Manila Gay Guy
  • facebook

milk-sexyMigz,

Natuklasan ko lang ang blog mo Migz by accident.. At simula noon isa na ako sa mga loyal fans mo… hahahaha..

Itago mo na lang ako sa pangalang “Chokie” 32 years old. Nagtatrabaho dito sa isa mga US Military base dito sa Afghanistan.. Nagsimula ang storyang ito just recently..

Tulad ng karamihan dinanas ko rin ang pangungutya dahil sa aking kasarian. Bata pa lang ako nakikitaan na ako ng aking magulang, kapatid at mga pinsan na kakaiba ako. Noong una naging mahigpit sila hanggan sa ako’y nagtapos sa kolehiyo. At sa pagkakataong iyon, pinayuhan ako ng aking tiyahin na kung talagang di na mababago ang aking pagkatao sinabi na lang niya na dapat kaya kong panindigan ang aking piniling buhay basta nandiyan lang sila na handang gumabay at sumuporta sa akin. Oo masasabi kung open ako sa lahat na bakla ako at di ko kinakahiya sa harap ng karamihan pero hindi naman ako yung naglalandi sa publiko, simple lang akong kumilos.

Sa edad kong ito di ko pa naranasang magkaroon ng BF o serious relationship sa lalaki, kahit halos ipagnovena ko na para lang mapagbigyan ang aking hiling… hahahahah :)

Marami na akong napupusuan na lalaki at sa panahon na feeling ko ay mapupunta na sa pagiging OK ang lahat meron nangyayaring di maganda kaya ending NGANGA ako palagi puro hanging ang ending di natutuloy.

At ito na naman ako I’ve meet this guy here in my workplace, magka opisina kami dito. Itago natin sa pangalang MR, 28 years old.

At sa una pa lang na nakita ko siya, CRUSH ko na siya. Pero nong nakilala ko siya last year he’s been in a relationship with somebody (gay).. kaya pilit kung itinatago ang aking nararamdaman sa kanya… at nong 2013 nakapagdesisyon ang jowa ng ni MR na umuwi na sa pinas at pagtuunan na ang pamilyang naiwan (isa siyang pamilyadong tao, discreet).

Dito na nagsimula ang kalbaryo ng aking puso, dahil nga siguro di ko na mapigil ang aking naramdaman ay napagdesisyunan kong makipaglapit sa kanya.. masaya! Magaan sa pakiramdam! Parang nasa heaven ako palagi.. Minsan binibiro ko siya na gusto ko siya, n mahal ko siya kahit yung kasamahan na babae dito nasabihan ko rin sa tunay na nararamdaman ko sa Guy at pinayuhan pa ako na mag-ingat lang at dahil alam ko namn daw ang nakaraan niya which is yun nga parang pumapatol lang siya dahil gusto niyang magkapera. Pero di ako sumusuko sa pagsubok gusto kong ituwid ang baluktot niyang pananaw niya sa buhay gusto ko siya tulungan na hindi dapat ganon ang tingin niya sa mga katulad namin na parang gatasan lang, kaya din naming magmahal, mahalin at pahalagahan.Tuwing nagkwekwento siya sa kanyang nakaraang relasyon sinasabi niya palagi na ang laki ng halaga na binibigay ng EX niya sa kanya (pera, at mga gadgets pwera pa daw sa allowance niya weekly) don ko nararamdaman na ayokong mapasama sa mga taong ginamit mo para lang magkapera..parang proud pa siya na sabihin sa akin na prang nagbenta siya ng katawan magkapera lang ng malaki..

Gusto ko siyang layuan, gusto ko siyang mawala sa puso at isip ko pero di ko alam.. paano? Anong dapat gawin? Oo gusto ko siya pero ayokong mangyari na nakuha ko siya dahil nagbayad ako ng halagang pera sa kanya gusto ko makuha ko siya dahil may gusto siya sa akin, minahal niya ako… ( ang arte ko nohh…hahahha)..

Ano ang dapat kung gawin? Patulong namn?

Chokie

* * *

Dear Chokie,

Una, napangiti ako sa sinabi ng auntie mo sa iyo — “pinayuhan ako ng aking tiyahin na kung talagang di na mababago ang aking pagkatao sinabi na lang niya na dapat kaya kong panindigan ang aking piniling buhay basta nandiyan lang sila na handang gumabay at sumuporta sa akin.” O, di ba? Ansaya! Supportive si Tita!

Pangalawa, tungkol kay MR — simple lang ang sasabihin ko, at ito yun: TIGILAN MO YAN!

In whatever kind of relationship naman, hindi natin maiiwasan na may financial aspect ito. Mapa-heterosexual (babae-lalake) o homosexual (lalake-lalake, babae-babae), mayroon talagang aspetong pinansyal na kinakailangang mapagkasunduan — halimbawa, may mga mag-asawa na nagkakasundong si babae ay titigil sa bahay, si lalake ang magtata-trabaho. Okay lang ba yun? Oo naman. Sa mag-jowang bading, si partner 1 ay kumikita ng 12k per month, si partner 2 kumikita ng 200k per month, saan sila kakain — sa Jolli-jeep o sa isang chi-chi restaurant sa Greenbelt2? Okay lang ba na laging inililibre ni partner 2 si partner 1? Oo naman. Sa madaling salita, ang financial dynamic ng isang relationship, iba-iba talaga. Ang importanteng tanungin, kung gayon ang setup, eh BAKIT?

In your case, the guy, just by highlighting how big he got from his previous partners, aba, sure na sure na isa itong user. Bakit ka niya jojowain? Isang malaking hashtag alam na (#alamna)! Gagamitin ka lang niyan. Puwede ba siyang mahulog sa iyo eventually, ma-inlove, at imbes na gawin kang gatasan ay ma-realize niya na mahal ka pala talaga niya? Maaari. Pero malamang sa hindi, gagamitin ka lang ng hudas na yan. Kaya, stay the f*ck away.

Hindi enough para mag-stay away, however, bilang putok na putok na ang pagnanasa mong magka-jowa. Aba nasa Afghanistan ka kamo, sa malayong lugar, at walang pamilya sa tabi mo. Siyempre maghahanap at maghahanap ka ng kalukadidang mo. Dito papasok ang disiplina sa iyong sarili. Matutong magpigil, at maging matalino, himas-himasin mo ang iyong puso at sabihing, “you deserve better than this, Chokie!” — ituon mo ang iyong pansin sa pagiging mas mabuting tao, mas magaling na propesyonal, mas matalino, mas handang tahakin ang bawat daloy ng buhay. Bumili ng maraming libro at magbasa. Maging healthy at kumain ng tama. Mag-exercise. Makipagkaibigan at makipag-kapwa tao. Tumulong sa pinaniniwalaang adbokasiya. Maraming puwedeng gawin upang maging makabuluhan ang buhay. Ang lovelife, isa lang iyan, may isanlibo’t isa pa na pupuwedeng pagtuunan ng pansin, Chokie.

At sa takdang panahon, ngingitian ka rin ni kupido. Manalig ka teh!

Meanwhile, matuto kang maghintay habang ine-enjoy mo ang rollercoaster ng buhay. Marunong ka maggantsilyo? Try mo. Haha!

Lastly, uulitin ko — tigilan mo yang MR na yan. You deserve much, much better!

Sumasaiyo,

Migs (at hindi Migz, che!) Haha!

Comments (12)

  1. jhay said on 06-04-2015

    ok lang yan.. go ka lang

  2. JF said on 02-11-2014

    Omg , parang patama sa akin advice mo Migs , Tagal na kong ginagatasan ????????????

  3. kentot said on 23-06-2014

    Teh, ang sakin go for dat guy! Kung lust lang nman yan e d ok lang magbayad. Pero kung gwapa ka naman e d GL lang:-) .u may not eventually u will end 2geder:-) or worst case nga lang ever gatasan. Hmnm ,

  4. Angelo Songco said on 08-06-2014

    Hay Buhay!

  5. OldOne said on 16-05-2014

    Classic ang response ni Migs dito…very honest but not brutal…direct 2 d point but not bloody…wehehehe.

  6. rico said on 11-05-2014

    To Migs, your advise was very well said. Kaya kayong mga bruha sumunod kayo para wala kayong pagsisisihan later on.

    Pera ang kailangan ng jowa-jowa na yan.

  7. luis bunales said on 22-04-2014

    Teh di na uso gantsilyo ngayon, cross stitch nah! Try moh!

  8. Mc said on 14-04-2014

    sumakit ang bangs ko sa story mo! :)))

  9. MKPEREZ said on 08-04-2014

    Hello, how do i post a story po dito?

    Wanna write sana on if you have suggestion kung meron ako pwede salihan na organization business or sports for really discreet or closet person like me?

    Hope you can help me

    thank you :-)

  10. tyan nena said on 08-04-2014

    teh mag finger ka na lang pag nilabasan ka mawawala din yan nararamdaman mo kay MR atleast hawak mo pa pera mo hahahha…mamimihasa lang yan mga lalaking ganyan.

  11. Janina Bote said on 31-03-2014

    Get laid Chokie, kati lan yan , bayaran tapos waley na!

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *