Manila Gay Guy
  • facebook

Nakakatawang nakakaasar ang puso. Minsan pakiramdam ko, ang ligalig niya. Di mapakali. May gustong landiin, pero nagpapakamayumi, a la Maria Clara. Ansarap ng pakiramdam. Nakakakilig. Pero sa totoo lang, wala naman talaga yun, kasi di niya alam na gusto ko siya. Hindi niya alam na nung nakilala ko siya, may nakanti siyang damdaming — lingid man sa kanyang kaalaman — naghahanap ng mamahalin.

Balik tayo sa puso kong maligalig. Nakakatuwa, kasi may naitatagong lakas pa pala ang pusong ito. May asim pa, ika nga. Kaya pa pala niyang kiligin, kaya pa pala niyang pasayahin ang sarili niya. Kaya pa rin kaya niyang magpasaya ng iba?

Pero, nakakaasar din ang pusong ito. Bakit? Dahil alam naman niyang desedido na ako. Ayoko ng magmahal. Oo, narinig ninyo yan. Ang plano ko, na sa 2010, okay na ako. Tapos na ako. I’ve gone deep, I’ve embraced love, I’ve dived in, all the way, over my head even, experienced it fully and completely. And so I say, “Alright now, I’m done, I’ve earned my right to detach from that thing called romantic love.” And, you know what? Saying that feels like being realistic. Pero, putcha. Ayan, pumasok na naman si puso. And everything crumbles back to the same old me.

Ang puso nga naman, nakakatawang nakakaasar.

Hindi ako “emo” na tao. Sabi nga ng mga gel prens ko bato daw ang puso ko. Kasi daw, nung naghiwalay kami ng partner ko of 1 year, di nila ako nakitaan ng anumang pag-iinarte. No drama, no fuss. Parang nag-burp lang daw ako. Tinapos ang isang napakagandang relasyon nang walang kaabog-abog. At higit sa lahat, nang walang ka-drama-drama. Kasi nga, hindi ako emo.

Minsan naaalibadbaran pa nga ako sa mga eme-endeavor sa pagiging emoterang bading. Tipo bang taon na ang binilang, eh kinakarir pa rin ang pag-e-emote. Hindi ba sila familiar sa quotable quote na time heals all wounds? Aba, `teh, anong petsa na at nagmumukmok ka pa rin?

Pero, alam ninyo, nakakagulat. Di nga ako emotera, bato nga ang puso ko, pero bakit ganito? Mahigit isang buwan na ang lumipas ng paghihiwalay namin ni Marco pero parang di ko pa rin maisara ang kabanata ng buhay kong iyon?

Bakit sa kabila ng di ko pagpapakita ng kahinaan, ng walang humpay na pagpapanggap na everything is alright, business-as-usual, ay para bang may nakadagan pa ring bigat sa aking dibdib?

Bakit kahit alam kong di nakakatulong ay patuloy pa rin ang pakikinig ko sa mga sad love songs, mga separation songs, mga awiting walang ginawa kundi daliruting bonggang-bongga ang sariwa kong sugat, di maghilom, kumakatas pa rin sa kabila ng sandali nitong panunuyo?

Bakit kapag nakakakita ako ng mga magnobyo, magnobya, mga bading na obvious na mag-parter, kulang na lang eh koronahan ko sila ng mag-asawang sampal, bulyawan ng “pota, maghihiwalay din kayo!” Poot na nga yata ang namumuo sa aking dating tender, loving heart.

Shet. Di maaari ito. Dapat magising na ako sa katotohanan, tanggapin ang mapait na nakaraan. Kurutin ko ang aking singit hanggang mamula’t mangitim ito sa sakit. Gising, Migs, gising!

Kaso ang sarap yakapin ng aking napakalambot na unan, busog na busog, walang kasimputi, napakalinis, napakabango. Habang kumakaripas ang tulo ng luha mula sa aking malamlam na mga mata. Habang inaalala ko na minsan, minahal niya ako, mahal na mahal na mahal. At ngayon, wala na. Aray. Aray to the blue blue sky.