Manila Gay Guy
  • facebook

‎”When you stand and share your story in an empowering way, your story will heal you and your story will heal somebody else.” — Iyanla Vanzant

Below is the first email I received today. It’s from my friend Dennis (not his real name). He was a fuck buddy for a short time. Then we became good friends. When I became quite active in the HIV advocacy he was one of the first folks I tried to persuade to take the test. It took a while for him to agree. It turned out he was positive. He promised to write about being a person living with HIV. Today, he sent me this. Read on.

* * *

Magiisang taon na nang malaman kong HIV positive ako, pero hindi pa rin ako naiyak. Hindi ko naman pinipigilan, kung tutuusin nga ay pinipilit ko pa dahil yun ang dapat. Kaya ako nagsusulat ngayon para maiyak, at sana pag natapos ko to, gusto ko humahagulgol na ko. Hanggang ngayon, wala akong pinagsabihan nito, ayoko silang malungkot para sakin.

Siguro dahil ako yung tipo ng taong madaling tanggapin ang mga bagay na hindi ko na kayang baguhin. Lumaki akong positibo ang pananaw sa buhay, at lagi kong napapatunayan na ang mga hindi magandang pangyayari ay may magandang dahilan.

Dahil naniniwala ako sa langit at impyerno, di hamak mas naging mabuti akong anak ng Diyos. Wala akong kaaway o kagalit kaya hindi ko kailangang makipagbati. Naging mas maayos ang pakikitungo ko sa lahat ng tao, kahit di ko kilala, mabait man o kamura-mura.

Napabilis ang pagtanda ng utak ko, hindi na ako yung ordinaryong gwapong single. Hindi ko na inaaksaya ang panahon ko sa mga walang kwentang bagay tulad ng pagpaparty, pag iinom, o pag-aadik sa computer games. Higit sa lahat, naglaan ako ng mas malaking panahon para sa mga mahal ko sa buhay, sa pamilya at mga kaibigan. Hindi ako nagsasawang iparamdam sa kanila kung gaano ko sila kamahal.

Yung kalahati sa ipon ko, pinang-babakasyon ko sa mga lugar na gusto kong puntahan nang makita ko ang mga mahuhusay na gawa ni Lord dito bago mawalan ng pagkakataon. Sabi nga ni idol Alanis Morisette “He won the lottery, and died the next day.” Maraming mayamang businessman na buong buhay nagsipag at nagtrabaho pero namatay lang, di man lang nasulit. Ako, sulit na sulit! Ang matitira sa pera ko ay para sa nanay ko.

Lahat naman ng tao namamatay. Ang pagkakaiba lang namin, may panahon kami para maghanda. Para itama ang mga mali, para ayusin ang mga pwede pang ayusin, para bigyang halaga ang mga binabalewala ng mga malulusog na tao. Sabi ng duktor “si Magic Johnson nga 20+ years nang may sakit, buhay na buhay pa rin” pwede pa rin daw ako mag Masters kung gusto ko. Pero ayoko nang magpayaman para future. Kapalit ng panahon, effort, at pera na pwede ko na lang iukol sa pamilya ko habang buhay ako. Meron akong kilala kaka-graduate lang ng Phd, tapos na stroke. Ayun, gulay na.

Takot akong tumanda. Pag nakikita ko mga lolo at lola ko, nanghihina ako para sa kanila. Para bang gusto kong ibigay yung ibang lakas ko para makakilos sila ng maayos. At dahil malabo na akong magka anak, wala namang mag aalaga sakin pagtanda ko. Mabuti na lang at hindi na ako aabot sa ganoong edad. Ok na to para mas marami pumunta sa lamay ko, kasi pag matanda ka nang namatay, malamang uugod-ugod o patay na rin mga tropa mo.
Marerequest ko pa na starbucks ang kape at mapag-planuhan ang astig na motif at program ng lamay ko. Yung parang kay Robredo, ayoko ng malungkot, gusto ko ipagdiwang ang buhay ko. Nagiipon na ko ng mga vids at pics ko, mga kanta na ipapatugtog. Maabot ko lang yung edad ng co-alumnus kong si Jose Rizal, masaya na ko. Kung buhay pa rin ako sa mga susunod na taon, aba’y bonus na bonus na sakin yun!

Ayoko lang na mauna ako bago nanay ko, kasi ayoko maramdaman niya ang lungkot na mawalan ng anak. Kaya pinag-retire ko na sya, gusto ko siya muna mag enjoy. Ayokong mag-alala pa sya lalo na ngayong alam na ng pamilya ko na umiibig ako sa isang lalaki rin.

Anu ba yan, sinabayan ko na nga ng malulungkot na kanta pero hindi pa rin ako maiyak-iyak. Yung mga text pa ng bestfriend kong nag-abrod ang nagpaluha sakin:

“Tol, sana sa susunod na pagkikita natin, lalaki ka na ulit. Alam ko masaya ka kung ano ka ngayon pero marami pa rin kaming naniniwala sayo na kaya mong magbago. Lagi kang kasama sa mga dasal ko. Walang imposible dun tol. Kahit na di ikaw naging bestman nung kasal ko, alam kong magiging playmates pa rin mga anak natin.” – yan ang mga pangarap namin nung hayskul kami.

Sa totoo lang, walang halong kaplastikan, nabubuhay ako ng maligaya ngayon. Hindi ako nagbubulag-bulagan o nagsasaya-sayahan. Hindi ako nagpapa uto sa mga duktor na nagsasabing baka matuklasan ang lunas habang nakabuklat pa ang talambuhay ko. Basta pipigilan ko ang pagkalat ng sakit na to sa katawan ko, at sa mundong ito. Alam kong hindi na to mawawala, pero kaya ko pa ring patagalin ang buhay ko sa abot ng makakaya ko, at mas normal pa kesa sa ibang tao.

Comments (24)

  1. Gene said on 22-03-2014

    I am just wondering if Dennis is taking medications and treatment for HIV. Sana pagbisita ko uli sa Pinas may makilala ako na katulad ni Dennis, to personally talk with a person like him, not because he is an HIV+ but because I believe on the advocacy. Kumusta na kaya siya, since this post was written 2 years ago pa. How is Dennis right now?

    Anybody can email me at genre475@gmail.com. Thanks. God Bless Everyone… : )

  2. Gene said on 22-03-2014

    So touching… So inspiring… If ever I will be in your shoes, I will think and live the way you do. God Bless yOu! : )

  3. R13optimistic said on 17-02-2013

    Hi Migs!

    I have been battling with my inner demons since I was diagnozed two weeks ago. Like most PLHIVs I thought of ending my life. It is difficult because anyone would not expect me to have engaged in sexual activities where I could gotten HIV. It is twice dificult for me because I have no support, I don’t know anyone with the same health condition I can talk to for peer counseling, and I am a discreet bisexual. Every minute and everday, its always an emotional battle. Whenever I’m down, I just read this letter and I feel better. Thank you Migs for posting this. I will do whatever it takes to protect my family from any emotional and even financial pain. I hope I maintain a possitive attitude to go through this “new” life. I will send you a letter soon.

  4. Positive Too said on 21-10-2012

    Email me please – believerofallthingsgood@yahoo.com

  5. Johnny said on 20-10-2012

    This guy walks the talk. He is positive and consistent.

  6. andre said on 20-10-2012

    galing! dalawang ulit ko ng binabasa ang letter mo peru ganun parin nkaka cry…tama kah naniniwala din aqng sa bwat di magagandang pangyayari ay may nakaabang na magandang dahilan..peru naniniwala din aqng sa bawat mggandang pangyayari ay may katumbas na di magandang dahilan…ok lang mging masaya..mgpakabuhay tayu sa gustu ntin..huwag lang nating abusuhin ang ipinahiran na katawan ng poong makapangyarihan…sana malaman mo ang ibig kong sabihin..

    • Closer2Fame said on 20-10-2012

      Ok, your Born-again Christianity huh?.. 😀 .

      You guys make our thing sound like some kind of Demonic possession…

      • Closer2Fame said on 20-10-2012

        Migs, pa delete my previous comment on this post… I misread the title… I don’t want to offend any1. People might misinterpret my humor…

      • tutoy bird said on 20-10-2012

        manners. Insensitive. 👿 tsk tsk tsk

      • Closer2Fame said on 20-10-2012

        My comment was awaiting for confirmation and yet Migs approved it…. Maybe he thinks it’s good for the publicity of his blog or something… I can do nothing about that. Thanks a lot to whom it may concern. 😐

  7. darkprince said on 18-10-2012

    this is really inspiring.changed my view in HIV!WORTH SHARING 🙂

  8. jay cruz said on 13-10-2012

    Hi mr. sender:) nakaka- touch naman ang story mo, tama ka, kelangan mong maging matatag. Wag ka mawalan ng pag- asa dahil walang imposible sa AMA.Kaanib Iglesia Ni Cristo ako. Inaanyayahan sana kita makinig ng mga salita ng Diyos sa aming programa sa net 25…At batid din namin na malapit na talaga ang wakas. Ipagpatuloy mo lng ang iyong kabutihan at magandang hangarin. Tandaan mo, walang imposible sa Ama.

  9. Kanuto said on 10-10-2012

    ayyy…. 🙁
    pag ako nag ka HIV cguro magbibigti na ako, pero syempre charot ko lang un…
    hindi ko alam, pero pero pero…. i will cherish my left days to the fullest. tapos bigla nalang akong matetegi na hindi nalalaman ng mga magulang ko… 🙁

  10. Mark said on 04-10-2012

    Parang gusto ko magpa-test din, kinakabahan nga lang talaga ako. Hindi ko alam kung kakayanin ko kung positive. Kung mag-negative naman, itataga ko talaga sa bato na aayusin ko na ang buhay ko. Naging mahina kasi ako sa tukso, sana hindi pa huli ang lahat.

  11. Red_ said on 21-09-2012

    I love the positivity. I have a friend na positive din, most of the times malungkot at malalim ang iniisip niya. Lagi ko sinasabi na there are a lot more reasons to live than to feel alone. I adore your courage and you’re an inspiration to a lot of other people, positive or not.

  12. Ulon said on 21-09-2012

    sana katulad mo rin ako, laging nakikita ang positibong parte ng buhay. sana marami pa ang katulad mong tao sa mundo.

  13. dormer23 said on 18-09-2012

    so much positivity dude… you have your friends and your family behind your back… and there will be that one person who will take care of you and will be there no matter what… i just know….

  14. admirer said on 18-09-2012

    Well said..I don’t normally leave a comment but the sender truly touched my heart.Please continue being strong not just for your family but above all, for yourself. Keep the faith sir! I’d include you in my prayers always!

  15. taekopink said on 17-09-2012

    sabi pa, to enjoy life to the fullest, you’ve got to live like you’re dying, ngayon naiintindihan ko na. salamat sa pag share tol.

  16. nilomer said on 17-09-2012

    Nice! i was crying while reading his letter… Bihira po ako magcomment sa mga blogs or any website, pero dito sa letter nya, di ko napigil magcomment. It really touches my heart. Godbless you po.

  17. mike said on 17-09-2012

    Wow this made me cry….

  18. mike said on 17-09-2012

    Wow, this made me cry….

  19. thor said on 17-09-2012

    two thumbs up sa iyo. i would probably do the same if i will be on your shoes.
    God BLess!

  20. sentosa park said on 17-09-2012

    BRAVO!!! Ireally admire this letter sender for his positive outlook in life.I can feel his sincerity and honesty in saying that he’s HAPPY despite of his being an HIV+. Most of us don’t even have the courage to take the test.Keep going my friend….my PRAYERS for you.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *