Manila Gay Guy
  • facebook

derek-ramsay

hei migs,

almost a year na pala na nagsend ang boyfriend ko ng letter nya sa blog. he introduced ur blog to me because he said some of the letters daw e nakakatuwa basahin because of the issue. i was reading some of the letters but im sorry to say na stop reading. then after a year i came back to check.

im the boyfriend ng isang issue mo na confused OFW. ako yung mr derek ramsey look-alike na sinasabi nya. nakakatuwa even dito sa site yun pa rin ang tawag nya. i miss him so much. totoo ang lahat ng sinabi nya sa message mo about sa petty things na nauuwi sa hiwalayan pero di ako pumapayag kaya wala siyang magawa. i’m here not to seek an advice how to forget him but to win his heart again. siguro marami magsasabi na tanga ako if u see him compare with me. pero it’s not about the physical looks, it’s about unconditional love. i tried to do everything with our relationship at tama ka sa sinabi mo na nakakapanghinayang ang mga memories na pinagsamahan namin.

i tried to do everything, i go to gym everyday because he wants me to have muscles which i did. i buy good clothes kasi he wanted me to look good infront of his friend. i do facial care for my skin, i even got injection of glutathione kasi sabi nya he wanted me to be white. i tried everything he asked me to do pero until now di ko pa rin maisip bakit nya ako iniwan. the issue is not the money becauae i worked hard for everything. he insisted to continue to pay our debts dahil nga sa vacation namin pero i refused to accept kung di na siya babalik sa akin.

i tried to look for someone pero lahat puro katawan at looks ko lang ang gusto. not to have big ego pero ganon talaga nangyayari. makikipagmeet ka lang gusto sex na agad. he is really different, he doesnt care about how i look pero he always advice me for myself kaya sinusunod ko siya.

i feel contented when we r together pero ngayon na iniwan na nya ako di ko na alam ang gagawin ko. one year din ang lumipas before i have this courage to go where he is right now. i want to work out things between us dahil gusto ko pa rin ang chubby honey ko. gusto ko pa rin siyang yakapin tightly para maramdaman nya ang pagmamahal ko. totoong feelings pala yung nasa kanta na “id rather”. sabi “i’d rather have bad times with u, than good times with someone else. i’d rather be beside u in the storm, than safe and warm by myself.”

hihingi lang ako ng advice how to win him back pagpunta ko sa country kung nasan siya. aalis na ako in a few months and i know everything where he was. i want him, i need him. siya lang sapat na sa akin. kaya kung sino man ang makakapagsuggest ng best way i really appreciate it mga bro… thanks to u migs and more power.

thanks

aka derek ramsey

* * *

Dear “Derek”,

Kung totoong kamukha at kasing-kisig mo si Derek Ramsey, huwag mo nang ituloy ang binabalak mo. Dito ka na lang tumuloy… sa puso ko. CHOZ!

Serious na nga…

Nakakatuwang isipin na meron pa palang mga katulad mong wagas ang pagmamahal sa kasintahan. Sa dami ng mga bekz na lulong sa kababawan ng panlabas na anyo, o sa kinang ng ginto, sa kapal ng salapi, o katawang kabigha-bighani — isa kang ehemplo na sapat na ang pusong nagmamahal, wagas na katapatan, at busilak walang bahid na pagkakagustuhan. Kaingget kayo, shet.

Sabi mo gusto mong humingi ng suggestions para bumalik siya sa iyo. Mahirap ang hinihiling mo. Walang kasiguraduhan yan pero gusto kitang bigyan ng standing ovation (kahit mag-isa lang ako) dahil very good yang gusto mo.

Hindi ko alam kung makatutulong pero I’ll still give you some tips.

1. Alalahanin mo kung ano ang mga bagay na dati niyang ikinasaya noong magkasama pa kayo. Mahilig ba siyang makatanggap ng mga love letter? Bulaklak? Regalo? O baka naman gusto niya yung pinagsisilbihan siya — ipinagluluto ng almusal, hinahatid at sinusundo sa trabaho, etc.? Alalahanin mo ang Love Language niya, love language ay iyong paraan na kung saan nagre-resonate sa kanya bilang expression of love. Maari itong language of words, of quality time, of service, of gifts, or of touch. May isa o dalawa dito na pinakagusto niya. Alamin, alalahanin at iyon ang isagawa sa panahong magkadaupang-palad muli kayo.

2. Maging patient. Hindi natin alam kung marami na ang nagbago sa buhay at pananaw niya. Maaaring hindi na siya ang dating siya; ngunit tandaan na deep inside, siya pa rin yan. Kailangan lang ng kaunting tiyaga sa pagsuyo kung talagang desedido kang manumbalik ang inyong pagsasamahan.

3. Kung sakaling meron na siyang iba, huwag basta-bastang bibitiw. Ituloy mo pa ring makipag-reconnect at sabihin ang iyong intensyon. Maaaring huli na ang lahat sa ngayon, pero never namang naging huli na ang lahat – forever. (Basahin ang librong “Love In The Time Of Cholera” ni Gabriel Garcia Marquez upang maintindihan nang mas malalim ang suhestiyong ito.)

4. Last tip, anuman ang mangyari, be sincere, be authentic. Lay down all your cards and tell him what it is you feel and want to happen. Be vulnerable, risk it, because this is how it is to live. Yes, vulnerability can mean pain and frustration, but remember that vulnerability is also the birthplace of joy, of hope, of love, of renewed and reinvigorated love. (Credits go to Brene Brown na paborito kong author-researcher-storyteller. Google mo siya, maraming helpful tips si bekz Brene.)

“Derek” – I wish you the best sa iyong gagawin. May the gods above and the spirits around be with you, and bless you. Hugs hugs!

Love and light,
Migs

Comments (2)

  1. Bakla said on 12-05-2016

    Ate! Mag move on ka na! Alam kong madaling sabihin ang salitang Move on pero napakahirap gawin! Tama ba? Siguro kailangan nyo lang nang closure tho time will come makakalimutan mo rin cya pero iba parin ung may cloure kayo dahil darating ang araw na kapag nag kita kayo babalik yan kapag walang closure and syempre sasabihin mo! Naka move on na ako, Oo naka move on na nga ung utak mo pero ung puso ba totally move on na? Madaling magsinungaling sa kaibigan mo tungkol sa salitang move on pero sana naman wag din sa sarili mo! Closure lang kailangan nyong dawala. Tiwala lang! Darating ang araw na di mo alam na nawala na pala talaga ung feelings mo sa kanya na tatawa ka nlng sa mga nakaraan nyo. Ung tipong sasabihin mo nlng na ang TANGGA ko pala dati!

  2. Marvz said on 03-04-2016

    Bro. Derek:

    Bago pala ako nakapag type ng sasabihin ko dito, medyo nanginig ako at napaluha sa na share mo… Ang hirap palang makapag salita agad lalo’t tugmang tugma ang kwento mo sa nangyari sakin (di dahil kamukha ko rin si derek kundi halos parehas kwento mo sakin tungkol sa kwentong iwanan..Bro, on your part, you have nothing to do to win him back as long as, it is so clear in your conscience that you did nothing wrong to him.. Nung iniwan ka niya, may possibility na nakakita siya ng iba (sorry sa nasabi ko.) Pero, bro, wag mong hayaang lalo kang masaktan sa kakagawa ng paraan para lang bumalik siya sayo.Darating at darating ang araw na may mare realize yung bf mo tungkol sayo na pwdeng mag udyok sa kanya para balikan ka niya. Let him realize it; let him decide. If he truly loves you, he will come back no matter what happens. but if he doesn’t come back, then, try to face the truth and move on. Alam ko masakit sobra. Pero, don’t aggravate it… May darating pa para sayo. Just remain open. However, if he comes back, then, he is all yours!!! Move on bro…Ramdam ko to the max nararamdaman mo… I understand. Good luck and God bless.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *