Here’s a letter from an MGG reader, Jay Vee. Read and share your thoughts:
Hi Migs,
I’m jay vee, 25, and a reader of your blog for about a week now. Migs, Thank you!! malaki kasi ang tulong and advice na naibibgay mo sakin just by reading your blog. I just wanna share my problem and hingi na rin sana ng advice mo, i’m straight (yata!?!) and ikakasal na ako sa march. Ang problema migs may mahal pa akong iba, Si Tom barkada, best friend at boy friend ko.
ito ang kwento ko, Si tom at ako ay nabibilang sa isang barkada na puro straight na lalake ayon sa normal na takbo ng mundo sa mga mangmang na tao. Siyam kami mag babarka na puro lalake isa akong probinsyano na nag kolehiyo sa manila sa isang paaralan sa Intramuros. 2 konyo (erin at tom), 1 skolar (inyong), anak ng gov’t employee (adam) at 2 probinsyano (ako at si jeff) ang barkada namin.
alam ko mula pagkabata lalake ako, at hindi ako bakla madami ang nag bago mula ng tumira ako dito sa manila, marami akong sekretong malupit na hindi pwede malaman ng mundong kinabubuhayan ko, sapagkat pag nangyari yon katapusan ko na, mas gugustuhin ko pang mamatay.
napagdaanan ko kong paano manggamit ng bakla, ang pakikipaglaro sa kanila para lang ibigay kong ano ang gusto mo dahil sa mga brkada ko noong high school na mga eksperto dito.. (wala nangyayaring sekswal ah) ang naka tanim sa utak ko mula pag kabata hindi maganda ang buhay bakla! tatanda ka mag isa at gagamitin ka lang, na alala ko may nag tanong kay daddy “paano kong lumaking bakla ang mga anak mong lalake?” sagot ng tatay ko “itatapon ko sa dagat!” hala!! wag ka magalit sa tatay ko mabait na tao yun at marami nag mamahal dun lahat na uri ng tao, ayaw lang nya siguro talaga mag ka anak ng bakla.
sa ngayon asar ako sa mga taong galit sa bakla at nanggagamit ng bakla, asar din ako sa baklang galit sa lalakeng nasa kahon!! naniniwala kc ako na kailangan mo palang kilalanin muna ang tao bago mo husgahan kong bakit ganun sya. ang pag huhusga at pag kakalat na bakla ang isang lalake na nasa kahon pa ay hindi nakakatulong kundi lalong nag papa liit ng pag katao nya.
balik tayo sa kwento ng problema ko, graduating na kami noon anim na lng kami natira sa barkada si adam kc pumasok sa PMA, at si Erin nag migrate sa america (pag katapos ng relasyon namin) . lahat kami may gf noon masaya ang tropa, at before graduation naisipan naming mag bakasyon sa nasugbu kasama ang mga gf namin… 3 days and 2 nights yon.. sa aming barkada wala pag hihinalaang bakla sa amin kc lalakeng lalake talaga kami lahat.
sa nasugbu…
around 1:30am siguro lasing na lahat… antok na rin si gf ko so pinatulog ko na sya… ewan ba pero gusto ko pa uminom so “inom pa tayo, bitin ako!!”, “tara samahan kita!” -tom, so ayon balik inuman kami nang maging seryoso usapan. napag usapan namin si ?Erin ang barkada kong pinaka ka close ko,
tom: “pare, tanong lang wag ka magagalit?” sabi nya
jay vee: “shoot”.
tom: “pare, naging kayo ba ni erin?”
jay vee: “GAGO!! ano problema mo!” napa mura tuloy ako..
tom: “pare kc, bago umalis si erin nag inom kami lasing yata ang gago, mahal na mahal ka raw nya at hindi nya kaya na wala ka, umiiyak nga na parang babae.” -
ano isasagot ko… eh di tumawa na lang ako… sabi ko matulog na tayo puro kalokohan na nasa isip mo… bago ako pumasok sa kwarto ko tinawag nya ako at bigla ba naman ako hinalikan eh tag libog ako migs, so sige nangyari ang hindi dapat mangyari..
ewan ko migs, pag balik namin ng manila kami na yata. talo pa nya ang lahat ng naka relasyon ko babae at lalake kong mag mahal, ramdam ko mas mahal nya ako kaysa sa gf nya, pero alam nya at alam ko na mas mahal ko gf ko kaysa sa kanya…
25 na ko, gusto ko na mag ka pamilya, mag ka anak na legal, at tahimik na buhay.. umuwi ng Pinas yung tatlo kong kapatid para sa bday ko lumuwas din ng manila sila mommy at daddy, lahat sila kinukulit ako na kailan daw ba ako ikakasal baka daw mawala pa si GF, napamahal na kc si GF sa kanila, wala naman kc akong masabing masama kay GF nasa kanya na lahat maganda, matalino, mayaman, masipag, mabait at syempre mahal na mahal ako!! lahat ng M yan ah.. sabi ok ok soon!!
sa madaling salita inaya ko na nga ng kasal si GF. mula noon biglang lumayo sakin si Tom, gusto ko sya kausapin pero umiiwas talaga sa akin migs, ang sakit kc mahal na mahal ko pala yong tao at parang hindi ako kompleto pag wala sya sa buhay ko. B-day ng gf ni Tom chance ko na para kausapin si Tom tatlong oras na kami mag kakasama pero hindi pa kami nag kakausap ng seryoso kc andun lagi kami sa gitna ng barkada. nauubusan ng beer so kailangan ni tom bumili doon ako nakakuha ng pag kakataon na kausapin sya sumama ako sa kanya, tahimik lang sya at hindi ako kinakausap kahit anong tanong ko… pauwi na kami non habang nag nag mamaneho si Tom sabi ko..
Jay vee: “putang ina mo TOM! mag uusap ba tayo o hindi!!! Mahal Kita!!”
(pucha migs, biglang umiyak si Tom, ahhhh naiiyak tuloy ako…) ito yong exact words na sinabi nya sa akin ah,
Tom: “Putang Ina mo rin! hindi ka marunong magmahal at hindi mo alam ang ibig sabihin ng salitang mahal!”
hindi ko alam kong ano isasagot ko migs, tumahimik na lang ako hahayaan ko sya sabihin lahat na sumbat na gusto nya sabihin sakin pero hindi na rin sya umimik migs, pero ramdam ko ang galit nya.. hanggang sa makarating walang imikan, after 30mins umuwi na kami ni GF bago ako umalis kinamayan ko si TOM “pare ingat ka! be good!” yun lang at ok lang sagot nya..
1 week na kami di nag uusap at nag kikita ni Tom, busy raw sya sa work at ako ay busy dito sa province.. Best Man nga pala si Tom sa kasal ko..’
Migs, parang hindi ko kaya ikasal ng nandon si Tom, hindi ko kayang makitang nasasaktan si Tom, hanngang ngayon mahal ko pa yata ang GAGO!
ano gagawin ko?? Iniisip ko lng hindi ba talaga pwede sabay mag mahal ng babae at lalake? Kailangan ko ba talaga pumili kay GF at tom? kung sakaling pumayag si Tom na pareho sila sa buhay ko, makasarili ba ako? nagmahal lang ako.
1.) Tapos na ako sa buhay kumplekado, ikakasal na ako sa babaeng mahal ko at mahal ako, pero mahal ko din si Tom ayaw ko may mawala sa kanila.
2.) Paano kong pag dating ng panahon ay malaman ng GF ko ang relasyon namin ni Tom, kakayanin ko ba sya harapin?
3.) Trip lang sa akin ang pakikipag relasyon sa lalake, Mahal ko ba talaga si TOM?
4.) bakla ba ako? never ako na tsismis at napabalita na bakla, bakit ako nag mamahal ng isang lalake?
5.) bakit pag iniisip ko kong sino kasama ko pag tanda papalit palit ang mukha ni Gf at tom..
6.) marami pa Migs.. sasabog na yata utak ko…
jay vee
1 person likes this post.