11
Pre-election woes of gay candidate
25 comments
Hi Migs,
Just call me TJ, 27 yrs old at kahit papano may itsura din naman daw ako. Lumaki ako probinsya, maayos din naman ang kabuhayan namin at kahit papano nakapag-aral at nakapagtapos ako sa isang de-kalibreng unibersidad sa amin.
Bata pa lang ako ay alam ko ng iba ako sa mga ordinaryong batang lalake, pero pilit kong itinago ang pagkatao ko sa kadahilanang takot akong mabugbog o malait ako ng aking pamilya o mga kamag anak ko. Sa katunayan po nyan ako lang yata ang bading sa aming lahi kaya super takot at tago ang pagiging bading ko. Sa aming lugar kasi parang isang malaking kasiraan o di tanggap ang tinatawag nilang third sex. Kaya ako naman ay itinago ko talaga ang pagka bading ko.
Ng magtapos ako ng college, pakiramdam ko ay malaya na ako dahil pinayagan na akong magign independent ng aking mga magulang at napadpad nga ako sa Manila, masasabi ko na sa syudad ng manila ko natikman ang lahat ng sarap at hirap. 22 years old ako ng una akong makaranas ng same-sex, although nung college ako ay nakatikim din ako ng sex sa opposite sex at sigurado ako na pag nalaman ng mga naging xgf ko ang pagiging bading ko ay siguradong maloloka sila sa akin.
Nag aral ako ng abogasya at awa naman ng Dyos naka graduate din ako. Sa school namin marami ang katulad ko na patago din ang pagiging berde. May naka on ako sa kanila at ok naman, buti nalang di kami natsismis kasi pareho naman kaming nag iingat na mabulgar ang aming relasyon.
Ang problema ko sa ngayon ay gusto ko ng mag OUT sa family ko kasi kinukulit na nila akong mag asawa na kasi balak nila akong patakbuhin sa nalalapit na eleksyon. Sabi ng Tatay ko mas maganda daw pag mag asawa muna ako bago ako pumasok sa pulitika para maganda daw ang image ko sa tao as a family man. Gusto ko ng mag Out ng ako ay nagbakasyon sa pinas kaso naudlot ang plano ko dahil naunahan ako ng takot sa aking pamilya.
Kumakain kami nuon sa aming bahay at kumpleto ang family ko kaso biglang nabulol ang dila ko ng biglang mapag usapan ang nalalapit na eleksyon. kaya imbes na makapag out na ako diko na naituloy.
Natatakot akong pasukin ang mundo ng pulitika sa kadahilanang baka gamitin ng makakalaban ko ang aking pagiging bading, ayaw ko rin na makita ako sa TV sakaling manalo ako ng mga naka sex ko na dati, my gosh baka matsismis ako at ma blind item sa mga dyaryo. diko yata kaya.
Sana matulungan mo ako kung pano ang magandang gawin para makapg OUT ako sa aking pamilya bago ako tumakbo sa nalalapit na elesyon.
Lubos na nagpapasalamat,
TJ
Like
While the world is rejoicing with the victory of Barack Obama, the first US President of African-American descent, I was silently monitoring the gay-related Ballot Measures. In Arizona, Proposition 102 (Ban on Gay Marriage) was being decided on. The measure would amend the state constitution so that only a union between one man and one woman would be valid or recognized as a marriage in the state. In California, a similar measure was also being decided on, called Proposition 8. In Florida too, there was something similar, Amendment 2. All these states were voting Yes or No to Ban Gay Marriage. In all these three states, as of writing, the Yes’s are winning. In Arkansas, people were voting Yes or No to another gay-related issue: Arkansas Initiative 1– Ban on Gay Couples Adopting Children. Again, the Yes’s are winning. 







