Manila Gay Guy
  • facebook

Hi to all.
Matagal ko nang gusto ishare tong nararamdaman ko. Sa mga tao kase na
katulad natin, sobrang hirap humarap sa mga tao na straight ka. May
mga bagay kang nagagawa or nasasabi na out of your nature.
Im 26 years old. Nagtatrabaho sa isang semiconductor company ditto sa
Cavite. May dadalawang taon na ako dito. Bilang isang computer
engineering graduate, at sa isang semicon ka pa nagttrabaho, expected
na puro kalalakihan ang makakasama mo sa trabaho. Masaya kase puro
boys. Pero looking on the other side, sobrang hirap.
Marami na rin akong nagustuhan sa mga nakikilala ko dito. Pero share
ko na lang itong latest kong interest.
I have a co-worker here na of my same age. Pero he looks younger than
me. Tahimik, may hitsura, at medyo mahinhin ang kilos. Not mahinhin in
an effeminate way pero yung hindi brusko. Ganun sya kumilos kaya
lagging inaasar or niloloko xang ‘lambo’ or bakla. Once kaming
nagkasama sa isang project. Matagal ko na rin syang kilala pero sa
isang project ko lang sya napansin. We worked on a software
development sa isang machine sa company. It lasted for a month. Sa
isang buwan na yun, dun kami naging close.
Clicngy sya. Laging nakaakbay sa akin. Sumasandal sa skin. Pinapatong
nya ulo nya sa arms or sa balikat ko once he take some nap. Nung
nalaman nyang may kiliti ako, lagi na nya ako kinikiliti. Tapos kung
tignan nya ako, parang may ibig sabihin. Hindi ko alam kung tama ba
itong nararamdaman ko pero nahuhulog na ako sa kanya.
Out of my desperation, I texted him using a different number to show
how much I like him. Sinabi ko sa text na how beautiful he is as a
man, how he kills me with his smile, how he made my day when I see
him. And I told him sa text na gusto ko sya. Sinabi ko rin na lalake
ako at wala akong lakas ng loob magpakilala kase baka magbago yung
pagtingin nya skin bilang katrabaho.
Gusto ko maging close kami. Yung tipong comfortable sya na sabihan ako
ng mga bagay bagay. He’s not very open pa naman about his personal
life. Siguro hindi lang sya sanay na inoopen sa iba yung buhay nya.
Gusto ko iparamdam sa kanya na mahalaga sya sa akin. Gusto ko
iparamdam sa kanya na nagmamalasakit ako sa kanya.
Nung may sakit ssya pero pumasok pa rin sya, kitang kita ko na
nahihirapan sya sa sitwasyon nya. Namumutla na sya at nilalamig pero
trabaho pa rin. Sobra kong naawa. Gusto ko syang awatin sa pagttrabaho
para makapagpahinga. Inakbayan ko sya inhope na mawala ng konti yung
panlalamig nya. Gusto ko na syang yakapin nun ng mahigpit. Pero
pinangunahan pa ako ng takot at kaba. Mahal ko na siguro yung taong
yun para maalala ako ng ganito.
Hay. Ang hirap. Naluluha na lang ako pag tinitignan ko sya sa malayo.
gusto ko sabihin sa kanya kung sino at ano ba talaga ako. Kaso
natatakot ako na baka magbago tingin nya sa akin. At alam kong ganun
ang mangyayari. Ilang beses ko na tong naramdaman sa isang lalake.
Nagtapat ako, at ganun nga ang nangyari. Sobrang hirap. Pano ko ba
makukuha ang loob nya? Kahit maging super close friends lang kami ok
na sakin. Basta lagi ko syang nakakausap at nakakasama.

– Kimi

* * *

Dear Kimi,

Madalas dinadapuan tayo ng kung tawagin natin ay pag-ibig sa panahong wala tayong kamalay-malay. Sa panahong ni hindi pa man din lang natin naiintindihan ang kakaibang pakiramdam ukol sa ating pagkatao, ay bigla tayong dinadaluhong ng pakiramdam na siyang lalong nakapagpapalito sa atin. Tanong mo, “paano ko ba makukuha ang loob niya?”

Pansinin mo na ang iyong katanungan ay upang pumitas, kumaripas na umangkin. Bakit kaya?

Bilang advice, siguro hahayaan kitang gawin kung ano man ang iyong nasa sa loob. Sasabihin ko lamang siguro na bukod sa paglasap sa napakasarap na pakiramdam ng pagiging in-love, sana ay huwag mong kalimutan ang iyong sarili. Ang alagaan mo ang iyong puso, at bigyang pansin din kung ano ang makabubuti sa iyo. Tandaan: Hindi lahat ng maganda, masarap, o kaanya-anyaya ay kinakailangang angkinin. Minsan mas masarap nga na sila’y nandiyan lang, kasama natin, kahit alam mong puwede rin silang wala.

Migs

Comment (1)

  1. kazz~ said on 07-02-2015

    Hello Kimi,
    Tandaan mo na ang pag-iibigan ay nagsisimula sa magandang pagsasamahan at makahulugang pagtitinginan. Subalit di rin naman ibig sabihin na pwede na maging kayo agad-agad sa kadahilanang close na kayo.
    Maaaring naging komportable lang sya sa iyo o tipong nahulog na talaga ikaw sa kanya kaya tila lahat ng galaw nya ay dumidilig sa puso mong uhaw.
    Sabi nga ni Migs, minsan mas tama na yung nakikita nating nandyan lang sila…. ngumingiti, tumatawa, nasasaktan at umiiyak.
    Kagaya ng isang bulaklak na namumukadkad sa liwanag ng araw, natutuyo at nadidiligan ng ulan. Tila ang sarap nilang alagaan ngunit hindi tayo siguradong yayabong sila kapag atin ng sarilinang inalagaan at nahagkan.
    Hayaan mong maging natural ang lahat dahil anumang maganda sa paningin mo sa ngayon ay baka di ka aware na nakaCamera360 pala ito. :-)
    Kimi, hayaan mong magtakda ang pagkakataon. Hindi porket sumusunod sa pattern na gusto mo ay siya na. Wag kang ma overwhelm sa sitwasyon.
    Pero kong talagang gusto mo sya, iparamdam mo, ipakita mo ng natural.
    Try mong mag initiate ng komportableng usapan.
    Hindi kailangan na matagal kayong nag-uusap buong araw, isama mo pati usapan sa viber, line, wechat, fb, etc.
    Small talk lang pag may time.
    Hindi nauutusan ang pagmamahal at hindi lahat ng gusto mong gawin nya according to what your heart’s desire ay dapat mangyari. Do not set something for him… wag mong pangunahan.
    Embrace what he can offer you for now. Be happy and contented.

    Love,
    Kazz~

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *