriguing waiter!

  13. tubero said on 02-03-2011

    miggy ang galing mo talagang mambitin. hehe. para kang teleserye bukas sa lahat ng gustong manood. excited much for the next epi… kilig kilig :oops:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *