Sep
05

Ang Kuwento Ni Siopao At Bunwich

Letters, Love and Dating 66 comments

Hi Migs,

First, I would like to greet your MGG Blog a Happy 3rd Anniversary. Your blog makes my monotonous work day exciting. I used to work in a call center in Makati when I discovered your blog, from then on I was addicted and always excited to check it everyday. Hanggang ngayon pwede ko nang sabihing parte na siya ng daily routine ko.

I was born and raised in Bacolod City, after graduation I went here to review for the Board Exams (ECE Board), needless to say, hindi pa kasing open ng Manila ang Bacolod as far as same-sex relationship is concern kaya nakakagulat when I first got here. Bata pa lang ako, since my mom is a teacher, I was raised to be masunurin at masipag mag-aral, in short NERD. I was a consistent honor student then, pero LONER, I never experienced the typical Barkada nung high school. Everytime may gusto ako, since I don’t have anyone to share it with, I’m making a note addressed to GOD and keep it in a box, wala pa kasing cellphone nun. It was always been my prayer to have someone I can call my own, not necessarily a lover… Bestfriend ok na. Together with that prayer, I completed the simbang gabi… novena mass at kung anu-ano pa. I am not religious but I always have my time for prayer. Siguro nasanay na din na siya lagi kausap ko dahil nga hindi ako mahilig makipag friends before. (Hindi na ngayon..lol)

Alam ko ever since that there’s something different about me compared to my male classmates. Until college, hindi ko alam kung ano talaga ako, I tried to do things straight people do, name it I’ve done it… siguro ma convince ang ibang tao na straight ako, kasabay nun ang pag convince din sa sarili ko na hindi ako ganun. Pero I was 3rd year college then when I met Francis, Freshman. He was maputi, long hair, chinito, matangkad, gwapo. (This is it!)

I began to notice him nung ang mga girl classmates ko kinikilig pag dumadaan siya sa classroom. Fate as you may call it, since member ako ng Student Government, I was asked to spearhead all the Engineering freshmen for an activity for the Sportsfest, and yes kasama siya dun. Everytime may practice sila I was there to arrange for the transportation and the food. Ako din ang taga check ng attendance nila aat dahil diyan I have to publish my number for any notification kung hindi makakapunta sa practice. Nagtagal ang practice ng mga 1 buwan, dahil na rin sa schedule ko ay hindi ako laging nakakapunta sa mga practices nila.

One night, nag text siya na hindi na daw kasing saya ang practice kasi wala ako. Migs, prior to that incident, hindi kami nag-uusap, we we’re not even introduced to each other,at wala din kaming common friends. Simula nun, we’ve been texting na, though more on about sa practices at sa school related activities. Nothing personal.

Last practice nila bago ang performance the next day, around 10p na kami umuwi, habang naka-upo ako sa pedicab naghihintay ng ibang pasahero going inside our subdivision, out of nowhere naisip kong magtxt sa cellphone ko, sabi ko “God, kung siya man ang binigay mo sa akin give me a sign, gusto ko tumawag siya pag dating ko sa bahay.” tinago ko lang sa Draft ng cellphone. Suntok sa buwan ang text na yun, hindi nga kami nag uusap ng personal, at hindi ako sigurado kung ano siya… pati sarili ko hindi din ako sigurado kung ano.

Papasok ako ng bahay, tumunog yung phone, uso pa drop call nun, nagtanong kung naka-uwi na ako. After ilang tanong at sagot, humirit siya ng “Pwede mag apply?” At first, I thought application for the org, so I replied hindi pa pwede kasi 1st year pa lang siya… sabi niya mag a-apply daw siyang bestfriend ko. Sabi ko okey, pero na weirduhan ako sa sitwasyon, at that time nalimutan ko ang sign na hiningi ko.

The next day sabay kami na nuod ng game, nag lunch, umuwi ng sabay. Naging ganun ang set-up namin for several months, minsan sinasamahan ko siya sa ibang school para manligaw sa classmate niya nung high school. Naging okey ang takbo ng sitwasyon namin, naging automatic na sa mga professor ko na pag nawawala ako, sa kanya ako hinahanap. Until one day, tinanong niya ko kung pwede daw more than friends na kami, nalaman kong tumigil na siya sa panliligaw sa girl sa kabilang school.

Pumayag ako, pero hindi ko alam kung tama nga yung ginawa ko. Dumaan ang ilang araw na masaya kaming pareho, we agreed not to have sex yet, because we need to prove kung LUST ba o LOVE ang nararamdaman namin, we agreed to go to church every Wednesday after school for novena, simba every Sunday at every lunch break sa school… Sabi namin pambawi kay Lord.. Lahat ng ginagawa namin naka plano, wala kaming sinabihang friends for fear na we’re both known sa school at baka ma kick-out kami. We prioritized our studies for fear na if ever malaman ng family namin na kami na, hindi pwedeng gawing dahilan na pinabayaan namin ang school namin. Para walang maisumbat. From then on, naging confident ako sa sitwasyon namin, I introduced him sa family as a “friend” and gusto naman siya ng family ko. Ganun din ako sa family niya.

This coming September 12, we will be celebrating our 80th month as a couple. At some point your blog has been and is still an inspiration for the both of us.. nahawa na din siya kakabasa ng blog mo dahil sa akin. Through your blog, from the stories shared by other readers and your advice that comes after, we realized that what we have right now is something that not most PLU have and that we have to take care and appreciate it. Dahil nga never namin na experience magka ex-boyfriend, kung paano makipag eye ball o makipag date sa ibang tao… through your blog we get to learn something, na hindi na dapat umabot sa kailangan naming maranasan yun para ma realize ang importance ng isa’t isa.

Gusto ko lang magpasalamat sa’yo at sa iyong blog. Hindi ko man kayang i-express siya sa paraang karapat-dapat, gusto kong malaman mo na parte ng buhay namin ang blog mo… and we all know that any relationship will never be better without the help of friends, family and the things that inspire and teach you… at isa ka dun.

Thank you.

Siopao & Bunwich

* * *

Dear Siopao & Bunwich,

Maraming salamat sa inyong email. Sa totoo lang, kinilig ako (at naihi ng three-and-a-half drops!) habang binabasa ang inyong napakagandang story. Being together in a loving, same-sex relationship for 80 months is no small accomplishment. You are right, you have something that many of us fervently wish for, and your resolve to always cherish and appreciate it is so refreshing and inspiring. Your story gives us a sliver of shimmer of a glimmer of hope, that we too can find our other half, just like both of you. Tila ba kayo isang baso ng malamig na tubig sa aming mahabang, nakakauhaw na paglalakbay sa kasukalan ng buhay. Maraming salamat!

To more months and more years of loving companionship! Cheers!

migs_signature.jpg

Aug
14

Nang Idinribol Siya Ng Basketbolista

Letters, Love and Dating 42 comments

Hello Migs,

To be honest di ko alam kung paano ko uumpisahan ang email na ‘to. Uumpisahan ko ba sa tanong?

Paminsan minsan ako nagbabasa ng mga sinusulat mo sa website mo. Nagka interest ako dun sa kwento about the basketball player that you once loved (?). Sa situation ko ngayon di alam kung pareho tayo ng pinagdaanan.

Sa isang sikat na liga ng basketball ko nakilala ang basketball player na nagdulot sakin ng sobrang sakit na kabiguan. May nag aalaga na talaga sa kanya dati isang taga showbusiness pero namatay na eto kamakailan lang. Sa madaling salita naging kami habang sila pa nung taga showbusiness na yun. Maganda ang umpisa ng relasyon namin. Open sya sakin. Lahat ng tungkol sa buhay nya alam ko. Dahil nga sa kami na, I supported him sa mga pangangailangan nya.

Sweet sya at thoughtful noong una. Pag di nagtitext, nagagalit sya. Sunod sunod ang text nya hangga’t di ako nagri reply sa kanya. Dumating ung time na I need to work abroad kasi very tempting ang offer. During the first few months maganda ang takbo ng relasyon namin. Regular texting. Kung nasaan sya nagsasabi sya at sinasabi rin nya kung sino mga ksama nya .Palagi ko sya tinatwagan sa phone. Sinubukan ko sya minsan, sabi ko tapusin na namin ung relasyon namin kasi parang mahirap ang kalagayan namin kasi masyadong malayo kami sa isa’t isa. Nagmamakaawa sya. Sabi nya ayaw daw nya dahil mahal na mahal na daw nya ako. Syempre, kinilig ako sa narinig ko kaya sabi ko sige subukan natin.

He informed me na may bago syang GF. He was happy to tell me na alam daw lahat ng GF nya ung sa amin. Para daw kahit magkasama sila makakapag text sya sa akin or matatawagan ko sya. As the days went on, parang nag iiba na sya. Napansin ko umpisa nung mamatay ung taga showbusiness na karelasyon nya nagbago sya bigla. Kinausap ko sya sabi ko bakit parang may nag iba na sa kanya. Parang mainit palagi ang ulo nya sakin. Dati ang mga text nya may “love” or labyu. Tinanong ko sya bakit ganun. Ang sabi nya busy lang daw talaga sya kaya ganun.

Isang madaling araw may mga missed calls ako from her GF. Kasunod nun mga text messages na masasakit from his GF. Di ko pinatulan. I called him up and told him him about it. Pero patay malisya. He even denied the number that his GF used was not known to him. But when I told him about the text messages from his celfon. Di sya nakapagsalita. Nagalit sya bigla sakin. Hanggang sa dumating ung time na di na nya aq tinitext. Pag tinatawagan ko sya binababaan nya ako ng phone. Masakit. Palagi mainit ulo nya sa akin. Tinanong ko sya one time kung mahal pa nya ako nagulat ako sa sinabi nya. Di nya daw alam. At ayaw na daw nya sa relasyon namin. Hirap na hirap na daw sya. Palagi na lang daw syang bad trip.

Nag makaawa ako sa kanya na bigyan nya ng second chance ang relasyon namin. Ayaw na daw talaga nya. Pero pinilit ko sya. Nag agree sya. Akala ko babalik pa sa dati ung pagtitinginan namin but it turned out to be a nightmare. May nababalitaan ako na palagi sya lumalabas ng isang gay businessman ng patago kasi ang tunay na alaga nung businessman ay ung star player nyang ka teammate. Tinanong ko about it lalo syang nagalit. Wala daw pala akong tiwala sa kanya kaya dapat daw tapusin na namin ang lahat lahat. Dahil daw sa akin ang dami daw nawala sa buhay nya. Pati GF daw nya iniwanan sya dahil sa akin. Pero hanggang ngayon kung ano binibigay ko sa kanya tinatanggap pa rin nya. Mahal na mahal ko talaga sya Migz.

TAMA BA ANG GINAGAWA KO? Dapat ko pa ba ipagpatuloy ang kabaliwan kong ito? Did you feel the same way with the basketball player you had before?

I need your advice badly. Please? Thank you.

Sincerely Yours,
        Lakers

* * *

Dear Lakers,

You asked, “dapat ko pa bang ipagpatuloy ang kabaliwan kong ito?” Alam mo Lakers, hango sa sabi ni Ate Maria, “ang kabaliwan hindi bine-beybi… Pinapatay.”

Huwag ka ng magpa-dribol-dribol pa sa mga eventualities na yan. Tama na ang panahon at perang ginugol mo kay Basketball Player. Napasaya ka naman niya, kinilig ka pa nga (at naihi ng three drops?). Maging thankful ka na lang sa mga nangyari. At isara mo na ang kabanatang iyan ng buhay mo, na may luha mang dumadausdos sa iyong pisngi, may ngiti namang namumuo sa iyong mga labi. Hugasan mo ang poot, palitan ito ng shining, shimmering splendor.

A new life awaits you, kumare. Marami pa tayo diyang mapapasayang lalake. Kung ako sa iyo, magkukulong lang ako sa banyo ng mga 21 minutes, inga-ngawa ko lang ito ng bonggang-bongga, tapos maligo ka. Maghilod, magsabon, ulitin pa ng 2 beses. Kunin ang shampoo. Wet hair, shampoo, rinse, and repeat. Mag-conditioner. Habang naghihintay ma-cure ang conditioner sa hair, sambitin ang mga salitang ito – “I am beautiful. I am lovely. I deserve beauty. I deserve love.” Ulitin ito nang mga 3 minutes, oo paulit-ulit, hanggang ma-cure ng husto ang conditioner sa buhok. Rinse thoroughly (para di magbalakubak sa anit.)

Step out of the shower as a renewed person. Ganyaaan. Ganyan nga. At huwag kakalimutan ang dapat ginagawa sa mga kasawian sa buhay. Ikembot lang yan at i-ngiti.

Nagmamahal,

Migs

one1pixel

Aug
13

Tulad Mo, Marami Ang Naghahanap Ng Pagmamahal

Love and Dating, Migs Speaks 22 comments

Isang umagang kay ganda!

Pagkatapos ng aking mga morning rituals at papunta na nga ako sa aking himpilan dito sa kanluraning Amerika, na-realize ko lang mga kapatid… napakarami nating naghahanap ng pagmamahal. Suyurin ninyo ang mga baklerz blogs, mga twitter posts ng ating mga kapatid, at maging sa mga email na natatanggap ng inyong lingkod (maraming salamat sa mga letter senders!)… matatanto niyo rin na, aba hindi pala ako nag-iisa, napakarami nating naghahanap ng madulas at di mahuli-huling pag-ibig.

Hindi nga ba totoo ito? Ano sa palagay ninyo?

At kung may katotohanan nga na napakarami nating naghahanap ng pagmamahal, ito ay isang cause for celebration! Aba, sa dami natin, ibig sabihin ay napakalaki ng chance na makahanap nga tayo ng mamahalin. At kung napakalaki ng chance, eh di hindi na natin pang kailangang malungkot, magngangawa, mag-emo, at kung anik-anik pa, ukol sa “hirap ng paghahanap” — tunay nga ang gasgas nang linya, “darating din yan sa tamang panahon!”

Mga kapatid, take heart. Hindi tayo mauubusan. Napakaraming tulad natin na naghahanap rin ng kabiyak. No need to worry. No need to cry. Your knight in shining armor is surely soon to come. Meanwhile, magpaka-busy tayo sa pagpapaganda, pagiging successful, at pagiging mabuting tao. Dahil yan ang sikreto kung paano maging isang mabuting partner: maging mabuting tao.

Bow.

Migs

one1pixel

Jul
10

Migs Echoes Bill Parrish

Love and Dating, Migs Speaks, Movies and Music 12 comments

I love the film “Meet Joe Black.” That is why, as we close the workweek, I echo my most favorite movie line, spoken by Bill Parrish (Anthony Hopkins) to his daughter. These are the same words I want to impart to all of you:

MJBlack4

I want you to get swept away. I want you to levitate.
I want you to sing with rapture and dance like a dervish.
Be deliriously happy. Or at least leave yourself open to be.
I know it’s a cornball thing but love is passion,
obsession, someone you can’t live without.
If you don’t start with that, what are you going to end up with?
I say fall head over heels. Find someone you can
love like crazy and who’ll love you the same way back.
And how do you find him? Forget your head and listen
to your heart… Run the risk, if you get hurt, you’ll come back.
Because, the truth is there is no sense living your
life without this. To make the journey and not
fall deeply in love — well, you haven’t lived a life at all.
You have to try. Because if you haven’t tried,
you haven’t lived… Stay open. Who knows?
Lightning could strike.

May
12

Tired and Desperately Looking?

Love and Dating 27 comments

Have you been looking for love? It is everywhere, we know, yet does it seem that the one for you is nowhere to be found? Listen to this: “Ladies and Gentlemen, ever so sorry to bother you. Don’t worry, I’m not here to beg for money. Let me introduce myself. My name’s Antoine. I’m 29. I recently read in a magazine that there are about 5 million single women in France. Where are they? I’m looking for a lady aged between 18 and 55 who’s also had trouble meeting someone in a conventional way and who wouldn’t mind giving a honest relationship with someone a shot…”
(more…)

Apr
05

Papatol ka ba sa mas matanda sa iyo ng 10+ years?

Love and Dating, Podcasts 51 comments

26old_man Papatol ka ba sa mas matanda sa iyo ng 10+ years? Age gap, generation gap. Is this a barrier to a long, lasting, and loving relationship?

How about a substantial gap in social strata? Yun tipong, one partner is an executive earning a 6-digit monthly salary, while the other is a blue-collar, minimum wager? Again, is this a barrier to a long, lasting, and loving relationship?

Come, chikahan tayo! Listen to this riotous continuation to the Fabcasters’ podcast, originally entitled May-December Love Affairs. Starring CC, McVie, Tony, Gibbs, and yours truly. Special participation of a mysterious caller — a phone call for CC from London while we were recording the podcast. The fabcast after the jump!

(more…)

Dec
29

Si Francis (ang ikalawang yugto)

Love and Dating, Migs Speaks 20 comments

makke_its_binary_baby Ang nakaraan: [Narito ang kabuuan ng nakaraan.]

Ramdam ko ang init na galing sa balat niya, nanunuot sa kalamnan ko. Sa gitna ng katahimikan, tumawa siya, mahina. Parang alam ko na kung ano ang mangyayari. Kumakabog ang dibdib ko na para bang may tatlumpung puso ang tumitibok sabay-sabay. Sabi ko na lang, pabiro, “gawin mo na ang gusto mong gawin.”

(more…)

Dec
28

MGG World Peace Award: Positivism

HIV / AIDS, Issues, Migs Speaks No comments

world_peace_award2008 I read the following article by Cholo Hidalgo Laurel at Brian Gorrell’s blog, and I was deeply struck. In the early part of his article he says, “Twelve years of tiptoeing around people’s egos, witnessing the most evil power plays known to man, often compromising standards and never really feeling creatively fulfilled was just eating my soul up. Ergo, This happy man was not a very contented man. This man wanted to start doing things that meant something.” As I read through it, I felt so drawn to his passion to live a relevant, significant life, something much larger than himself. I so admire this kind of courage and high-mindedness. (more…)

Dec
26

Joseph Izon’s Love Bird

Hunks, Movies and Music 25 comments

3058360383_6548a17e4a 3058360393_fe08d445ec_b

Wanna see Joseph Izon’s love bird? :p

(more…)

Dec
25

Si Francis

Gay Confusion, Love and Dating, Migs Speaks 18 comments

makke_its_binary_baby Araw ng Pasko, kung bakit may isang tao ang tila ba biglang sumulpot sa aking alaala. Francis ang pangalan niya. Kaibigan ko siya mahigit 10 taon na ang nakalipas. Matalik na kaibigan. Napakabait sa akin ng taong ito, ngunit sa iba, tila ba napakasuplado niya. Napakatalino rin niya, mahilig magbasa at makipagduwelo sa pamamagitan ng salita’t malalalim na diwa. Batang-bata pa ako noong mga panahong halos araw-araw ay kasama ko siya, at dahil na rin siguro sa gayon, madaling nahulog ang loob ko kay Francis. At siya rin ang kauna-unahang lalaking aking nakasiping.

(more…)