Manila Gay Guy
  • facebook

Matutulog na sana ako. Eh habang ginagawa ko ang aking nighttime beauty regimen, naalala ko ang isang taong matagal nang nakahulikipkip sa mga lamukos ng aking pagewang-gewang na utak. Si Carlo.

Hideo Muraoka

Taga-Caloocan si Carlo. Malayo sa bahay ko. Kahit de-kotse ako, umaabot ng isang oras ang pag-drive ko papunta sa bahay niya. Antrapik pa. Nakilala ko siya sa chat. Isang gabi, in-invite niya ako sa bahay niya. May inuman daw sila ng barkada niya. Mga bading din daw, pero straight-acting, ika niya. Fine, inuman lang pala. Gusto ko rin kasing makita sa personal si Carlo. Sa picture kasi, guwapo siya. Chinito. Half-japanese daw kasi. Eh alam niyo naman ako, weakness ko ang mga singkitin. Kaya hayun, kahit napakalayo, pumunta ako.

Sa madaling salita, umaatikabong inuman ang nangyari. Andun nga ang barkada niya. Sa kanilang lahat, si Carlo lang ang masasabi kong tunay na straight-acting. Yung iba, may kulot ang boses pag nagsalita, o di kaya, pag nagkukuwento, daig pa ang maestro ng Philharmonic orchestra sa pagkumpas ng pinky. Pinky pa lang yun ah. Pero wala naman akong problema sa ganun. Keri lang mga sister. Pare-pareho naman tayo deep inside.

Hindi lang sa pagka-straight-acting nangibabaw si Carlo sa mga barkada niya. Siya rin lang ang talagang may itsura. Actually, guwapo siya. Makinis. Medyo malaman ang katawan kaya masarap. Hindi siya gym-fit (actually di ko type ang mga bato-bato sa langit, sa gym kumakandirit), hindi naman siya chub. In short, like ko siya. As in.

Natapos ang gabi ng inuman, hindi naman ako nagpakalango ng husto. Kaya nakauwi ako ng matiwasay. Sa mga sumunod na araw, nagpakiramdaman kami ni Carlo. Mostly, sa text. Di ko alam kung trip niya ako. Pero alam ko, trip ko siya. Ansarap ng feeling nun. Parang high school all over again. Iba talaga ang rollercoaster ng pag-ibig.

Ilang ulit pa naganap ang mga inuman. Minsan, inaya ko siya. Tara sa condo unit ko, aya ko. Sumama naman siya. At doon ko nalaman na like din pala niya ako. Dahil sa sarili kong kama, nangyari ang pirmahan, if you know what I mean.

Mabait si Carlo. Malambing pa. Guwapo. At higit sa lahat, alam kong gustung-gusto niya ako. Gustong-gustong-gusto.

Kaso may bumagabag sa akin. Gusto ko na rin sana talaga si Carlo bilang kabiyak ng puso ko. Ang problema, school drop-out siya. Tila ba walang patutunguhan ang buhay. Wala akong makitang enerhiya sa kanya sa larangan ng pag-aaral o pagta-trabaho man lang. Langit at lupa ang estado namin pagdating sa income-level. May kaya ang pamilya niya, oo. Kaso, naisip ko, di naman siya sustentado magpakailanman. At bothered talaga ako na tila wala siyang ambisyon sa buhay.

At dahil nga doon, si Carlo, ang half-Japanese na guwaping, naging “muntik na” lamang. Unti-unti ko siyang pina-fade-out sa buhay ko. Parang isang kanta ni Regine Velasquez na pagkatapos bumirit-birit ay tuluyan na ngang nag-fade out into thin air (kasi tapos na ang kanta). Nagtampo siya sa akin, at di ko na siya sinuyo pang muli. Hanggang ngayon, wala pa rin kaming communication.

Iyan ang isa sa mga kuwento ko na di ko pa nabibigyang-pansin — di ko pa talaga napapag-isipan. Tama nga ba na pinaligamgam ko ang feelings ko sa kanya? Tama ba na dahil bothered lamang ako sa kahihinatnan ng aming difference in income/social level eh nilayuan ko na siya?

Matutulog akong nakadantay sa akin ang mga katanungang ito.

Migs

one1pixel