Manila Gay Guy
  • facebook

Dear Migs,

Di ko alam kung pano ko sisimulan ang kwento ko. May kahabaan kasi pero ilalahad ko na lang ang mga importanteng bagay upang maunawaan ng iyong mga tagasubaybay kung ano ang pinagdaraanan ko ngayon. Ako nga pala si Ibrahim isang discreet at OFW, 3 taon na nagta-trabaho sa Qatar bilang isang male nurse sa isang construction company.

Nagsimulang maging komplikado ang buhay ko dito sa Qatar nung nakilala ko si Sajid, isang Pakistani na nagtatrabaho din sa company na pinapasukan ko. Bilang isang male nurse, trabaho ko na mag monitor ng kung anumang emergency sa accommodation camp kung saan mayroong 900 staff and laborers na nakatira. Medyo malayo ang camp sa city, kaya kung tutuusin para akong nakakulong sa camp 24/7.

Unang kita ko pa lang kay Sajid ay nabighani na ako dahil sa ganda ng kanyang mata at matipunong tindig. Hindi naman ako nag-ilusyon na makipag-kaibigan sa ibang mga lahi dahil focused naman ako sa mga kasamahan kong Pilipino sa camp. Madalas tumatambay ako kasama ang mga Pinoy para mag-inuman (dahil yun ang madalas naming past time, sabi nga nila malamang kung walang alak eh lahat kami ay baliw na sa sobrang lungkot).

Ngunit napapadalas na ang bisita ni Sajid sa clinic kahit wala naman syang nararamdaman. Sabi nya masaya daw sya tuwing nakikita ako. Hanggang sa isang araw napansin ko na araw-araw na syang dumadalaw sa clinic para makipag-kwentuhan.

Nung una, alam ko na sexual attraction lang talaga ang nararamdaman ko sa kanya. Naiimagine ko parati kung papaano kaya kung magtalik kami? Gano kaya kalaki ang ari nya? Masarap kaya?

Hanggang isang gabi (nakainom ako ng alak) kumatok sya sa aking kwarto. Pinapasok ko naman sya at iba ang pakiramdam ko noong gabi na iyon. Alam ko sa sarili ko na mayroong mangyayari. Sa una kunwari ay nakikinig ako sa mga ikinukwento nya dahil busy ako sa pag figure out kung paano ako makaka-score. Hanggang sa binanggit nya na may karanasan na sya sa isang Pilipinong bading na nagtatrabaho din sa camp (na nagresign na nung dumating ako sa camp). Sabi nya 3 beses daw may nangyari sa kanila at nag enjoy daw sya. Uminit ang tenga ko sa taas ng libido ko. Binigyan nya ako ng hope. Eto na, sabi ko, may mangyayari na. At ang naalala ko na lang na sumunod na pangyayari ay hinipuan ko na sya at isinubo ang kanya, hanggang sa sya ay matapos.

Simula noon ay naging madalas na ang ganitong encounter. Sa una, dadaanan nya ako sa bahay ko tapos maglalakad kami sa tindahan, bibili ng inumin, kwentuhan, tawanan at pagkauwi sa bahay nya, may mangyayari na namang subuan. Pero one way lang, hahayaan nya lang na laruin ko sya hanggang matapos sya at ako naman pupunta lang sa CR para magsariling sikap. Hanggang isang araw sinubukan na nya akong i-bottom.

Pagkaraan ng apat na buwan ay halos mag-bf na talaga ang relationship namin at dumating na ako sa punto na na-fall in love na ako sa kanya at lumipat na ako sa bahay nya para matulog pagka gabi. Alam ko na hindi dapat ako nag-invest ng feelings sa kanya. Dahil unang una, bawal sa amin mga Muslim ang ganitong relationship. Simula nung nagconvert ako sa Islam, na-develop na sakin yung idea na ang man to man relationship ay isang kasalanan. Pangalawa, si Sajid ay isang straight at nung time na yon ay meron syang girlfriend sa Pakistan.

Kala ko nung una baka confused lang sya at ayaw nya lang tanggapin sa sarili nya na bi sya or something. Pero nung nakabisado ko na ang culture ng mga Pakistani lalo na sa mga province, nalaman ko na tolerated ang sexual activities kahit sa mga magpipinsan na lalaki. Dahil nga strict Muslim sila, bawal makipag girlfriend ang mga kabataan sa kanila. Kaya kadalasan nagrerelease sila ng sexual desires sa kapwa lalaki. Sa Pakistan, wala silang idea ng bisexual or closet. Sa kanila, ang bading lang ay yung tinatawag nilang Hijra, yun ang mga transvestite na nagbibihis babae at karamihan sa mga ito ay mga prostitute. Other than that, wala ng bading. Yun lang.

Malamang kaya ako na-inlove dahil in-allow ko sya na i-bottom nya ako. Di naman kasi ako nagpapa-bottom kung hindi ko mahal ang isang tao. Kaya nga naiinggit ako sa mga kaibigan ko dito sa Qatar na kaya nilang paghiwalayin ang feelings at sex. May mga kaibigan kasi ako na nakikipag sex lang sa mga lahi katulad ni Sajid. At alam nila na pag na-inlove ka sa kanila, ikaw ang talo dahil sex lang ang habol nila sa mga kawawang bading na Pilipino.

Migs, maraming beses na akong umiwas sa kanya. Lalo na kapag nagseselos ako sa girlfriend nya. Pero tuwing umiiwas ako ay nagmamakaawa sya at umiiyak. Ito kasi ang weakness ko. Kahit galit ako sa tao kapag nakikita kong lumuluha sa harapan ko, di ko kayang tiisin. Maawain siguro talaga akong tao. Tuwing nag-aattempt akong umiwas sa kanya, magso-sorry sya, iiyak at hahalikan ako at minsan kapag talagang matigas na ang puso ko, isusubo nya ang ari ko para i-prove nya na mahal nya ako. Isa itong strategy nya, pero ni minsan di nya ginagawa sa kama voluntarily dahil madalas hanggang kiss lang sya labi (na alam ko namang napipilitan lang) tapos nun i-bottom nya ako agad.

Minsan sinasabihan nya ako ng “I love you” lalo na kapag galit ako. Alam ko namang napaka-hollow lang para sa kanya sabihin yun sakin. Alam ko namang di sincere ang pagsabi nya sakin nun.

Minsan di ko na alam ang gagawin ko. Iniisip kong i-mindset na maging sexual na lang ang lahat saming dalawa para di ako masaktan dahil nga biguan naman ako sa mga iwas attempts ko. Tutal nag-eenjoy naman ako na makipag sex sa kanya sige try ko na lang na walang feelings. Pero di ko talaga kaya, mahal ko na talaga sya at minsan natatanto ko na lang na nag-iilusyon ako na magiging magkasama kami ng matagal na parang boyfriend talaga.

Natapos ang pag-iisip ko kung straight ba talaga sya or hindi. Dahil naiwan nyang nakabukas ang laptop nya, nakita ko ang mga messages nya sa FB na nakikipag flirt sya sa mga babae. Lahat ng porn files nya ay pang heterosexual. Lahat ng mga porn pictures nya mga babae din na nakabuyangyang. So naisip ko na isa syang MSM man who have sex with men, at hindi ko alam na dati na may ganun pala talagang mga lalake.

Ngayon, nagdecide na ako na mag move out. Kasi magkasama kami sa isang kwarto. Yun din siguro ang isang dahilan kung bakit hindi ako maka-alis or maka-iwas sa kanya.

Tinanong ko sya, “What do you want from me?”

Sagot nya parati “Friendship. You are like a brother to me.”

Sabi ko, “Brothers dont fuck each other. Do you fuck your brother?”

Di na sya magsasalita.

Migs, siguro kahit friendship di ko na kayang i-offer sa kanya dahil mahuhulog at mahuhulog lang din ako sa kanya. Gusto kong umiwas pero lagi akong bigo lalo na kung iiyak sya sa harapan ko at sasabihan nya ako ng “I Love You.” Minsan na akong naniwalang mahal nya ako dahil sa effort nya na magmakaawa tuwing iiwas ako sa kanya. Pero parang niloloko na lang nya ako. Pakiramdam ko he just wants me to stay para meron syang matira sa gabi.

Ano ba ang dapat kong gawin Migs? Paano ba ako tuluyan makakaiwas sa kanya. Ayaw nya kasi akong i-let go. Parang ang selfish nya, Migs. Alam nya kasi ang kahinaan ko. Gusto ko na itong matapos para hindi na ako masaktan. Gusto kong i-keep yung friendship pero pag ginawa ko yun babalik na naman ako sa square one.

Sa mga makakabasa nito, sana ay matulungan nyo ako. Maraming salamat sa inyong time sa pagbabasa.

Regards,

Ibrahim

* * *

Dear Ibrahim,

Hindi madali ang katayuan mo. Ramdam ko na nag-uurong-sulong ka, at hindi naman katakataka. Mahal mo na nga yata si Sajid. At dahil mahal mo siya, kusang pumapaimbulog ang takot sa posibilidad na mawala siya sa kalaunan.

Pero nakakalito ‘no? Dahil mahal mo siya, takot kang mawala siya dahil masasaktan ka nang husto. Pero ngayon, gusto mong iwasan siya, unahan ang panahon at i-wala na siya ng tuluyan upang matapos na ang lahat, masaktan ka man.

Anuman ang mangyayari, saan mang anggulo mo tingnan, masasaktan ka. Parang ampangit di ba? Pangit kasi naka-focus tayo sa takot at sakit.

Paano kaya kung ang tingnan mo ay iyong mga kasiyahang nadudulot sa iyo ng iyong pakikipagkaibigan kay Sajid? Yung mga masasayang moments ninyo. Hindi man natin maiwasan ang drama, bakit hindi palawakin ang mga moments ng kasiyahan? Maximize mo kaya? Paano – ikaw siguro ang makakapagsabi kung paano. Pero kung tatanggapin natin na ang sakit ay kasama sa lahok ng buhay, eh di huwag na itong katakutan. Bagkus, tingnan paano mas palawigin ang kasiyahan sa gitna ng patak-patak na pasakit.

Sabi nga ng isang kanta, “The price of love is loss, but still we pay. We love anyway.”

Tama?

At eto pa ang isa, marahil makaka-relate ka rin dito, aking Facebook status nung nakaraang araw:

“Whatever happens in the future, wherever this thing we have now will lead us, here, there, anywhere, or even nowhere, nothing will change the deliciousness of this moment.”

Agree?

At kung sakali, sa pagdating ng panahong lalayag na palayo ang iyong Sajid, isipin mo na lang itong mga katagang ito:

“Don’t cry because it ended. Smile because it happened.”

Sending you light and love! World Peace!

Migs

Comments (44)

  1. clyde moreno said on 25-06-2015

    pareho lang tayo sa nararamdaman ako ren nahihrapan at hind ko alam ang gagawin ko at subrang natatakot ako sa mangyayari minsan sinisisi ko si lord kong bakit pa ako nilikhang lalaki kung magkakagusto lang ako sa bakla hhaaaayyyy sana hindi nalang ako nabuhayyy hindi ko gusto ang ginagawa ko pero katawan ko yung gumagalaw at nawawala ako sa sarili ko..kailangan ko ng tulong my # 09262506614

  2. ashley said on 29-01-2012

    ask ko lang panu kung girl na naman ang magkagusto sa isang gay???? anong gagawin mo?? help naman kasi nde ko rin maintidhan ang sarili ko.. masaya ako kapag kasama ko sya sa inuman tapos lagi xiang pumapasok sa isip ko…. alam ko naman na lalaki ang gusto nia.. nakakawindang naaaaaa……

  3. marcuz1 said on 17-06-2011

    let him go..
    simple lang yan, wag mong yaang saktan mo ang sarili mo dahil sa mga taong tulad nya.. wag mong haaang gamitin nya ang kahinaan mo upang makuha nya ang gusot nya.. You have thepower kung pano baguhin ang nararamdaman mo sa kanya.. MOVE forward, isipin mo na ginagamit ka nya.. yon na!!

    peace

  4. Ibrahim said on 30-05-2011

    Hi guys,

    I have finally moved to Dubai and I am currently waiting for my Visa. I still feel a little pain in my heart. Its not easy to leave someone you have been attached to for almost 2 years. Pero sabi nga ni Kabul Gay Guy “WAG MAG INARTE”

    This line has been helpful and it has become my my reality check mantra>

  5. mike said on 29-05-2011

    hi, your story is very interesting, all i can advise is focus on your work, go with your other friends, talk to your co-workers, just make your self busy….i know its hard to move on…but i think, this is the best way….let him go,,,,in your heart and mind………….

  6. mike vera said on 25-04-2011

    you’ll know na nakamove_on ka na, if sa kabila ng lahat. you’ll wish that someone the best of everything in life…

  7. v said on 25-04-2011

    did not reply to his text messages. did not answer when he calls. then later, deleted his number from my phonebook. that way, should panic set in and i get the pangs to send him a smiley or a hi, i would have no way of doing so. he still texts and has called a few times. but seeing just a number there and not a name has made a big difference in my initial reaction when checking my phone. i think i know him well enough to know that it is him sending messages. but when they do come in, i deleted it right away.

    madali? ‘tang ina. ang hirap. double ‘tang ina. kasi ang hirap bumitaw. pero the further you get from the last time you two saw each other, mas dumadali than the day before.

    i’m just waiting for that morning when i wake up and not think of him at all. kasi, when i check my phone, i still do look forward to reading a ‘hi’ from him even if i would almost automatically delete that ‘hi’.

    am getting there.

  8. oxana said on 23-04-2011

    just read this letter..
    and I can relate to this,ganito ang pinagdaanan ko with a friend this Holy Week.

    it is painful to let go,
    yet too painful to cling on the friendship without expecting or hoping something in return,
    but I guess,it is right to let go.

  9. erosxeris said on 19-04-2011

    I had been in the same situation as you Ibrahim, but not in a way where bodily juices are involved 😯 but still as emotionaly tormenting as what you are in now. Considering that I’m in a state of balance again, i guess you can say that what I did somehow led to my recovery. Be callous, in all aspects if possible. Yeah, this approach may seem hard to digest but bear with it for a couple of days, sooner or later you’ll get over him. You must tell your mind that he will never look at you the same way that you do towards him. You must be ascetic about this feeling, voice it out if you must. Should you decide to transfer to another company, don’t do it half-heartedly because of him, instead do it unfalteringly thinking about maintainining your sanity in a land already bereft of familiar loving faces from home. It’s not enough to lose yourself for someone who fulfills your carnal desires but not the desires of your heart because in the end, it will still be yourself who will walk you to whichever path you wish to trudge into. On a lighter tone, at least may makukuwento ka sa mga badingerzie mong friends dito sa atin na minsan ka nang nasabihan ng ‘I love you’ng isang Pakistaning Adonis. LOL!! 😆

  10. jake said on 16-04-2011

    wow ganda ng advice mo migs. tama “Don’t cry because it ended. Smile because it happened.” namnamin mo nalang ang ngyn at hwg mong isipin ang hinaharap. deal the future when you are there already.

  11. Red_ said on 15-04-2011

    Short but simple: “Don’t cry because it ended. Smile because it happened.”

    Don’t wait for him to leave, stop it ASAP while you still have your sanity intact. Because if you continue doing what you do, in the end it will haunt you and will leave you awake all night kahit nasa Pilipinas ka na. Once in a while oo nabubulag tayo ng sarili nating wants that we tend to make our own reflective wall that only sees what we desire, pero dapat alam natin kung ano na yung binibigay natin for love. Hindi selfish ang minsan naman eh mahalin mo ang sarili mo.

    • Ibrahim said on 18-04-2011

      hi red,

      thanks for the advice. At this point in time, what I really needed are reassuring words from you guys. reading your response and comments makes me feel better.

      Im still here in Qatar, hoping that I could transfer to another company, with that move, I could finally isolate myself from him.

      • Red_ said on 21-04-2011

        Ibrahim,

        Nakakatuwang malaman na nakakatulong kami sa’yo sa pinagdadaanan mo ngayon. Just always remember that there is a community here in MGG that will be there for you whenever you need a friend. Cheers! 🙂

  12. Ricky said on 14-04-2011

    Follow your heart para dika magsisi sa huli.

  13. Cruiser Dude said on 14-04-2011

    Kaya nga as much as possible I don’t get myself involve falling in love here. I am working in a cruise ship and it’s really a struggle if you fall for a guy here. It’s better to be discreet and careful. Kaya mo ‘yan, sa una lang ang sakit, pagkatapos magiging okay ka na.

  14. lyka said on 13-04-2011

    teh kong ako sayo wag mona cia hiwalayan..sulitin mo nalang time na andyan cia sau at magkasama kau..way kana maghanap ng iba..wala kang matres dai…hehehee

  15. demon said on 10-04-2011

    I’ve been in the same situation though Pilipino sya. Nabasa ko na dati to dito na sabi nga e, kung masaya ka ienjoy mo lang, do not overthink on what is happening to you, basta savor the moment. Pero di pa rin e, mahirap magpretend na okay lang sayo, na alam mong di nya maibabalik ang kaya mong ibigay sa kanya. Tama, maeenjoy natin yung sandaling yun, pero sandali lang. Paano naman ang puso natin na naghahanap ng pangmatagalan. Di mo naman magagawa na habang ineenjoy nyo ang mga moment na magkasama kayo e unti unti mo syang nakakalimutan. Bagkus e lalo lang naghahangad at umaasa ang puso mo na magbabago ang isip at damdamin nya. Ang ginawa ko sa akin, Acceptance. Tinanggap ko na sa sarili ko na wala talaga. Kaya nagawa ko yung sinabi nila na, “smile because it happened” (i cried kaya di ko sinama) at tumingin na ko sa iba. There are so many fish in the ocean, bakit ko pipiliting hulihin ang isdang ayaw magpahuli.

  16. pacer150 said on 10-04-2011

    mahirap mainlove sa mga pakistanis..none of them will admit that they are gay..because of their culture and stuff, walang patutunguhan relationship niyo (if you can call it relationship)..yes, masarap sila at gwapo (maliban sa amoy pero who cares)..if you are dreaming of a LTR with sajid, i’m sorry but it will just be a dream…walang patutunguhan yan..kung kaya mo na i separate ang feelings mo (which is mahirap), then do it..i enjoy mo na lang ang sex..pero kung hindi naman, then iwasan mo na and tell him that you love him but you are sure you will just be hurt in the end so it would be better to stop it now..madali kang makakamove on..andaming lalaki dyan…sa mid east pa..basta kung type mo mga arabs and south asians like sajid, wag kang aasa ng same love na gaya ng kaya mong ibigay…good luck

  17. Philip said on 09-04-2011

    true enough, what migs said. natural na kasi sa’ting mga pinoy yung invested ang feelings sa lahat ng ginagawa. hindi na talaga natin maiiwasan yun at minsan mabuti na nga yung ganoon. ang mali eh yung pagiging fixated natin sa kung ano ang negative. that, plus our nature to always think of the future and the past and not being able to focus on the present. palagi nating isinasama yung kung ano yung nangyari na at yung kung anong gusto nating mangyari. this is wrong. wrong kasi dapat bigyang priority ang present. like, sa situation mo aaminin ko kung ako ikaw eh ganyan din siguro first reaction ko. gugustuhin ko nang tapusin lahat para hindi na ako maguluhan. yun ang plan A na talagang mas makakabuti. eh ang kaso, you guys can’t avoid being in a close proximity. like, hello, magkatrabaho kayo so no way na malalayuan mo siya altogether. that reason is what will make me go for plan B. and plan B is to just go with the flow. wag ka magpadala sa kung ano ang mangyayari sa future. basta ang alam mo, sayo siya sa ngayon. at umaarte naman siyang sayo nga siya kasi kung hindi edi sana sa iba na siya tumatakbo para makipagtalik diba? kahit sabihin nating may girlfriend siya o normal yan sa kanila or anything else na magpapaisip sayo na wala kayong pag-asa, wag mo intindihin yon. hello. sino ba kasama niya araw-araw? kanino ba siya tumatakbo kapag may problema? and so on and so forth. so ayun. just go with the flow muna. sometimes it’s better off to let the wheel go and just let life take you where it takes you. malakas at matalino ka naman. whatever happens in the future kayang-kaya mo na yun. madali na yun. kaya wag mong pangunahan yung problema. oo, dadating siya, pero habang wala pa eh magpakasaya ka muna sa piling niya.

  18. v said on 08-04-2011

    yung hirap ng pagbitiw is commensurate sa tindi ng tama mo sa kanya. entonses, take a cue from this ‘teh of yours, you also need something mighty to shock you out of this trance. at mas masakit yun. Aray! masakit pa nga yata. hahahahahaha! yun lang yata ang kelangan sa mga katulad nating hunghang sa luvvv.

  19. MG said on 08-04-2011

    Migs, you made me cry! You made me cry because of this line: “Don’t cry because it ended. Smile because it happened.”

    Definitely can relate.. THANK YOU MIGS!

  20. tubero said on 08-04-2011

    Yan ang mahirap sa relasyon, nagiging dependent tayo sa kanila in terms of feelings. Yun bang parang ang buhay mo ay umiikot lang dahil sa kanya. Masaya ka ngayon pero hindi mo maaalis na ‘like a fucking brother’ lang ang tingin sayo. Boy, everything is a matter of choice. Whatever path you take, trials will come. If you think this man is worth taking risk, go for it. If not, masaktan ka na ngayon kasi sa mga susunod na araw, linggo, buwan o taon makakamove on ka din at makakakilala ng iba na maaaring yun na ang taong tunay na magmamahal sayo. 😉

  21. Kabul Gay Guy said on 07-04-2011

    Huwag mag inarte, kasi pang middle east lang anf relasyon, isa pa, hindi rin tatagal ang relasyon ninyo dahl uuwi din yan sa kanilang bayan at mag-aasawa ng kalahi nya for sure. Maging masaya sa bawat sandali na tinatamasa mo ang kaligayan sa kanya.

  22. Ewan said on 07-04-2011

    teh ibrahim,

    ang arte mo naman. sa kanya na nga nanggaling ang salitang “Friendship. You are like a brother to me.”

    i think that’s enough para maging masaya ka sa relasyon mo sa kanya.

    hindi ka naman kasi babae para bumuo kayo ng sariling pamilya.

    kaya wag ka nang maghangad pa ng higit pa sa kung anong meron kayo sa ngayon.

    simple lang ang problema mo.

    masaya ang buhay.

  23. Ibrahim said on 06-04-2011

    Thank you Migs for the nicest words. It seems to me that you have all the perfect things to say to anyone who seeks your help. I agree with you and I realized now that there are things which are beyond my control; though, I have the means to do something to keep myself composed and happy. Im beginning to savor the moment until it lasts. I believe that acceptance is the first step and this will set me free from all the worries.
    To all who gave advice, thank you!

  24. Aike said on 06-04-2011

    Pre i wanted to share of one of my favorite qoute from my favorite idol (BOB ONG),: “HIWALAYAN NA KUNG DI KA MASAYA, WALANG GAMOT SA TAONG TANGA KUNDI PAGKUKUSA.” Im not saying that your fool, but your not happy anymore. PAGKUKUSA, would be the perfect term for you pre, sabi nga “FOR EVERY DOOR CLOSES A WINDOW WILL OPEN.” Its just a matter of choice, im not at your shoes right now so its easy for me to say it, i do understand how it feels pre. Minsan ang hirap pag hiwalayin ng love at happiness, love mo siya di ka nman happy, happy ka pero nawala ang love mo. To conquer fear is the beginning of wisdom. Goodluck pre, again its a matter of choice and decision na tanging sarili mo lang ang makakagawa.

  25. Cruiser Dude said on 06-04-2011

    Tama si TheCure..do not invest too much feelings sa kanya dahil ikaw na rin ang nagsabi na hindi s’ya nagiging totoo sa iyo. Alam mo gusto lang n’ya ng companionship at alam nga n’ya weakness mo. Pero in the end ikaw rin ang talo, be strong. Oo, tama silang nag comments “savor the moment”..hanggang andyan sya. Pero ito isipin mo, maghihiwalay din kayo. Huwag kang parang batang inagawan ng laruan. Andaming lalaki sa mundo Dude.

  26. Jake said on 05-04-2011

    Hindi lang naman siguro si Sajid ang nag-iisang lalaki sa mundo. Bakit mo lilimitihan ang sarili mo sa isang bagay na nagbibigay lamang sayo ng panandaliang saya? Aware ka naman siguro na hindi talaga pupwede ang gusto mong mangyari..bakit ka pa mag aaksaya ng panahon para sa kanya? Sa sobrang focus mo sa kanya, marahil hindi mo na napapansin ang ibang tao, ang iyong paligid. Nagiging alipin ka ng pagkabulag mo. Malay naten, marami jan na handang magmahal sayo at ialay ang buhay para sayo..Sabi nga ni Bob ong, “bakit mo ipagsisiksikan ang sarili sa punong elevator kung meron naman hagdan, ayaw mo lang pansinin”.

    Sabi nga nila, savor the moment..but dont forget yourself. Mahalin at respetuhin mo, una sa lahat ang sarili mo. Pag umaapaw na ang pagmamahal at respeto mo sa sarili mo, that’s the time that you can share the love and respect with others.

  27. mingmeows said on 05-04-2011

    hanep sa quotes. pero ito ang pamatay:

    “Brothers dont fuck each other. Do you fuck your brother?”

    Ang masasabi ko lang ay kung kaya mong lumayo, lumayo ka na lang.

  28. clark23 said on 05-04-2011

    We take risk when we open our hearts
    because the truth is, if we open our hearts,
    we will get hurt. You can’t open your heart
    and not have some hurt because its part of a
    human experience. Even if it’s the love of your life and you’ll have more wonderful, deeper, growing years to come and that person may just pass over. Love takes courage. Be courageous. 😛

  29. jeffrey said on 05-04-2011

    Nasa sayo ang lahat ng sagot sa mga tanong mo Ibrahim kung kaya’t nasa sayo rin ang mga puede mong gawin. Kung babasahin ang sulat mo, makikita at mararamdaman naman agad ang mga emosyon na nangingibabaw sayo sa kasalukuyan. But reading between the lines, madali din masilip na actually, alam mo na ang gusto mo mangyari and that you really just want to get an affirmation of the decision you have already made. Di ba may kasabihan na kanya nga daw inilagay ang utak sa taas ng puso kasi mas mahalaga daw ito when making decisions? Di ko alam kung tama o totoo yan. It is not for me to say what is the right or wrong decision to make. But then, why not use your head instead of your heart this time? Sure, we all know and this has been said here sa blog ni migs more than a thousand times, go and pursue with what makes you happy despite the pain it will give you in return. Pero alam din nating lahat na di totoo yang statement na yan. Kinukumbinsi na lang natin ang mga sarili natin na totoo yang statement na yan. Yet truth be told, it is not. I wish you well Ibrahim and Inshaallah, you will make the right decision. 🙂

  30. alex cruz said on 05-04-2011

    Why not just enjoy the moments with him… di naman masamang masaktan especially when you enjoyed the bits and pieces of time that you are with him.
    Why is it that when people is given a chance to be loved and have mutual relationship– they tend to refuse the occasion while others who are deprived with such relationship, they are fervently longing for it.
    Masuwerte ka Ibrahim because you were given that chance to have that mutual relationship. Baka ikaw lang ang nag iisip na ginagamit ka lang nya for his carnal desire. but mind you, i am sure that when you two are doing the sexual act, you also enjoy it coz you said you love him. Iba ang sex sa di mo mahal at sa mahal mo— agree?
    Just savor the days and times that you are with him— remember this—when we become old, the only thing that will be left to us is our memory — na di mananakaw. Let him become part of your memory–an experience to fondle with in the future.

  31. libra moon said on 05-04-2011

    hetong gawin mo para dika masyadong masaktan, sa tuwing totornakin ka ni sajid, singilin mo pagkatapos, tutal naman uuwi yan sa bayan nila at ikaw naman ay uuwi din sa pinas, at least may baon ka pag uwi mo, at dito mo ipamigay yang datung niya.

  32. pao said on 04-04-2011

    winner ang mga quotes mo migs!!! ^_^

  33. thecure said on 04-04-2011

    this is my first time to post a comment, dahil pareho tayo ng sitwasyon, im also working here in qatar, i had sexual relationship w/ other nationality here until now, may asawa na cya at anak, sinabihan nya na ako ng I LOVE You, pero parang kulang pa rin kasi feeling ko hanngang sex lang talaga ang habol nya, pilit ko rin iniiwasan na ma-in love kac alam ko in the end babalik pa rin cya sa bansa at sa pamilya nya. kaya hanngang ngayon im still struggling to keep away from him & hopefully i’ll be successful. basta tandaan mo babalik pa rin cya sa bansa at sa pamilya nya.
    e-enjoy mo nalang kung anong meron kayo ngayon.

    the cure

  34. Caloy said on 04-04-2011

    Just enjoy the moment. Savor it. Take care of your heart by not investing too much “emotion” into the “relationship.”

    In the end, you will have to ask yourself: “I love him, but he does not ‘love’ me in the way that I desire. For me, is this kind of “relationship” worth cultivating?”

    If not… then do what your inner self tells you to do.

    Light and love.

  35. istian88 said on 04-04-2011

    simple lang.tigilan mo na yan. umpisa pa lang malabo na,mas pinalabo mo pa ang sitwasyon at pinatagal pa ang super obvious namang katotohanan.madalas kaya di tayo maka let go kasi madamot tau. selfishness comes from poverty in the heart —-from the belief that love is not abundant. isa lang siyang ilusyon. gumising ka at tigilan mo yan.mas mahalin mo ung sarili mo, tapos.

    • migs said on 05-04-2011

      “selfishness comes from poverty in the heart —-from the belief that love is not abundant.”

      ang ganda nito, istian! love it! 🙂

      • bitch55 said on 06-04-2011

        siyempre maganda kasi ‘di naman sa kanya ‘yang quote na ‘yan

  36. Fritz said on 04-04-2011

    In the end, ikaw pa rin ang masasaktan kasi ikaw yung nag-invest ng something at hindi cya. And when you start to invest, you tend to expect something. But in this case, there would be nothing to expect, unless all the sex and physicality are the only things you need from him.

    Maslow put it clearly, Love & Belongingness has to be achieved in order for people to be self-actualized. You will not have the proper self-esteem, which is ranked higher, unless you feel loved and feel that you belong somewhere, in this case with Sajid.

    It’s difficult, but find a certain environment that promotes your growth as a person. The more you have, the more you can give.

    😉

  37. elmerlovesoreo said on 04-04-2011

    Sobrang mahal nga ata ng babae sa kanila. Can’t afford nila. Syempre, guy un, need makapag-release. Nakahanap s’ya ng willing na person. Ikaw yun Ibrahim. Pero alam ko, the moment na magkaroon s’ya ng chance to get married na sa GF n’ya and to settle down, tanggal ka na sa equation. If I were you, I’ll think of self-preservation.
    Pero kung mahal mo talaga, eh ‘di savor the moment. Pero dapat may backup plan ka rin, sakaling he decides to go.

    • herald said on 25-02-2012

      gus2 ko ng mamahalin ako at mamahalin ko siya…
      gus2 ko yong simple bakla……
      ayaw ko ng mahaba ang bohok…at hindi talandi..
      gus2 ko sakin lang sya at walang iba……

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *