Manila Gay Guy
  • facebook

Hindi ko siya binalikan. Ayoko nang um-effort. Sabi ko nga, jusko, tanghaling tapat, antaas ng araw. Di ako naglalandi hangga’t hindi kumakagat ang dilim ng gabi. Nag-text back naman ako kay Ding.

“Nakaalis na ako ng Greenbelt, pauwi na. Next time na lang Ding.”

Pero di ko talaga alam kung may next time.

* * *

Wala na akong natanggap na reply galing kay Ding mula noong araw na iyon. Hindi na rin ako nag-text. Akala ko, tapos na ang kabanatang Ding sa libro ko. Isang gabi noong sumunod na Pebrero, natuklasang kong isa itong maling akala.

Galing sa opisina, nagyaya ako ng piling mga kaibigan upang sabay-sabay na mag-dinner. Karamihan kasi sa kanila ay galing sa kani-kanilang opisina sa Makati. Yung iba naman galing sa Capoeira practice sa Forbes Park. Kaya napagkayariang sa Greenbelt magkita-kita. Muli, doon sa restaurant nila Ding.

Iba ang waiter na nag-asikaso sa amin noong gabing iyon, pero habang nagkakagulo ang mga beki friends sa menu at sa kung alin ang oorderin, sa pamamagitan ng aking peripheral vision, namataan ko muli si Ding. Si Ding na nakangiti, tila ba may ibig sabihin.

Assigned si Ding sa mga lamesa sa labas. Doon ba sa tinatawag na al fresco. Busy siya sa mga guests doon. Pero nang minsang napadaan siya malapit sa mesa namin sa loob, tinawag ko siya.

“Ding!”

“Sir,” sagot niya, nakangiti kahit na halatang nagmamadali. Itinuro ang mga guest sa labas. Parang sinasabing busy siya.

Mapilit ako. Hindi ko alam kung bakit.

“Ding! Matagal ka na rin dito ah,” sabi ko, may masabi lang.

Huminto siya nang bahagya, napakamot ng ulo.

“Last day ko na sa akinse,” ani nya.

May ilang metro ang layo namin pero para bang nangungusap ang mga mata niyang chinito.

“Endo?”

“Oo.”

“Same pa rin number mo?”

“Ah hindi na, nasira SIM ko eh.”

Ang mga mata ko naman ang nangusap. Sana ibigay niya ulit ang number niya. Pero di ko na nasabi, dahil dali-dali niyang pinulot ang tray niyang puno ng baso at drinks. Palabas siya, halos patakbo, naghihintay ang mga uhaw na guests.

Busy si Ding sa labas, busy rin ako sa loob, sa chikahan galore kasama ang mga beki friends. Hindi puwedeng hindi mahalata ang sandaling usapan namin ni Ding ng mga beking tila buwitreng naghahanap ng mapag-uusapan.

“Malandi ka,” sabi sa akin ng katabi ko.

“Oo naman,” sagot ko, sabay subo ng talong. Ansarap ng pinakbet.

* * *

Natapos ang dinner. Naparami ang kain ko. Busog ako sa pagkain. Busog din sa kuwentuhan. Ah, my friends. Napaka-swerte ko dahil may mga kaibigan akong tulad nila. Bawat pagkikita, busog sa kuwento, busog sa tawa.

Bago lumabas ang grupo, nag-CR ako. Bago ako nakapasok nang tuluyan sa CR, may tumawag ng pansin ko. Isang mabilis na kamay, inabot ang kamay ko, may isinilid na papel. Si Ding, walang sali-salita, nagmamadali pero tulad ng dati, nakangiting tila ba may ibig sabihin.

Eto ang papel:


(Photo: Note saying “091x-xxxxxxx maya pa po 12 labas ko!!”)

* * *

Pumunta ako sa isang kalapit na coffee shop. Hinintay ko siya. Nag-text ako.

“Andito lang ako sa Cafe Breton, nagkakape. Hintayin kita hanggang alas dose.”

Alas dose y medya, siya naman ang nag-text.

“Sa Feb 15 na lang. Last day ko yun dito, 12 din labas ko. Inom tayo.”

(itutuloy)

Comments (20)

  1. KeepsWeighting said on 06-03-2011

    Migs!

  2. istian88 said on 06-03-2011

    the chase isn’t over yet. =)

  3. pj said on 05-03-2011

    grabe akala ko tumulo na ang laway ko sa sobrang excited sa chukchinis na mangyayari. nyahaha 😆

  4. stan said on 05-03-2011

    mga kataong pinoy.. thats what you call the Art of Writing! Even the simplest slice of your life can be written in incredible manner. Peace po.

  5. Zar said on 05-03-2011

    OMG!!! Grabe naman!!! Bitin na bitin na ko!!! 😀

  6. cinnamon_cookie said on 05-03-2011

    ka bitin.. 🙄

  7. jeffrey said on 04-03-2011

    susme…pinatatagal mo pa migs….whether the next installment here will tell us that you and the boytoy will end up in bed or not is already immaterial. you both want it and you both are asking for it. it is really just the details of the main event that is lacking here. hehe. btw, why do i have this nagging thought inside me that says he is a sex for pay guy, a boytoy for hire? let’s see. i have a feeling that after all the cliffhangers and excitement you’ve built in all of us with the 3 installments so far, this will end with a big thud. why? because knowing you and that you are not really the matrona type who pays to have a boy in bed, this ding and his dong apparently has a price tag attached to it. hintayin ang susunod na kabanata.

    • misty said on 05-03-2011

      sige, ikaw na ang psychic

      • jeffrey said on 05-03-2011

        @misty, i really hope that your comment was said not in chagrin and instead meant to add to the amusement because if it was said with a tone of sarcasm, that will really be quite sad. since i know migs naman and how magnanimous he is, i am sure that he will take this with both a grin and a smile.

  8. chimini said on 04-03-2011

    panalo!

  9. mingmeows said on 04-03-2011

    go for gold!

  10. clark23 said on 04-03-2011

    ok na sana eh kaya ang may mga nagcocomment putting the name of oh God in Vain. such (oh my “God” and “Jeeesus”). 🙄 pede namang ibang expression such oh my Gosh or Gee… Sencia na po sa comment ko napansin ko lng. Migs patagalin mo pa, very interesting to read as always..

    • NONO said on 04-03-2011

      I’m sorry if it offend your firm belief in God, but have you heard of freedom of expression/speech? If MGG will censure my post I will be okay with it, but you…..go to hell!!!!!

      • eric said on 05-03-2011

        i agree with clark 23 — dont include na God`s name and it is not about freedom of expression, and also I am not offended , i just find it inappropriate —-it is about the topic— the topic is boytoy/ sex/man to man sex-

        if the topic is the fate of pinoy who crushed sa earthquake sa new zealand/ or pinoy trapped in libya, or isang taong na holdap and di pinatay and if one tested negative for hiv despite all the kamanyakan — yes we should say thank God we are safe

        but i believe after sucking a dick , one should just say — naku nakaisa na naman ako, pandagdag sa list ng sexcapades ko, siguro naman napagod na ang bibig natin and shutting will give our mouth a rest

        actually me isang blogsite na mahilig gumawa nyan , i mean using God name after every encounter, just cannot understand why

      • clark23 said on 07-03-2011

        @ eric, thanks for further explanation,i really appreciate that were having the same priniciple when it comes to what we believe right self expression at the right time, place and topic. I just dont want to argue with close minded individuals saying “sorry” then later on bad mouthing such “go to hell”. anyways as what Migs always says “World Peace” to everyone. 😉

  11. NONO said on 04-03-2011

    Ano ba naman yan. Will it ever end, will you guys ever connect, will you ever go to bed with him, will there be a happy ending? JEEESUS let us get off the cliffhanger.

  12. tubero said on 04-03-2011

    O-M-G!!! I know it! 😀

  13. blue dove said on 04-03-2011

    oh my God!!!! really now…

Leave a Reply to tubero Cancel reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *