Manila Gay Guy
  • facebook

Mabilis ang biyahe namin mula Manila hanggang Quezon. Bago pumasyal, ibinaba muna namin ang mga dala niyang gamit sa bahay nila. Malalaki ang dala niyang bag. Punumpuno ng gamit. Tila ba hindi na babalik ng Maynila si Ding. Na-sad naman ako.

Sa unang pagtuntong pa lamang ng bahay nila Ding nagulat na ako. Napakalaki ng bahay nila. Tarangkahan pa lang, aba, malapad, matangkad, at di biro, bahay pang-mayaman. Pagbukas nito, tumambad sa akin ang isang napakalaking, konkretong bahay.

“Bahay pahingahan ng ninong nina Mama yan. Taga-maynila talaga sila. Doon kami sa maliit na bahay sa likod.” Napansin yata ni Ding ang pagkagulat ko, kaya may explanation siya agad.

Ipinakilala ako ni Ding sa mga kapatid niya. Pati sa Mama niya. “Wala pa si Papa, nasa trabaho pa.”

Magiliw ang nanay ni Ding sa akin, tipikal na maasikaso sa bisita. “Migs, magpahinga muna kayo ni Ding dito sa bahay, malayo pa ang ibinyahe ninyo.”

Tumanggi si Ding. Hapon na kasi, gusto niyang maipasyal ako bago kumagat ang dilim. Ngiti lang ang isinagot ko sa nanay niya, sabay paalam. “Sige po, salamat po, mauna na po muna kami.”

* * *

Dinala ako ni Ding sa isang simbahan, sa may paanan ng bundok. Malamig doon. Panay ang kuha ko ng litrato. Maganda ang tanawin, lalo na kapag kasama si Ding sa picture. Golden hour iyon kung tawagin, maganda ang tama ng ilaw sa kayumangging kaligatang kutis ni Ding. Kung sisipatin mo nang mabuti ang balat niya, hindi mo aakalaing waiter si Ding.

Tuwang-tuwa si Ding nang maabot namin ang paanan ng hagdang napakatarik, papunta sa isang rebulto na nakatirik sa kalagitnaan ng bundok. Nauuna siyang halos tumatakbo paitaas. Sumusunod lang ako, humihingal. Hindi ko alam kung hinihingal ako dahil sa pagod, o dahil sa matambok na puwet niyang bakat na bakat sa aming pag-akyat. Minsang nabati ko ang tambok na iyon, natawa lang si Ding sabay pilyong-pilyong tinapik ang umbok at sabi, “pang-model yata ito!”

* * *

Naghapunan kami sa may karatig pook mula sa simbahan. Sa isang palaisdaang ginawang restaurant. Masarap ang pagkain, at napakamura. Di ko malimutan ang linamnam ng inihaw na tilapia na siyang niluto muli sa gata. Di ko rin malimutan ang paanyaya ni Ding matapos ang hapunan. “Ansarap mong kakuwentuhan, Migs. Tara, inom muna tayo bago umuwi.” Una, masarap daw ako. Pangalawa, iinom kami. Pangatlo, at pinaka-importante, iuuwi niya ako.

* * *

Maingay ang tugtog ng banda kung saan kami napadpad ni Ding. Dati raw siyang waiter doon bago siya tumungo ng Maynila para mag-waiter naman sa Greenbelt. Hindi namin ininda ang nakabubulahaw na tugtog, kuwentuhan kami ng kuwentuhan. Minsan, di namin napansin, tinatawag na pala ako ng vocalist ng banda. Ang cute ko raw, announce niya sa mic. Eh di lalo kong itinodo ang pagpapa-cute. Isip ko, isang ngiti ka lang, vocalist; kaso mo, babae siya. Yay. Nakakangilo ng ngipin. Balik kuwentuhan kami ni Ding.

Nang naka-dalawang bucket na kami ng Red Horse, nagkalakas ako ng loob magtanong kay Ding.

“Siguro marami ang kumukuha ng number mo doon sa restaurant sa Greenbelt no?”

Napangiti si Ding, tila may ibig sabihin. “Marami nga,” sagot niya, parang nahihiya na hindi.

“Ah talaga? Kamusta naman sila? Naging kaibigan mo rin?” siyempre patay malisya ako.

“Hindi. Nginingitian ko lang sila kapag hinihingi nila number ko. Ayoko nga.”

“Sus. Eh bakit sa akin, ibinigay mo?” tanong ko, aminado ako, may halong kaba sa isasagot niya.

“Ewan ko nga ba. Hindi ko alam kung bakit.”

“Weh. Huwag mo nga akong niloloko. Ano nga!?” pilit ko sa kanya. Parang kolehiyala lang.

“Hindi nga ako nagbibigay ng number. Sa iyo ko lang ibinigay, at hindi ko alam kung bakit.”

Minsan lang ako nauubusan ng sagot. Isa yun sa pagkakataong wala akong masabi.

* * *

Langong-lango kami ni Ding bago kami lumisan sa lugar na iyon. Bumaba kami sa kotse, nagpahinga ng mga labinlimang minuto sa loob ng kotse bago lumarga pauwi. May nangyari noon sa loob ng labinlimang minuto. (Mamaya ko na sasabihin, huwag atat.) Ni hindi ko alam paano ko nai-drive ang sasakyan ko pabalik ng bahay nila. Ang naalala ko na lang, pagdating namin sa kanila, pinagbuksan kami ng Mama at Papa niya ng tarangkahan. Pinatuloy sa garahe ang kotse ko. Pinapunta sa kuwarto sa malaking bahay. Nagsuka pa ako sa banyo bago tuluyang humiga sa kama.

Bago ako nawalan ng ulirat at tuluyang natulog sa pagkalasing, naramdaman kong tinabihan ako ni Ding sa kama.

* * *

Ginising ako ng sikat ng araw. Wala na sa tabi ko si Ding. Lumabas ako ng kuwarto, naghilamos sa banyo. Paglabas ko, sinalubong ako ng mama ni Ding.

“Migs, good morning! Halika na dito, mag-almusal ka na,” paanyaya niya. Umuusok pa ang sinangag sa mesa.

“Sige po, salamat po. Nasaan ho si Ding?” tanong ko.

Sa puntong ito, nakasalampak na sa semento ang mama ni Ding, nag-aayos ng mga saging na saba, isinisilid sa sako. “Ah, maaga nagising si Ding. Ayun nasa garahe, hinuhugasan ang sasakyan mo.”

Hindi na yata ako nakapagpaalam sa kanya, humangos ako patungo ng garahe at naroon nga si Ding, basang-basa, bina-brush ang gulong ng kotse ko.

Tumingala pabaling sa akin si Ding, at ayun na naman, ang kanyang ngiti. Ngiting gamit ang kanyang mapupulang labi. Mapupulang labi, malalambot na labi, na siyang, ilang minuto bago kami umuwi nung lumipas na gabing iyon, ay matamis kong natikman. Iyon pala ang napakasarap na ibig sabihin ng ngiting galing kay Ding.

Comments (46)

  1. jelo said on 05-04-2012

    diskarte ko din un ha

  2. jeox said on 31-01-2012

    ehehehheeee…. just enjoy the story guys!!

    peace..

  3. marco villena said on 15-10-2011

    Miguel you are right !! mga beki magaling mangimbento at bigyan kulay maski exchange lang ng phone naging story of your life na lol.
    mas beleive pa ako if you said the first time that mayroon na nagyari!! bakla what happened after metrowalk inuman?? did you go separate ways?? if i am editing your story palpak naman.

  4. whenkie said on 09-08-2011

    ..nice!!! lurve it!

  5. al said on 23-07-2011

    WoW, this is nice! This is what i called romance. Enough to trigger the curios mind, and fill the heart with gladness… wishing this could happen to me also!

  6. jelmaruo said on 09-07-2011

    matagal n rn aqng laging nagba2sa ng mga post d2 and its my ist tym to post a c0mment c0z naintriga tlga aq..jeje.. As in ang sweet! Ka2loka!.

  7. B said on 08-07-2011

    im soooooooooooooooo kilig! hinahampas ko pa ang desk ko!!! Aaaaakkkk!!!!

  8. MG said on 01-04-2011

    Migs, grabe.. I keep checking your site for this entry’s continuation.. ahahhaa! Excited ako sobra!! Hahaaha!

  9. red_ said on 30-03-2011

    kelan ba ang kasunod nito?? sinusubaybayan ko to eh… hehe.. 🙂

  10. jrryyn said on 25-03-2011

    haha so romantic.. Grotto ng LUCBAN pala kayo nagpunta ha, Migz.. with matching Palaisdaan Resto pa.. kainggit nman!
    i can’t wait for the next parts of the story..

  11. Male Exposition said on 24-03-2011

    Ive been following this story for quite sometime, and so far… I’m loving it!
    This is one of the many reasons why I so LOve MGG!

  12. weng said on 22-03-2011

    I was anticipating for a great 15 minutes thingy in the story.. whew! Nabitin ako.. I want to read the Part 6 of the story! Please miggs!

  13. weng said on 22-03-2011

    I was reading fast to see if there was the 15 minute thingy part.. whew… wala! naku.. binibitin mo kame miggs! bilis na… I need to read the part 6!

  14. boy_semikal said on 21-03-2011

    aw. Yun nga lang ba migs? Baka meron ka pang di nakwento. M0re! Heheh. By the way, place namin yung nasa story mo. The kamay ni hesus at ang kamayan sa palaisdaan – lucban, quezon.

  15. jeh said on 21-03-2011

    wala pa bang part 6,7,8….?

  16. lienyle said on 20-03-2011

    😛 luv et!!!

  17. lienyle said on 20-03-2011

    😛 luv et!!! kakatuwa ang mga comments…

  18. mulciber said on 20-03-2011

    sa lucban yata yan…kamay ni hesus ang pinuntahan nyo migs…

  19. miguelhotah said on 19-03-2011

    PWE!!! IMBENTO! PARA KANG C CRISTY FERMIN AT SHALALA! BAKLA KA NGA TALAGA

    • stan said on 21-03-2011

      if you are such a brainy one why couldn’t you have enrolled and studied in a better school, raise a better self and not come in this blog site? take a hike and smell some coffee, you jerk!

      • J said on 27-03-2011

        simply because it was made to appear from the start that this story was authentic – that it actually happened (that drew your curiosity, didn’t it?). and indeed, the first few installments conveyed that authenticity (again, driving curiosity deeper). however, this last installment did not seem to convey the same genuineness the previous posts had (hence creating doubt in some minds regarding the authenticity of the story). i think miguel’s disappointment stems from the feeling that he was “deceived” (knowingly or unknowingly) into believing it was real all along. i feel the same way. if you’re going to argue that it was never stated to be a real-life story to begin with, i will point out that it was implied and was never addressed to be a work of fiction at all.

        and please, don’t belittle other people because you can type in straight english… miguel may also be at fault but ang pumapatol sa gago, MAS gago.

      • stan said on 29-03-2011

        Spare me your sequenced thoughts..come on bro.. I will take your last remark with a grain of salt. Perhaps, sticking it where the sun don’t shine? Dig it! Peace broddah!

    • NONO said on 23-03-2011

      hija miguel…..one of the g’s of MGG is GAY, talaga ngang bakla si MIGGS ok. Why did you waste your precious time reading the story anyway? Tanong ko lang, PEACE..

  20. Red_ said on 19-03-2011

    gumaganda na ang kwento …. actually, nakakainggit na at this point.. hehe.. kelan ang kasunod na kabanata??

  21. marco said on 19-03-2011

    wow! i really like this! ung pagkagising sabay tanong nasaan si ding? tapos aabutan mo cinacarwash na sasakyan mo, ang sweet na nakakatunaw kasi nakakahiya!

  22. tubero said on 19-03-2011

    di ba mas maganda kung may sense of mystery kung saan naglalaro ang ating mga imahinasyon. I guess tama lang ang pagkekwento, basta alam natin there’s ‘something’ that happened. curious lang ako, ano nga ba ang ending? still together or it just ended like a fling unable to sustain the passion?

  23. Malditang Pangit na Tranella said on 19-03-2011

    hindi naman, kwentong tipikal na bading na me kaya sa buhay na gusto ng lalaki, parang kwento ng sang kabadingan, pero i agree, pang tranella at shoki yung theme, nakaka relate ako

    sa blogger keep it up, maganda pala dito, naiintindihan ko na ang trip ng mga kapatid nating panhinta dahil sa blog na to,

  24. teytey30 said on 19-03-2011

    un lng ngiti at tikman ang labi…ehehehe migs naman oh…..

  25. bluehballs said on 18-03-2011

    La kwenta…kala ko may chukchakan n….

  26. Man of the Rose said on 18-03-2011

    halik lang??? naku migs, for sure: “KISS-SABAY-HUG” ang totoong nangyari…aminin! =)

  27. Ryan said on 18-03-2011

    i love the way you tell the story Migs

  28. cieloismycodename said on 18-03-2011

    iners!!!! napaka swerte mo naman. naks! love your story!

  29. MrCens said on 18-03-2011

    sana maging indie film toh, lol! hmmm… ano kayang magandang title?

  30. brndn said on 18-03-2011

    ikaw na ang maganda! haha

  31. taekopenk said on 18-03-2011

    sana bawat kuento mo may picture ng tite.. lol

  32. JhonYu said on 18-03-2011

    wooot wooot, miss my friends in lucban….saya basahin… napapangisi at ngiti aq…. ^^,

  33. ponkan said on 17-03-2011

    eto ang 2nd time na magcomment ako sa blog, ang 1st kay tristan sa tristantales. sinubaybayan ko to mula umpisa. sulit naman ang pagbabasa! salamat migs. 🙂

  34. Joel said on 17-03-2011

    Ampangit, pang matronang bakla ang kwento…hay,

  35. jc said on 17-03-2011

    simbahan, sa may paanan ng bundok… —> lucban??
    hagdang napakatarik, papunta sa isang rebulto … –> kamay ni hesus?
    palaisdaang ginawang restaurant—> kamayan sa palaisdaan?/

    ganda nung kwento kaya lang bitin.. 😛

  36. Khiexl said on 17-03-2011

    Migs, nagagawi rin ako sa magandang bayan na iyan sa Quezon – at ni minsan ay hindi ako umuwing luhaan. Kaya huwag na huwag mong sasabihin na natapos ang kwento sa isang matamis na halik lamang. Kapag ipinagpilitan mong hanggang duon lamang ang nangyari, sasabunutan kita mula itaas hanggang ibaba!

    • migs said on 17-03-2011

      Dear Khiexl, ang masasabi ko lang diyan ay: PALAKPAKAAAAAANNN! 😉

      • jeffrey said on 17-03-2011

        hahaha! yup, been there myself. and yes, masarap nga yung tilapia na bagong huli pa galing sa palaisdaan. may resthouse dun sa may resort sa malapit sa kamay ni hesus si tito dougs quijano. halos weekly andun siya kasama sila *toot* bago siya namatay. and yes, very conducive to memorable encounters. hahaha! pilyo ka talaga migs! 😉

      • Khiexl said on 19-03-2011

        Palakpakan ka jan! I’m sure may ibang pumalakpak bukod sa mga kamay mo that night. Maldita!

  37. Zar said on 17-03-2011

    Kiss lang ba migs or there’s more than that? kakabitin naman! 😀

  38. jeff said on 17-03-2011

    is that the end of the story Migs? I like the story pero bitin siya… i though may mga other details pa na nangyayari.

  39. j said on 17-03-2011

    😆 l like it

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *