Manila Gay Guy
  • facebook

  

hi migs,

to be honest i just started reading ur blog and i really hooked up about the letter i read about PLU people. ang dami palang problema ng mga tao dito i thought mas madaming problema ang economy and sa politics pero mas marami pala dito hahahah…

i just need an advice about my current situation. i have a boyfriend now and he is my third. we’ve been together since 2006 so meaning we just celebrated 9 years. sobrang attached na ako sa kanya na nung nagsama kami e masaya akong nakikita ang mukha nya sa umaga. sa totoo lang gwapo siya at muscular. everyone will get envy to me kasi ako chubby but cute. marami ang nagsasabi na derek ramsey siya from face to body na pinagtatakahan ko kasi sa dami ng tao e ako talaga ang napili.

we love to travel. almost naka 15 countries na kami from asean countries to australia. until we need to separate kasi financial problem. dahil sa bakasyon and enjoyment e nabaon kami sa utang and i need to sacrifice kasi ako ang may good opportunity to work abroad.

the experience without him by my side is really a struggle. umiiyak ako dahil sa work at sa sobrang miss ko sa kanya. nasanay ako na kasama siya for 9 years. kilala na siya ng pamilya ko at kilala ko ang pamilya nya. sa sobrang lungkot ko naka open ako ng application sa cellphone which is grindr.


Grindr –I didn’t realize i was hooked up with it. alam mo yung feeling na nakawala ka sa pagkakatali. i was just 24 when we become official kaya di ko nagawa na maglandi ng sobra kasi nagsimula lang ako magbloom when i was 21. first bf stayed for 1 year and 9 months and yung second parang less than a year kaya di talaga ako naka enjoy kasi siguro relationship oriented ako.

when i was in abroad i met a lot of good looking guy and muscular but meet lang wala naman nangyayari kasi takot ako magka HIV. even kiss ayoko kasi nga baka mahawaan ako ng sakit, siguro naeenjoy ko lang ang idea na im a foreigner in a foreign land hahaha parang celebrity ang dating ko kasi exotic hahahahh. but as i continue nararamdaman ko na unti unti na akong lumalayo sa best friend ko (best friend ang tawagan namin since he is my close to me). di ko na siya naiisip for anything, until he found out about my grindr account. ang worst part dun e tinanggap nya ang paggamit ko ng application basta lang daw maging tapat ako sa kanya. na lahat ng imemeet ko at gagawin ko e sabihin ko sa kanya. from taking the picture; san ngpunta; may intimate ba na ginawa or anything. sometimes kapag muscular ang namemeet ko hindi ko sinasabi sa kanya kasi alam nya na muscled guy ang fettish ko pero hanggang meet lang because my purpose is to meet thats all. well my kiss na nangyari but thats it wala na talaga. yun na ang worst (galing ko magpigil noh hahahah)…

then i always start the big fight with him at dahil sobrang nagpapakumbaba siya di natutuloy ang pakikipaghiwalay ko sa kanya. migs what do u think is my problem? or hold on lang ako sa sitwasyon namin. naguguluhan ako e. thanks

– igcse guy
* * *

Dear igcse guy,

Mukhang nahuhimaling ka sa yellow app. And I understand. Gaya mo, I also experienced that great awe noong una kong na-discover ang Malate. It was as if the universe unravelled seemingly infinite possibilities. Kumbaga, too many boys, too little time. It seems like the yellow app opened you up to so much, such that even if attached na attached ka sa Derek Ramsey boyfriend mo, eh inumpisahan mo na siyang i-isantabi.

Pause muna po.

Bakit mo inuumpisahan yang mga “big fight” na yan? Gusto mo nang makipaghiwalay? Dahil nananawa ka na sa kanya? O dahil nangungulilala ka lang, nangangailangan ng mainit na dampi ng pagkalinga habang magkahiwalay kayo?

Baka makabuti na mag-introspect ka muna. Masusing obserbahan kung ano ba talaga ang pinanggagalingan ng negative energies mo toward your bf. Hindi kaya dahil long-distance lang? Naiinsecure ka ba sa kagwapuhan at ka-machohan niya, at ngayong naaambunan ka ng mga di mo inakalang atensyon sa di mo inakalang ganda, eh gusto mo na siyang i-etchepwera? Introspect.

Mahirap hulaan kung saan nanggagaling ang mga nararamdaman mo ngayon. Kapag medyo naliwanagan ka na, baka mas madaling magdesisyon. Hindi biro ang samahang siyam na taon, marami na kayong narating at nahabing masasayang alaala. Hindi dahilan ito para sabihin kumapit ka lang. Pero dahilan ito para bigyan mo naman ng mas malalim na konsiderasyon ang mga nararamdaman mo at kung saan nagmumula ang mga ito.

Stop, look, and listen.

Migs

Comments (5)

  1. Alexander said on 26-09-2015

    If you really love and miss him hindi ka maglalandi like downloading the application. sabi mo nga Relationship Oriented ka but how come you tried meeting new people there. I’m not blaming you pero I think It’s about time to talk honestly to your partner. Ayusin mo nalang yung gusot mo and maghintay hanggang makauwe ka kagad sa piling nya. Mahirap mawalay sa mahal mo pero mas mahirap kung tuluyan na syang mawala sayo. Lagimong tandaan, hindi lahat ng namimeet mo ay totoo at hindi lahat ng mga bagong tao sa buhay mo ay kayang tumbasan o higitan pa ang nagawa at ang pagmamahal na natanggap mo sa taong nagmahal sayo ng mahabang panahon hanggan sa ngayon na may ginagawa ka ng hindi dapat. Try to think and realize everything… Payo lang bro.

  2. Boo said on 19-06-2015

    Been there, done that pero sa case ko, ako yung nasa kalagayan ng BF mo. Almost 10 years kami, at natuklasan nya din yang app na yan. Nung una, wala lang meet meet lang, coffee coffee. Naghahanap daw sya ng ibang friends na gaya namin. Yung iba naman totoo, kasi naging friends ko din. Barkada.

    Until meron syang nakita doon sa isang nakameet nya na wala sa akin.
    Inaway nya din ako, kahit sa maliit na bagay. diretsahan nya pang dineny sa akin na may iba na. hindi ko naman matanggap dahil hindi naman basta-basta mawawala yung pinagsamahan namin.

    10 years yun.
    pero hindi daw. next thing i know, sila na nga.

    we’re friends now. all forgiven, nakipagbalikan pa sya several times. narealize nya din yung isang bagay na very hurtful before. 10 years kaming magkasama, through thick and thin, through pain and high heavens. tapos tinapon nya lang. sinayang nya.

    tama si migs, introspect. make sure you have no regrets pag may ginawa ka.

  3. Nathaniel said on 18-06-2015

    keep using your grindr and other gay apps while you are in a relationship. explore the world & wait for your KARMA!

  4. schatzmiel said on 14-06-2015

    Stop using that shit called Grindr. It won’t do you any good. I managed to get by 8 and a half years without all the shit modern gay men go through.

  5. katol said on 13-06-2015

    exotic ang ganda mo? saan ka ba nagpunta igcse?

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *