Manila Gay Guy
  • facebook

Hi Migs,

First of all, please allow me to greet you a pleasant good day.

Just call me Dee, straight acting at kahit papano may itsura rin, pero deep inside of me ay bading na bading ako, im 28 yrs and working as an OFW. Magdadalawang taon na ako dito sa kumpanyang aking pinapasukan pero hanggang ngayon virgin pa ako sa pakikipag talik sa kapwa ko pilipino sa takot kong matsismis o masira ang aking reputasyon, pero sa ibang lahi ay marami-rami na akong nakatalik at diko na mabilang kung ilan silang lahat.

May crush akong pinoy, sya si Jigs isa sya sa maraming pinoy engineers namin dito sa company, matangkad, moreno at gwapo. Tahimik lang sya at madalas sa pinaka dulo ng service bus sya nakaupo kapag uwian na namin. Unang kita ko palang sa kanya dito sa office namin ay kinabog na agad ang aking puso at mula nga nuon ay naging pantasya ko na sya gabi-gabi. Kahit may pagtingin ako sa kanya ay diko ipinahalata sa kanya but deep inside of me ay kinikilig ako kapag nakangiti sya sa akin kapag nagkaka salubong kami sa hallway or sa labas.

Hanggang sa lumalim na ang aking nararamdaman at naging LOVE na yata ito, kaya ng diko na mapigil pa ang aking nararamdaman ay nag e-mail ako sa kanya using other e-mail address, sabi ko nung una na HI CAN YOU BE MY FRIEND, nag reply naman sya ng OK LANG. Nung una ayaw kong sabihin ang tunay kong identity at panay lang ang send ko ng messages reminding him to be safe always etc….. at yun nga lang nakaka-irita kasi sa sobrang haba ng mga messages ko ay iisang word lang ang reply nya na palaging THNX lang.

Hanggang isang araw nagulat nalang ako ng sabihin nyang “parang kilala na kita pero di ako sure kung ikaw nga yun pero malakas ang kutob kong ikaw yun pero oks lang sa akin at thnx Dee” Natopak ako ng husto pero pilit parin akong nag deny na ako yun pero sabi nya “Kung di ikaw yun sana dimo ako ginugudtime lang” at mula nga nuon dina sya nag rereply sa messages ko at namis ko ang replies nyang THANX lang. Dahil mahal ko sya ay umamin na ako at hiniling ko sa kanya na sana ay mananatiling lihim ang aking pagkatao sa lahat at sabi nya PROMISE YOU HAVE MY WORD.

Sa sobrang hiya ko, di ako makatingin ng diretso sa kanya at natigil narin ang pagpapadala ko ng messages sa kanya, luka-luka lang talaga siguro ako kasi minsan nakasalubong ko sya at kinausap nya ako at sobrang smile sya sa akin, syempre kinilig na naman ako kaya masaya na ulit ako. Hnaggang ngayon nag ngingitian naman kami kapag nagkaka salubong kami pero nararamdaman kong medyo nahihiya sya sa akin at ako man ay di rin makatagal na makipag titigan sa kanya kasi parang nalulusaw ako sa mga titig nya. Alam ko rin na alam na nya na di lang friendship ang gusto kong mangyari kaya medyo nahihiya na sya siguro sa akin. Kung dipa dahil sa ALIMASAG ay baka dipa kami magkakaroon ng chance na magpalitan ng mga messages na medyo mahaba-haba ang replies nya.

Migs ang problema ko ngayon ay kung paano ko sasabihin sa kanya na feel ko syang maka bed of roses. Madalas naman akong yayain ng inuman ng kanyang mga kasamahan sa accomodation nila pero ang worries ko lang ay mahina at madali akong malasing at baka imbes na matikman ko sya ay baka tulugan ko lang sila sa sobrang kalasingan ko at takot din akong malasing kasi madali akong mauto-uto.

Migs sana matulungan mo ako kasi parang masisiraan na ako ng bait kung pano ko sya matitikman kasi ang tagal ko ng naghihintay. Ano ba ang magandang gawin para maramdaman nya na feel na feel ko syang maka bed of roses. Dapat ko bang sabihin sa kanya na matagal ko na syang crush, pero natatakot naman akong baka i-reject nya ako.

Lubos na gumagalang Dee

* * *

Dear Dee,

Sa unang pagkabasa ko ng liham mo, aaminin kong napakunot-noo ako. Sabi ko, yun lang ba talaga ang gusto niya? Na ma-“bed of roses” niya si Jigs? Mabilis ko rin namang nasagot ang sarili ko (oo, may pagka-schizophrenic ako, lalo na ngayong nasa ibang bansa ako at malimit na walang makausap). Ikaw na rin ang nagsabi, ukol sa nararamdaman mo kay Jigs: “…hanggang sa lumalim na ang aking nararamdaman at naging LOVE na yata ito.”

Alam mo Jigs, kung talagang “bed of roses” lang ang habol mo sa kanya, napakadali. Pero nararamdaman ko na hindi lang iyon ang gusto mo. Para bang gusto mo rin yatang subukang buksan ang puso ni Jigs, at magbaka-sakaling higit pa sa pakikipagkaibigan ang maaari ninyong maging turingan. Tama ba ang naiisip ko?

Kung mahal mo nga siyang talaga, at nagnanais ka na mahalin din ni Jigs, ihanda mo ang sarili mo. Ihanda mong tahakin ang landas na kay-rami nang sumubok. May mga nabigo, ngunit mayroon din namang nagtagumpay. Sa aking pagkakaalam, matarik ang landasing ito, kaya nga ang payo ko sa iyo ay ihanda mo ang sarili mo. “Paano?,” maaring susunod na tanong mo. Kadalasan, sa karamihan ng umusbong na pag-ibig, nagdadaan ito sa pakikipagkaibigan. Ika nga, friendship is the seed of long-lasting love. Bakit di mo subuking maging isang tunay na kaibigan ni Jigs? Alam kong matagal mo nang inaasam na ikama ang lalaking iyan, pero kung talagang pagmamahal ang hanap mo, kung pangmatagalan ang gusto mo, baka kailangan mong maging mas pasensiyoso. Siyempre, hindi kasiguraduhan na magtatagumpay ka, dahil malay ba naman natin kung talagang diretso pa sa ruler yang si Jigs. I mean, baka naman kahit anong tambling mo eh di talaga magmamahal yan ng isang sirena. We don’t know, yet you can try. And when you succeed, aba, ultimong kampana sa North Pole eh kakalembang sa tuwa.

Kung talaga namang sex lang ang habol mo sa kanya, ito naman ang maipapayo ko. Gawin mo ang lahat para siya mismo ang humingi nito. Na siya mismo ang kumalabit sa iyo at magsabi, “Dee, ok lang ba sa iyo…?” Paano, ika mo? Madali lang yan. Una, kilalanin mo siya — ano ba ang history niya sa sex? Pumatol na ba siya sa bading dati? (kung oo, aba, eh di napakadali naman na pala ng gusto mo.) Relaxed lang ba siya sa ganitong usapan, o medyo homophobic siya? Kapag alam mo na kung nasaan siya sa spectrum, mas makakapag-adjust ka. Sa tingin mo ba, mas kumportable siya kung medyo pa-girl ka? O baka mas may chance kung itutuloy mo ang pagiging pamintang durog? Hija, gamitin ang utak. For more ideas, hahayaan ko na ang ibang MGG readers na mag-suggest. O di kaya naman ay basahin ang post na ito at ito pa. Basta’s huwag kakalimutan ang bilin ko, uulitin ko ha, gawin mong siya mismo ang humiling ng sex. Kapag nagawa mo yan, kokoronahan kita ng bonggang-bongga. At pakakalembangin din natin yang kampana sa North Pole — to the tune of “Nobadi Ba-chooo!”

O, siya, Dee, magpaganda ka na. Salamat sa pagsulat.

Kumakandirit ever, ang Ate mong pagka-minsa’y kunsintidora…

migs_signature.jpg
one1pixel